Henry's POV
Hindi ako makapaniwala na pati si Joan ay wala na rin. Akala ko naman, malalaman ko kaagad at mahuhuli kung sino yung killer.
May hinala naman na ako kung sino talaga yung killer. Hindi ko lang masabi sa kanila dahil wala naman akong pruweba o ebidensiya na magsasaad na siya nga talaga yung killer.
Ang akala naming masayang outing ang patuloy na magbubuklod sa aming samayanan. Ngunit mali pala kaming lahat. Ito na pala ang katapusan naming lahat habang unti-unti niya kaming nilalagas isa-isa ng hindi namin alam.
Sadyang kalunos-lunos ng sinapit ng lima naming kasamang namayapa na. Para kaming na-trap sa isla habang pinapaligiran ng pating na sa kahit anumang oras niya gustuhin, maaari niya kaming sakmalin.
Ang pinagtataka ko lang, napakalinis namang kumilos ng killer na kahit ni-isa sa amin ay hindi napapansing kumikilos siya. Masyado siyang bihasa para pumaslang ng tao ng ganun-ganun na lang.
Maaari kayang si Ginny ang killer? Kasi naman, sa kanila yung bahay na ito at itong buong isla ay sa kanila! Pero mukhang impusible namang maatim niyang pumatay. Oh di kaya, isa sa mga close friend niya na nadala na niya dito noon? Hay, ewan!
Isa pa sa pinagtataka ko ay yung mga multong gumagambala sa amin. Ewan ko ba kung gawa-gawa lang ito ng killer para lituhin kami pero masyado siyang magaling at mautak para maisip ang ganoong bagay.
Hindi naman si Nikka o Tom ang maaaring gumawa noon dahil alam ko kung paano sila kumilos. Kabisado ko na ang kanilang galaw.
May possibility kayang may kasabwat yung killer? Kasi naman ay nakaya niyang pabagsakin yung limang iyon sa loob lamang ng tatlong araw. Pero pwede ring pinagplanuhan niya ang lahat bago kami makapunta rito.
Sandali, maaari kayang si Agatha ang killer? Siya lang naman ang nakaisip ng dare game eh lalo na yung pagbunot ng letra doon sa bowl. Pero pwede rin namang kinabisado ng killer yung letrang pinanghahawakan ng bawat isa! Litong-lito na tuloy ako!
At isa pa! Ano kaya ang mensaheng nais iparating sa amin nung killer? Letter O, F, R, S, U na ang kaniyang ibinibigay. Maaaring may kasunod pa ito.
Sa aking pagninilay-nilay, napansin kong nagmamadaling maghugas ng kamay si...
"Toink!" Tunog ng basong nabasag.
Nasagi ko pala yung basong pinag-inuman ko kanina. Nandito ako ngayon sa may bandang sulok ng sala at nagtatago sa malaking harang na parang poste dahil mukhang napansin niya ako.
Dali-dali siyang nawala sa aking paningin. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Isa lang ang bagay na gumimbal sa akin. Iyon ay ang mantiya ng dugo sa manggas ng kaniyang damit. Kung hindi ako nagkakamali, siya na nga yung killer!
"Subukan mong gumawa ng ingay ngayon at ipapadala kita kaagad sa kabilang buhay." Wika niya sa akimg likuran habang nakatapat sa aking leeg ang napakatalim na kutsilyo.
Nakakagulat! Hindi ko napansin na nandito na siya sa likuran ko sa isang iglap lang! Paano niya nagawa iyon? Basta, kailangan kong umisip ng paraan para matakasan ko siya.
"Kung ano man iyan iniisip mo, kung ako sayo, isasantabi ko na lang dahil wala ako sa tamang huwisyo ngayon." Pananakot pa niya at nakaramdam na lang ako bigla ng pagbigat sa talukap ng aking mata.
Unti-unti ng lumalabo ang aking paningin at hindi na rin nakatutok sa akin yung kutsilyo kaya humarap ako sa kaniya. Nakita ko ang isang injection na bigla niyang ipinamulsa at tuluyan na nga akong bumagsak sa sahig at nawalan ng ulirat.
BINABASA MO ANG
Alphabet of Death (Published)
HorrorAlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang iyong pinangangalagaan? Mag-ingat ka dahil ang letrang pinanghahawakan mo ay ang magiging sanhi ng k...