Chapter 58

156K 4K 978
                                    

Mark's POV

What a kind of man I am? Bakit ba ako nagkakaganito? Bawat minuto ay siya lang lagi ang tumatakbo sa isipan ko! Ni minsan, hindi ako napagod na mahalin siya kahit na sa tingin ko ay may mahal na siyang iba. Wala eh, siya lang talaga! Wala nang iba!

Love is sacrifice, kung mahal mo talaga ang isang tao, handa kang isakripisyo ang kahit na ano para lang sa kaniya. Hindi ko kayang isakripisyo ang nararamdaman ko para sa kaniya. Mas lalo lang akong magiging talunan at kaawa-awa kapag ginawa ko iyon. Ang makita pa lang silang dalawa ng magkasama at tila masaya, walang bahagi sa puso at pagkatao ko ang hindi nasasaktan. Ang mali ko lang, inibig ko siya ng lubos at wala na akong tinirang pagmamahal para sa aking sarili.

Love is like a rosary, full of mystery. Naniniwala ako na mahal din ako ni Rox. Hindi ko lang alam kung ganun pa rin ang nararamdaman niya para sa akin. I'm still hoping na may puwang pa rin ako sa puso kahit na papaano. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na makamit ang pagmamahal niya.

Love is patient, handa kang maghintay hanggang sa dumating ang tamang tao na para sayo. Sa sobrang paghihintay ko, naunahan na ako ng ibang tao. Inunahan kasi ako ng katorpehan kaya wala siya tuloy sa piling ko ngayon.

Love is kind, hindi ito madamot. Mabait daw ang pag-ibig? Haha! Salungat ito sa akin dahil mapait sa akin ang pag-ibig, bitter kumbaga. Ni hindi nga ako binigyan nito kahit na limos na pagmamahal, mula sa aking minamahal.

It does not envy, it does not boast. Wala ba akong karapatan na ma-inggit sa tuwing nakikita ko silang dalawa na masaya? Wala naman akong maipagmamayabang sa iba dahil hindi ko naman siya nakuha.

It is not proud, it is not rude. Talaga nga namang galit sa akin si kupido. Sinalo ko kasi ang dalawang iyan kaya siguro hindi niya ipinagkaloob sa akin si Rox. Wala ng makakapantay pa sa kaniyang iba. Siya lang talaga, sapat na.

It is not self-seeking. One of the reason kung bakit hindi siya napunta sa akin dahil sarili ko lang ang iniisip ko? Hindi ko iniintindi ang damdamin ng iba kaya ngayon, nasaktan ko pa ang damdamin ni Mia dahil hindi ko rin masuklian ang pagmamahal niya.

It is not easily angered. Hindi ko pa pala pwedeng pasukin ang mundo ng pag-ibig dahil mabilis akong mainis at magalit. Wala namang taong perpekto pero minalas lang talaga ako.

It keeps no record of wrongs. Ang dami kong pagkakamali lalo na sa ex ko kaya siguro niya ako hiniwalayan dahil hindi na niya ako kaya pang tagalan.

Love does not delight in evil. Hindi naman ako masamang tao pero sa utak ko, gustong-gusto kong pahirapan at i-torture si Ethan para mapasa akin na si Rox. Ang sama talaga ng pag-iisip ko maangkin ko lang siya.

It rejoices with the truth. Dapat ko ba talagang tanggapin na wala na akong pag-asa sa kaniya? Na naangkin na siya ng iba? Should I give up and accept the truth?

It always protects. Masasabi kong nakalinya ako dito. Kahit na anong mangyari ay handa akong ipagtanggol siya. Kaso, may iba na siyang superhero na magliligtas sa kapahamakan at hindi ako iyon. Nakakalungkot lang.

Always trusts. Alam naman nating lahat na hindi magwowork ang isang relasyon kung wala ang salitang trust. Wala talaga akong tiwala kay Ethan. Dapat ako na lang kasi ang pinili niya.

Always hopes. Kahit kailan ay hindi ako mawawalan ng pag-asa na magigising din si Roxette sa katotohanan na ako talaga ang mahal niya. Nadala lang siguro siya sa pagiging sweet ni Ethan kaya nagpakabulag siya.

And always perseveres. Basta kailangan ko lang ng tiyaga para balang-araw, makamit ko rin ang nilaga.

Ang sakit lang talagang malaman na wala na akong pag-asa sa kaniya. Kung kailan ako nagkaroon ng lakas ng loob na ipagtapat ang aking nararamdaman sa kaniya, doon ko naman nakamit ang higit na kapighatian na tumimo sa aking puso.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon