Arianne's POV
Nagulat ako ng biglang ipakita sa akin ni Roxette ang litratong matagal ko ng ibinaon sa limot. Saan niya nakuha iyon?
Natataranta ako ngayon lalo na't ipinakita pa niya iyon sa lahat na ikinasindak din nila.
Bagong lipat lang kasi si Roxette sa seksyon namin ngayong second year kami. Hindi niya alam ang sikretong itinatago naming lahat.
"S-saan m-mo n-nakuha i-iyan?" Pautal-utal na tanong ko sa kaniya marahil dulot ng kaba.
"Ito? Doon sa kwarto mo noon noong nag-overnight ako sa inyo. Tinatanong ko pa nga sayo ang tungkol dito pero nagalit ka pa sa akin noon. Kaya pinicturan ko na lang at nagbabakasakaling sagutin mo rin ang katanungan ko." Wika niya na may bahid ng pag-aalala.
Naalala ko na, natulog nga pala siya sa amin noong ginagawa namin yung project namin.
Tumingin ako sa mga kaklase ko na tila ba nakikisimpatiya kung sasagutin ko ba ang katanungan ni Roxette.
Um-oo naman ang mga ito.
"Sige Roxette, sasagutin ko na ang katanungan mo." Wika ko tapos huminga muna ako ng malalim.
"Iyang picture na iyan na may kasama akong babae, iyan yung bestfriend ko noon." Wika ko habang ang lahat ay nakikinig sa akin.
"Ah, bestfriend mo pala siya? Ano pangalan niya?" Pang-uusisa ni Rox sa akin.
Ngumiti muna ako sa kaniya bago sinagot ang kaniyang katanungan.
"Siya si Ethel Caparas. Pinaka ka-close ko siya noong 1st year College kami. Siya kasi yung taong tahimik lang sa isang sulok, pero madali ko lang siyang nakapalagayan ng loob hanggang sa naging magbestfriend kami." Paliwanag ko sa kaniya.
Namiss ko siya tuloy bigla. Ang masasayang alaala namin. Anghagikgikan. Lahat-lahat.
"Ganun na pala. Eh nasaan na siya ngayon? Nagtransfer ng school?" Tanong pa nito.
"Hindi. Ang masasabi ko lang, siguro ay nasa magandang lugar na siya ngayon. Sa mapayapang lugar na puro kasiyahan lang." Wika ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
Ethel, kung nasaan ka man ngayon, tandaan mo, mahal na mahal ka naming lahat.
"Ang saya na niya siguro sa ibang bansa noh? Sayang lang at malayo na siya. Hindi ko man lang siya nakilala." Dagdag pa ni Rox.
"Anong nasa ibang bansa ka riyan? Ang slow mo talaga!" Wika ni Agatha na nangingilid na ang luha sa kaniyang mga mata.
"Oh? Bakit ganiyan ang mga itsura niyo? Para kayong pinagsakluban ng langit at lupa!" Wika ni Roxette na nakatingin sa aming lahat na para bang nagugulumihanan.
Isang malakas na kulog ang dumako sa gitna ng katahimikang bumabalot sa loob ng kanilang tinutuluyan.
Bumuhos ang isang malakas na ulan na tila naglalangitngit sa bubong ng bahay na para bang nais butasin ito. Sumunod pa ang isang nakakasindak at nakakapanindik balahibong kidlat na nagdulot ng takot sa lahat.
"Patay na siya Roxette." Wika ko at tuluyan na ngang rumagasa ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Napaiyak na rin ang lahat dahil sa naiwang alaala sa kanila ng isang kaibigan.
"Sorry guys, hindi ko naman alam na ganun pala yung nangyari." Wika ni Roxette na ngayon ay umiiyak na rin marahil ay nahawa sa amin.
"Hindi mo naman kasalanan Roxette eh, tahan na." Pang-aamo ko sa kaniya habang hinahagod ang kaniyang likod.
"Uhm guys, masyado ng malalim yung gabi, nakalimutan na nating magdinner kaya tara let's eat muna." Singit ni Agatha sa gitna ng pagdadalamhati ng lahat.
Nakiayon naman kaming lahat sa suhestiyon niya at tinungo ang kitchen upanh kumain.
