Chapter 52

164K 4.9K 633
                                    

Aaron's POV

May girlfriend nga ako kaso lang, hindi ko ramdam ang presensiya niya lalo na dito sa Isla. Ewan ko ba, simula pa lang ay parang hindi niya naman ako mahal at sinagot niya lang ako para masabing may boyfriend siya. Ewan ko ba sa mga babae, ang hirap nilang unawain.

Parang ngayon ay mas naguluhan pa ako. Alam kong bestfriend niya si Jake pero ang hirap niyang tumbukin kung may lihim ba siyang pagtingin dito o kaibigan lang talaga. Nang mamatay si Jake, naging malungkutin siya at hindi mo makikitang nag-eenjoy siya. Oo minsan, pero ramdam kong pilit lang ang kasiyahang ipinapakita niya sa amin.

Kapag tinamaan ka talaga ng pana ni Kupido, hindi mo alam ang rason kung bakit mahal mo siya. Ang alam mo lang, masaya ka sa tuwing nakikita mo siya, siya lagi ang laman ng isipan mo, hindi ka makatulog kapag katext mo siya at marami pang rason kung bakit ka nagiging masaya sa piling niya.

Si Tin ang pinaka kakaiba sa mga babaeng minahal ko. Siya yung babaeng maarte nga, pero hindi naman maselan. Sossy, pero kaya niyang makisama sa kahit na sino. At higit sa lahat, mayroon siyang mabuting puso. Willing siyang tumulong sa lahat ng nangangailangan kaya bilib ako sa kaniya. Doon ko napatunayan na looks can be deceiving. Kung sino pa yung taong akala mo ay masama ang ugali, siya pa pala yung may mabuting kalooban. Ang buhay nga naman ay puno ng kabalintunaan.

"Huwag mo ng isipin iyan Aaron, mahal ka niya!" Wika ni Karlo sa aking tabi na hanggang ngayon ay binubutingting pa rin yung Cellphone ni Ramil. Nandito kami sa terrace para magpahangin.

"Sana nga pare. Ikaw ba, nagdoubt ka ba minsan sa pagmamahal sayo ni Mae noon?" Tanong ko habang patuloy na nagninilay-nilay at nakatingin sa mga ulap sa langit.

Napatigil si Karlo sa ginagawa niya at ibinaba ito sa may lamesa tsaka ngumiti ng nakakaloko.

"Hindi Pare, kasi kung mahal ka talaga niya, mararamdaman mo iyon! Syempre, dahil sa pinagdaraanan natin ngayon ay hindi niya magawang intindihin ang buhay pag-ibig. Malamang inaalala niya rin ang kalagayan mo pero mas namamayani sa kaniya ang takot. Lahat naman tayo ay nangangamba dahil hindi pa rin natin kilala yung killer at prenting-prenti lang tayo rito." Wika niya habang nakapatong ang kaniyang kanang kamay sa aking balikat.

"Isa pa iyan pare eh, bakit ba hindi tayo umaksyon at magsagawa ng plano para malaman natin kung sino ang killer?" Tanong ko.

"Siguro yung iba ay natatakot na mabisto siya ng killer na gumagawa ito ng hakbang para mapabagsak siya. Yung iba, maaaring sumuko na at tinanggap na lang na talo sila at yung iba, palihim na kumikilos." Wika niya at binaklas na niya ng tuluyan ang cellphone ni Ramil.

"Ah, ako kasi ay naghihintay lang ng kapalaran ko kung mabubuhay ba ako o hindi. Syempre, kapag nakilala ko yung killer ay gagawa kaagad ako ng hakbang para mapatumba siya. Basta umaayon na lang ako sa tadhana." Wika ko at tumango-tango lang siya sa akin.

"Alam ko naman na nababahala ang lahat at sadyang pinapangunahan lang ng takot at pangamba na kapag gumawa sila ng hakbang, uunahin sila ng killer na kitilan sila ng buhay ng walang kalaban-laban." Wika ko habang pinagmamasdan siya sa kaniyang ginagawa.

"Pero sa lahat ng sinabi mo, ang pinaka nagrema sa aking isipan ay mayroong iba na palihim na kumikilos. So ang ibig sabihin, may alam ka kung sino ang gumagawa ng hakbang ng patago o ikaw mismo yung taong iyon?" Wika ko. Bigla siya tumigil sa kaniyang ginagawa at tumingin siya sa akin ng seryoso.

"Pare, may sasabihin ako sayong sikreto, mapagkakatiwalaan ba kita?" Seryoso niyang tanong sa akin.

"Oo naman. About saan ba iyan?" Tanong ko. Kilala niya na kaya kung sino ang killer?

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon