Chapter 55

153K 4.1K 1.2K
                                    

Maagang gumising ang mga kalalakihan sapagkat sila ang nakatoka upang maghanda ng agahan. Masayang binabaybay nina Kian at Karlo ang daan patungong hagdan, ngunit matindi pa rin ang tensyong namumuo sa pagitan nina Mark at Ethan.

"Mga pards, magkibuan naman kayo oh! Magbati na kayo." Wika ni Karlo sa dalawa na nangunguna sa pagbaba ng hagdan.

"Kaya nga, ade tanggapin na lang ng talo kung sino man siya sa inyong dalawa. Don't play it hard dude! Alam naman nating isa lang pwedeng piliin at mahalin sa inyo ni Rox kaya magparaya ang matatalo, kumbaga friends pa rin kahit ano mang mangyari. Walang samaan ng loob. Tayo na nga lang magtotropa dito magkakasira pa tayo dahil lang sa isang babae?" Paliwanag ni Kian habang nakaakbay sa dalawa. Sa kanan niya si Mark na walang imik at sa kaliwa naman si Ethan na parang umid.

"Oh siya siya, hayaan na nga natin silang dalawa. Huwag silang magpansinan kung ayaw nila." Wika ni Karlo na naiinis sa inaasal ng mga ito.

Pagkarating nila sa dulo ng hagdan, wala na ngang nagsalita sa kanila kahit isa. Deadma kung deadma. Tahimik silang naglakad na parang hindi magkakakilala.

Napahinto sila sa paglalakad ng bumungad sa kanila ang isang puting kabaong ng makarating sila sa sala.

"Oh shit! Para saan ito?" Ani ni Karlo na kanina pa mainit ang ulo.

"Huwag mo sabihing..." wika ni Kian na hindi na naituloy pa ang kaniyang sasabihin. Nagngalit ang kanilang mga bagang sa napagtanto nila.

Nagkasundo-sundo silang apat na tingnan muna kung may laman ito o wala bago ipaalam sa mga kababaihan ang kanilang natuklasan.

Sabay-sabay silang lumapit dito at dinako bawat sulok at pinagtag-i-tag-isahan ito. Sina Karlo at Mark ang nasa bandang kanan at sina Kian at Ethan naman sa bandang kaliwa. Kinakabahan sila dahil ito'y maaaring sorpresa sa kanila ng killer o kaya nama'y patibong.

"Sa pagbilang ko ng tatlo, sabay-sabay nating itataas itong takip. Ready?" Wika ni Kian na nakamuwestra na at handang-handa na sa kung ano man ang mangyari. Sinang-ayunan naman siya ng kaniyang mga kasama.

"...1...2...3!" Bilang nito at sabay-sabay naglabas ng pwersa para maiangat ito.

Napatalon sina Ethan at Mark sa tumambad sa harapan nila. Nagkauntugan pa sila at napayakap sa isa't isa. Habang sina Karlo at Kian ay tuwang-tuwa habang pinagmamasdan yung dalawa.

"Haha! Ang cute niyong dalawa!" Pambubuska sa kanila ni Kian sapagkat yakap pa rin nila ang isa't isa. Napagtanto ng dalawa ang kanilang ginawa at napangiti na lamang sila. Ganun pa rin, malamig ang pakikitungo nila sa isa't isa na kaagad lang naghiwalay na parang walang nangyari.

"Akala ko magkakabati na kayo, hindi pa pala." Wika ni Kian sa kawalan ng wala man lang ka emo-emosyon.

Halos wala pa ring kibo yung dalawa habang si Karlo ay napatigagal ng madako ang kaniyang tingin sa kabaong mismo. Akala nila ay mga dagang naglulundagan lamang ito pero mayroon pala itong lamang bangkay ng tao.

"Shit again!" Sigaw niya sa hangin na pawang nanggagalaiti sa galit.

"May namatay na naman." Simpleng pahayag ni Mark habang siya'y nakayuko.

"Oh guys, bawat ganiyan ang mga mukha..." wika ni Xiara Ginny na naunang bumaba sa mga babae. Hindi niya na natapos ang kaniyang sasabihin dahil sa bagay na bumungad sa kaniya. Napatakip na lamang siya sa kaniyang bibig at tila nanlumo hanggang sa mapaupo siya sa sahig.

"Ang tagal niyo naman! Gutom na gutom na ako." Reklamo ni Arianne habang siya'y naghihikab kasama si Roxette na pupungay-pungay pa sa paglalakad.

Nanlaki ang mata ng dalawa sa kanilang nakita. Hindi nila alam kung ano ang kanilang gagawin na halos nakakataranta.

Dumating si Mia ngunit mukhang hindi siya nabagabag sa kaniyang nakita. Lumapit lang siya sa tabi ni Mark at kaagad niya itong niyakap. Hindi naman siya pinansin ng binata.