Wala ni isa ang kumikibo sa amin habang kumakain. Marahil ay iniisip nila ang tungkol sa pagkamatay ni Ethel.
Matamlay ang lahat at para bang walang ganang kumain.
Maya-maya pa'y tumayo si Nikka upang kumuha ng tubig ng biglang mayroong nabasag.
"Ano yun?" Wika ni Nikka na tila ba takot na takot.
Maski ako ay kinakabahan marahil sa takot ng makita namin ang isang basag na base malapit sa pintuan ng kusina.
"What's happening here?" Tanong ni Tin na may halong pagkataranta.
"Nakasara naman yung mga bintana at wala naman pusa para masagi iyon ah? Tsaka nandito tayong lahat." Wika ni Ginny na takot na takot na rin.
Nagulat kami ng biglang magbukasan ang lahat ng bintana at humangin ng malakas. Nagsipasukan ang malalakas na hangin na nagsidampian sa aming mga katawan. Kahindik-hindik ang lamig na dala nito.
Nagbagsakan ang mga design na vase nila Ginny sa bawat pasilyo ng bahay na siyang ikinataranta ng lahat.
"Anong araw ba ngayon?" Tanong ni Hannah.
"April 20, bakit?" Tanong ni Ramil habang nakayuko kaming lahat at nakasaldak sa sahig.
"Oh noh! This can't be!" Wika ni Agatha na ikinatakot naming lahat.
"Bakit? Ano ba mayroon sa araw ngayon?" Nagugulumihanang tanong ni Mark.
"It's Ethel 1st Death Anniversary!" Sigaw ni Agatha na ikinabagabag naming lahat.
"Ethel, huwag ka namang ganiyan. Huwag mo kaming pagmultuhan!" Pagsusumamo ni Abi.
"Naku guys sorry talaga! Dapat pala hindi na ako nacurious pa!" Paghingi ng tawad sa amin ni Roxette na umiiyak dulot ng takot.
"It's not your fault Rox. Tahan na." Wika ko habang yakap-yakap siya.
Sumasabay ang kalangitan sa kapighatiang pinagdaraanan ngayon ni Ethel. Kung may ginawa lang sana kami noon para matulungan siya, hindi sana siya namatay.
"Let's pray guys!" Wika ni Josh.
Pinangunahan kami ni Josh sa pananalangin. Maya-maya pa ay tumahimik na rin ang kapaligiran ngunit malakas pa rin ang ulan.
"Guys, much better siguro kung pumunta na muna tayo sa kaniya-kaniya nating kwarto. Tutal, napagod tayong lahat kaya magpahinga na muna tayo okay ba?" Suhestiyon ni Agatha.
"Okay!" Pagsang-ayon naming lahat.
"Sa ngayon, maiiwan muna kami dito nina Hannah, Mia, Joan, Grace, Jake, Ethan, Tom, Kian, Adrian, at Josh para ayusin ang mga kalat." Dugtong pa niya.
Nagsipanikan na kaming lahat sa aming mga kwarto upang magpahinga. Hindi pa rin nawawaglit sa isipan ko ang bangungot ng nakaraan.
Sorry Ethel, please! Forgive us!
Roxette's POV
Nanginginig pa rin ako sa takot hanggang ngayon. Tama nga sila, "Curiousity kills the cat." Kaya dapat ay hindi na ako naging curious pa.
Pero ano nga ba ang lihim ng nakaraan patungkol sa pagkamatay ni Ethel? May kinalaman ba silang lahat doon?
Mukhang hindi maganda ang kalagayan namin dito sa islang ito. Kailangan naming mag-ingat.
Pero totoo nga kayang pinagmumultuhan niya kami? Huwag naman sana. Takot kasi ako sa multo!
Gusto ko sanang magtanong kay Mark patungkol sa nakaraan kaso nahihiya ako gayong mukhang masama ang loob niya sa akin.
Magpapahinga na muna ako sa ngayon. Masyadong nakakapagod ang pinagdaanan namin ngayon. Sana bukas, maayos na ang lahat lalong-lalo na ang samahan namin ni Mark.
BINABASA MO ANG
Alphabet of Death (Published)
HorrorAlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang iyong pinangangalagaan? Mag-ingat ka dahil ang letrang pinanghahawakan mo ay ang magiging sanhi ng k...