Killer's POV
Mabuti naman at wala ng ebidensiyang makakapagturo sa akin na ako ang pumapatay. Salamat kay Joan, kundi dahil sa pagiging madaldal niya, hindi ko maririnig ang usapan nila ni Karlo.
Siguro panahon na para patahimikin ko na siya. Ahm, paano ko kaya kikitilin ang buhay niya sa paraang hindi niya makakalimutan?
Ayoko sanang gawin ito sa kaniya dahil napalapit na rin ang loob ko rito kaso kailangan eh, ng hindi mabulilyaso ang plano ko at siya na kasi talaga ang nakatakda para malaman nila ang mensaheng nais kong iparating. Sana naman, maisipan nilang may mensahe akong ipinaparating sa kanila.
Si Joan yung taong concern sa lahat kahit na hindi kayo close. Naalala ko pa noon kung paano niya ako tinulungan na makapasa sa isang nag-aalangan kong subject. Pero wala na akong magagawa pa kundi tuldukan na ang buhay niya.
Sa ngayon, hinihintay ko na lang ang tamang tiyempo para isagawa ang aking sunod na plano.
Joan's POV
Nang matapos ang aming paglalaba ay nagpahinga na muna kami at tsaka kami kumain ng almusal.
Hindi ko pa nga pala naikuwento sa inyo na si Roxette ang Chef namin dito hehe. Sabi niya sa akin, noong bata pa lang siya, mahilig na siyang magluto at magexperimento na kung anu-ano pagdating sa pagkain.
Masyado pang maaga, 10am pa lang at wala akong magawa. Kung nasa amin ako, tiyak na nagtitinda ako sa aming tindahan kaya tiyak na hindi ako mababagot.
Tinungo ko ang balkonahe upang makapagrefresh. Ang sarap nga namang makalanghap ng sariwang hangin. Ang linaw ng dagat sa paligid. Ang sarap magtampisaw.
Ang yaman talaga nila Ginny. Isang napakalaking bahay ang naipatayo nila sa isang isla na ganito kaganda. Kung kasing yaman lang ako ni Ginny, wala na akong hahanap-hanapin pa.
Isa lang naman ang pangarap ko eh, ang makapagtapos ng pag-aaral at maiahon sa kahirapan ang Pamilya ko.
"Masyado yatang malalim ang iniisip mo ah? Hindi ko masisid." Wika ng isang babae sa aking likuran.
Humarap ako sa kaniya. Hindi ko akalaing magbibiro siya ng ganito.
"Oh ikaw pala! Wala ito, namimiss ko lang yung Pamilya ko. Lalo na yung Mama ko. Tiyak na nag-aalala na iyon sa akin." Wika ko habang nagkukuyakoy sa aking kinauupuan.
"Talagang mahal na mahal ka ng Mama mo noh? Hindi gaya ng Mom and Dad ko, para walang pakialam sa akin." Wika niya sabay tabi sa aking kinauupuan.
"Huwag mong sabihin iyan. Lahat ng magulang natin ay mahal tayo. Baka marami lang iniintindi yung Parents mo para sa Future mo." Payo ko sa kaniya.
"At dahil doon, nakalimutan na nilang may anak silang nangangailangan ng kanilang kalinga at pagmamahal." Wika niya. Batid kong matindi ang kaniyang pinagdadaanan at mabigat ang problemang kaniyang kinakaharap. Bakas iyon sa kaniyang mukha kaya niyakap ko na lang siya para mapagaan ang kaniyang pakiramdam.
"Salamat Joan sa pagcomfort sa akin. Sayo ko lang nailabas ito dahil nahihiya akong ipaalam sa kanila at sabihing mahina ako." Wika niya.
"Wala iyon hehe!" Ani ko.
"Tara pasyal na muna tayo sa paligid. Simula ng makarating tayo rito ay hindi man lang natin nalibot ang lugar." Wika niya sabay tayo sa aming kinauupuan.
"Oh sige, mukhang marami pa tayong makikitang magagandang tanawin dito." Wika ko at tumayo na rin.
Binagtas namin ang daan papalabas. Nang medyo malayo-layo na kami ay nagtaka na ako kasi hindi man lang siya umiimik. Nandito kami ngayon sa may kakahuyan.
BINABASA MO ANG
Alphabet of Death (Published)
HorrorAlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang iyong pinangangalagaan? Mag-ingat ka dahil ang letrang pinanghahawakan mo ay ang magiging sanhi ng k...