Josh's POV
Hindi ko maiwasang magmuni-muni habang naggigitara dito sa may batuhan malapit sa dalampasigan.
I miss the moment na kung saan ay masasaya kaming Mp5. Mga asaran, tawanan at pati na rin iyakan. Ganiyan kami ka-close sa isa't isa lalo na sa babaeng nagbigay ng doubleng pintig sa aking puso, si Mia.
Naisipan ko na lang kumanta habang ako'y nagninilay-nilay.
Parang biro lamang
Dumating and tulad mo
At may isang pag-ibig
Na tapat at totoo
Naalala ko pa noon, kasal ng Tito ko at Tita mo. Hindi ko lubos na maisip na mahuhulog pala ako sa tulad mo. Isang simpleng babaeng may mahiyaing personalidad. Kadalasan kasi sa mga babaeng tipo ko ay boost with confident. Kung sexy, sexy talaga at ipapangalandakan sa buong mundo na sexy siya unlike you.
Natatawa pa nga ako sayo noon dahil first day of class ay naligaw ka na. Hindi mo natagpuan yung classroom kaagad. Tapos, pagpasok mo ay natalisod ka pa. Kaya tawag sayo noon ay Miss Clumsy.
Dahil sayo'y naramdaman
Ang tunay na pagmamahal
Iibigin kita
Kahit sino ka man
Tayo ang unang naging close. Naging sandigan mo sa tuwing ika'y nag-iisa o di kaya'y kailangan mo ng tuloy. Syempre, sa bawat pabor mong hinihingi ay pinagbibigyan kita kahit na minsan, nahihirapan na ako.
Ikaw na nga
Ang hinahanap ng puso
Ang siyang magbibigay
Ng saya ng tamis at lambing sa buhay ko
Alam mo ba kung gaano ako kaligaya nung mga panahong super close natin. Para nga tayong friends with benefits noon eh. You satisfy my needs and wants at ganun din ako sayo.
Ikaw na nga ang bawat panaginip ko
Sa piling ko'y nagkatotoo
Ang lahat ng mga pangarap ko
Ikaw na nga ito
Pinapangarap ko noon na Ikaw na nga sana ang babaeng masisilayan ko na naglalakad sa altar patungo sa kinalulugdan ko. Alam mo bang gustong-gusto kita kaso hindi ko lang maamin dahil nga takot akong hindi mo masuklian ang pagmamahal ko para sayo. Naging dumag ako sa pagtatapat ng aking tunay na nararamdaman. Parang hindi ako lalaki sa aking inaasa. Nagpalamon lng ako sa katorpehan.
Mas lalo pang gumuho ang mundo ko ng ipaalam mo sa akin kung sino talaga ang nilalaman ng iyong puso. Akala ko nga si Jerome iyon dahil nagiging close kayo noong panahon na iyon. Pero nagulat ako ng malaman kong ipinagtapat mo kay Mark ang tunay mong damdamin para sa kaniya.
Palaging mayroong kulang
Sa isang pagmamahal
Ang tanging kailangan
Puso ay mapagbigyan
Nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan ka. Noong nalamn kong rejected ka, magkahalong tuwa at lungkot ang aking naramdaman.
Lungkot dahil nasaktan ang inosente mong puso dahil sabi mo sa akin, siya ang first love mo. Gusto kitang yakapin para mapawi ang sakit na namutawi sa iyong puso kaso hindi ko magawa sapagkat sa tingin ko'y hindi sapat ang comfort ko para mapawi ang sakit na naitam diyan sa puso mo.
BINABASA MO ANG
Alphabet of Death (Published)
HorrorAlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang iyong pinangangalagaan? Mag-ingat ka dahil ang letrang pinanghahawakan mo ay ang magiging sanhi ng k...