"Ang kati talaga ng likod ko. Paki tingnan nga Arianne kung may higad please?" Pagpaparinig ni Ginny na umaarteng parang nangangati. Inirapan lang siya ni Mia na walang paki sa kaniya.

"Umayos ka nga Mia! Ang landi mo! Kita mo ng namayapa si Tin tapos ganiyan pa inaasal mo?" Wika ni Ginny na nakapameywang at iritang-irita sa ginagawa ng dalaga.

"Malandi na kung malandi! Mind your own business! Kung inggit ka, gumaya ka! Makipaglandian ka rin kay Karlo, masaya iyon! Haha!" Wika ni Mia na humahalakhak sa katatawa. Nag-init ang dugo ni Ginny sa tinuran ng dalaga kaya dali-dali niya itong sinunggaban ng sampal sa kanang pisngi.

"How dare you!" Wika ni Mia habang nakahawak sa pisnging sinampal ni Ginny. Nagngingitngit na siya sa galit at halos nais niyang makalbo si Ginny dahil sa ginawa nito sa kaniya pero pinigilan siya ni Mark.

"Paano mo naaatim na gawin ang ganiyang bagay gayon pa't alam mong nasa piligro ang iyong buhay?" Akusa sa kaniya ni Ginny habang pinipigilan siya nina Rox, Arianne at Ethan na para gusto yata ng giyera.

"Well, kung mamamatay din lang naman ako ay susulitin ko na ang nalalabing oras ko. Gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin! Buhay ko ito eh! Huwag mo akong pakikialaman!" Sigaw naman ni Mia habang pinipigilan siya nina Mark, Kian at Karlo.

Hindi na umimik pa si Ginny dahil dumating na sina Agatha at Xiara.

"Anong bang kaguluhan ito ha?" Bungad ni Agatha. Napatigil sila ni Xiara sa paglalakad ng maagaw ng kabaong ang atensyon nila.

Unti-unting nagbutil ang luha ni Xiara na naiipon sa kaniyang mga mata. Nakita niya ang kaibigan na nakahimlay sa kabaong. Mga dagang nagtatalunan sa loob nito. Dumaloy ang luhang kanina pa naiipon sa mga mata niya. Pinipigil niyang huwag umiyak pero hindi niya na kaya. Sumabog ang kaniyang emosyon na naglalagablab sa todong kalungkutan. Niyakap siya ni Agatha ngunit hindi ito sapat upang mahimasmasan siya.

"Tin!" Sigaw niya na puno ng pait at puro pighati. Nagtatakbo siya papalapit sa kabaong na kinasadlakan ng kaibigan at niyakap ang kinalalagyan nito.

Napuno ng pagsusumamo ang loob ng mansiyon. Nakayuko lang ang lahat na nakikiramay sa pagkawala ng isa na namang kaibigan/kaklase nila.

Halos madurog ang puso ni Roxette ng makita si Xiara na walang humpay sa pagtangis. Ang sakit sa kalooban. Mamimiss din nila si Tin dahil sa ugali nito. Sadyang nakakahawa ang pag-iyak ni Xiara dahil taghoy ito nang taghoy. Hindi nila alam kung ano ang gagawin upang mahimasmasan ito. Ngayon lang kasi nakita ang emosyonal na Xiara.

Nakakaawa ang kalagayan ni Tin. Puro ngat-ngat na ang suot nitong pang-itaas at pang-ibaba. May maliliit na sugat kang matatagpuan sa kaniyang katawan, mukha, kamay at paa na pawang gawa ng mga daga. Nagtataka sila kung bakit may scepter, kapa at koronang tinik ang dalaga.

"Naiintindihan ko na." Pahayag ni Agatha na nakaupo sa isang sulok.

"What do you mean?" Tanong ni Ethan.

"Alam ko na kung bakit ganiyan ang itsura ni Tin. Hindi ba sinabi niya sa atin na pangarap niyang maging beauty queen? Tinupad lang iyon ng killer." Mahinang wika nito dahil patuloy pa rin si Xiara sa pagsusumamo.

"Her death letter is Q nakasulat sa kamay niya. Q means queen at iyon ang death word niya. Imbis nga lang na totoong korona ang ibinigay sa kaniya ng killer ay koronang tinik ang ipinataw niya para pahirapan ito." Paliwanag nito.

"Sa ngayon, tulungan niyo muna akong pakalmahin si Xiara para madala na yung bangkay ni Tin sa dapat nitong paglagyan." Dagdag pa nito.

-------------------------------------------

E/N: pasensya na kung maikli hehe.. alam ko pong bitin kaya hintayin niyo na lang ang next update ko. Thanks for reading!

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon