Chapter 50

168K 4.1K 859
                                    

Jerome's POV

The love of my life... Nikka! Sa wakas, naamin ko rin sa sarili ko na mahal kita. Noon kasi, akala ko ay trip lang kita. Yung every moment na makikita kita dapat ay binubuska kita. Ang sarap kaya niyang asarin lalo na yung itsura niya kapag napipikon haha!

Ang trip kong pang-aasar sa kaniya ay lumalim. Kapag hindi ko siya nabibiro o ni nakakausap man lang, pakiramdam ko, hindi ako kumpleto. Ganito pala ang pakiramdam na panain ka ni Kupido.

Minsan nga, napapakanta pa ako ng HILING by Silent Sanctuary kapag mag-isa ako. Opo, tumutugtog ako ng gitara at sabi nga ng mga kaklase ko, ang galing ko raw at ang ganda ng boses ko. Pero ni hindi sumagi sa isipan ko na sumali sa grupo ng Mp5 dahil loyal ako sa mga Kengkoy no haha!

Madalas sumagi sa isipan ko na, "Paano kung ito na ang hangganan ng aming buhay?", "Paano kung sa isang iglap lang ay mawala na siya sa piling ko?", "Paano kung ako ang unahin ng killer? Paano na siya?" Basta, ang daming tanong na gumugulo sa aking isipan.

"Paano kung sulitin na namin ang mga nalalabing araw na dapat ilaan namin sa isa't isa?" Oo nga no? Bakit kaya hindi ko ito naisipan kaagad? Kailangan every minute, every second ay masaya naming pinagsasaluhan ang mga oras pang nalalabi para sa aming dalawa.

Kaya nung time na nasa sala kami, niyaya ko siya. Mabuti na lang at pumayag siya kunghindi, tiyak na magtatampo ako sa kaniya hanggang sa suyuin niya ako at lambingin at sabihing, "Sorry na, payag na ako!" Hahaha!

Bago pa sumapit ang dilim, inayos ko na ang lahat na preparasyon na aking dapat gawin. Inihanda ko na ang lahat habang maaga pa.

Nasa kitchen ako ngayon, minabuti ko munang kumain ng bread at uminom ng juice miryenda kumbaga. Sa gitna ng aking pagkain, biglang may babaeng lumitaw at tumabi sa aking upuan. Akala ko ay kaklase ko lang siya kaya inalok ko siya ng pagkain ng hindi siya sinusulyapan.

"Uy kain!" Alok ko. Ang pinagtataka ko, nakaupo lang siya sa upan at hindi umiimik. Minabuti kong tumingin sa kaniya at laking gulat ko ng makita ko yung babaeng nakaputi. Kinusot-kusot ko pa yung mata ko dahil akala ko ay namalik-mata lang ako pero hindi eh! Totoo ang lahat. Sa tanang buhay ko, ngayon lang talaga ako nakakita ng multo kaya kinilabutan talaga ako.

"Huwag niyo ng ituloy kung ano man ang binabalak niyo." Aniya habang nakaupo lang sa tabi ko. Ni hindi ko nagawang kumilos dahil sa takot.

"A-at b-bakat n-man?" Pautal-utal kong tanong.

"Mapapahamak lang kayo." Wika niya at biglang lumitaw yung babaeng nakaitim at sinakal siya at bigla na lamang silang naglaho.

"Warning?" Naitanong ko na lang sa sarili. Hindi, kahit anong mangyari ay tutuloy kami. Bahala na!

Kinagabihan, nagkita kami ni Nikka sa may kitchen. Hindi ko na ikinuwento sa kaniya yung tungkol sa multo dahil baka mabagabag siya nito at hindi mai-enjoy ang overnight namin.

Pagkarating namin sa venue, halata kong nasiyahan siya kaya higit ang saya na nadarama ko ngayon. Masaya naman kami at na-enjoy namin ang gabing iyon. Ni hindi nga nagkatotoo yung warning nung white lady kanina kaya hindi na ako nabahala.

Habang nasa loob kami ng tent, isang kaluskos at yabag ng mga paa ang higit na bumagabag sa akin. Idagdag mo pa yung anino sa labas nitong tent. Tiyak na may tao, maaari kayang ang killer ito? Ito na kaya ang warning nung white lady?

Lumabas kami ni Nikka at hinarap namin kung sino ang nasa labas.

"Uy, ano ginagawa mo rito?" Tanong ko habang nasa likuran ko si Nikka.

"Wala lang, gusto ko lang kayong i-check kung tulog na kayo para maisagawa ko na ang aking plano kaso gising pa kayo eh." Wika niya habang siya'y nakangiti. Tama nga ako! Kami ang pakay niya! Dapat pala ay sinunod ko yung warning ng white lady kanina! Tsk! Nalagay tuloy kami sa kapahamakan.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon