Chapter 27

200K 5K 1.6K
                                    

Kinabukasan, maagang gumising si Karlo upang ikonsulta sa matalik na kaibigan ni Ramil na si Ethan ang cellphone nito.

"Uy Ethan, papasukin mo ako! Si Karlo ito!" Wika niya habang kinakatok ang pintuan.

At dahil nga naging crime scene ang kwarto nila ni Ramil at hindi pa ito nalilinis, minabuti muna niyang matulog sa kwarto nina Tom at Henry.

"Ano ba pare, kita mong inaantok pa yung tao oh! At ang aga pa ay nambubulabog ka na kaagad." Bungad ni Ethan pagkabukas niya ng pinto. Kita mo sa mukha nito na napuyat ito at dahil doon, lumabas ang kaniyang pagiging chinito.

"Pasensiya na pare kung naabala kita." Wika ni Karlo na dali-daling pumasok sa loob.

Sumalampak sila sa sahig para makaupo. Tulog pa kasi hanggang ngayon ang kasama nito sa kwarto.

"Ano ba kailangan mo pare at madaling-madali ka?" Tanong ni Ethan na pumupungay-pungay pa. Talaga ngang inaantok pa siya.

"Eto kasing cellphone ni Ramil nakuha ko. Malay natin mayroon siyang alam mo na yung mga video. Eh may password. Alam mo ba password nito?" Sabay labas niya ng cellphone.

"Asus, umagang-umaga eh ayun agad ang inaatupag mo. Pwede namang mamaya na lang eh! Oh siya, ABIGAIL ang password ng cellphone niya." Wika ni Ethan habang nakapangalumbaba.

"Oh talaga? Salamat pare ah!" Masiglang wika ni Karlo at tinype na nga ang password at bumukas ito.

"Wait nga lang, bakit ABIGAIL ang password niya?" Curious na tanong nito.

"Kasi nga, may lihim na pagtingin si Ramil kay Abi. Ako lang ang pinagsabihan niya." Wika ni Ethan habang nakapikit at nahiga na ng tuluyan sa sahig.

"Talaga? Eh diba nagkakamabutihan sila ni Ginny?" Dugtong pa nito.

"Ah iyon ba? Tsk, pustahan lang namin iyon. Tsaka, go with the flow lang siya. Wala talga siyang pagtingin kay Ginny dahil si Abi talaga ang mahal niya kahit alam niyang wala siyang pag-asa rito." Aniya.

"Ganun pala, kawawa naman pala si Ginny. Eh yung sayo? Pustahan niyo rin ba yung kay Roxette?" Ani nito.

"Oo noong una, nung times na baliw na baliw ako sa pananakit sa akin ni Agatha pero hindi naglaon ay sumuko na ako sa pustahan namin dahil Mahal ko na ngayon si Roxette pre." Wika niya sabay bangon sa kaniyang kinahihigaan.

"That's the power of love! Hehe!" Biro ni Karlo sabay tapik sa balikat ni Ethan.

"Sige na, matutulog muna ulit ako." Wika ni Ethan at nahiga sa sahig.

"Sige pre! Salamat ulit!" Wika nito. Akmang tatayo na si Karlo upang lumabas ng kwarto ng biglang magplay ang record sa cellphone ni Ramil.

"Sabi na nga ba eh, ikaw ang killer! Pero, bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?" Nang marinig iyon ni Karlo ay napatigil siya sa paglalakad at napahinto sa may tapat ng pinto.

"------" Hinihintay niyang sumagot ang killer dahil kapag narinig niya ang boses nito ay makikilala niya kung sino ang killer ngunit bigla itong namatay.

"Buwiset naman oh! Kung kailan ayun na! Tsaka pa nadeadbat itong cellphone ni Ramil!" Wika ni Karlo ng may bahid ng panghihinayang.

Nilisan niya ng matahimik ang silid dahil niyang maabala pa ang tatlo na mahimbing na natutulog.

Balak niyang tunguin ang kwarto ni Ramil upang kuhanin ang charger nito ng biglang magpop-up sa utak niya na pareho lang pala ang charger nila kaya minabuti na niyang iyon ang gamitin.

Papaakyat na siya ng hagdan ng makasalubong si Joan sa hagdan. Dahil sa sobrang pagmamadali, nagkabungguan sila at nabitawan niya ang cellphone ni Ramil.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon