Chapter 56

165K 3.9K 564
                                    

Mia's POV

Spell tanga, M-I-A. Yeah! I'm the Queen of stupidity. Kaya handa akong magpakatanga para lang sa taong mahal ko kahit may mahal na siyang iba.

Sabi nila, wala talagang forever pero para sa mga bitter lang iyan haha! Para sa akin, forever do exist. Bakit ko nasabi iyon? Kasi, I'm a hopeless romantic girl na madalas sa pantasya nabubuhay.

Dahil sa kalikutan ng aking isipan at imahinasyon, marami akong bagay na napagtanto. Tama nga na walang forever o permanente sa mundong ito dahil ang lahat ng bagay ay dito sa mundo ay kumukupas. Kaya sulitin niyo na ang mga bagay na nagpapasaya sa inyo habang may oras pa.

Pero hindi ako naniniwala sa forever by means of my pantasya lang. I still believe na sa heaven mo lang talaga mararanasan ang tunay na forever. Kahit na ganito ako, naniniwala pa rin ako kay God. Dahil sa tukso, nauudyukan tayo na gumawa ng masama.

Si God nga, kahit na paulit-ulit tayong gumawa ng masama ay pinapatawad niya pa rin tayo. Ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay hinding-hindi kukupas kailan man. Itakwil man tayo ng ating mga magulang ay hinding-hindi niya tayo papabayaan sapagkat mahal niya tayo. Kaya huwag niyong iisipin na walang nagmamahal sa inyo.

Naalala ko pa noon, naglilingkod pa ako sa simbahan. Ang sarap sa pakiramdam na nagpupuri ka sa Panginoon. Pero simula ng mamatay ang aking mga magulang, tila nagunaw ang mundo ko. Siya ang sinisisi ko sa mga nangyari at simula noon ay naging pasaway na ako sa Lola ko at talagang nagbago na ako. Naging malayo na rin ang loob ko sa Panginoon.

Naging makamundo ako. Ang sarap pala sa pakiramdam na happy-happy ka lang kasama ng iyong mga kabarkada. At higit sa lahat, masarap ang bawal. Sa pagrerebelde ko, pati pagkatao ko ay nagbago. Hindi na ako yung dating Mia na nasa isang sulok lang, nabulag ako sa tawag ng mundo.

That time, I've changed a lot. Ang dami ko ngang naranasan na hindi ko man lang nagagawa noon. Ang masasabi ko lang, masarap kumawala sa iyong lungga.

"Mia, tara gala tayo." Paanyaya sa akin ng isa kong barkada habang nakatambay kami sa gym ng school.

"Huh? May klase pa tayo diba?" Wika ko na parang lutang.

"Ade magcut class tayo! Huwag kang mag-alala dahil kami ang bahala sayo." Wika nito habang nagtataas-baba pa ang kaniyang kilay.

"Eh?" Lito kong sagot sapagkat nagdadalawang-isip pa ako.

"Huwag ka ng tumunga-nga pa. Tara na!" Wika nito sabay hila sa braso ko at kinaladkad niya ako. Kaya ayun, sumabay na lang ako sa agos.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating din kami sa aming patutunguhan. Nagulat ako ng bumungad sa akin ang isang lugar na kinagigiliwan ng mga estudyante. Ang bar.

"Lyka, sigurado ka ba na papasok tayo rito?" Nag-aalinlangan kong tanong habang nasa labas pa kami at hindi nakakapasok.

"Uurong ka pa ba? Nandito na tayo oh! Sulitin mo na dali, ngayon mo lang ito mararanasan right?" Wika niya na halatang sabik na sabik ng pumasok sa loob. Tumango lamang ako sa tanong niya sa akin.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at hinila na niya ako papasok sa loob. Nagulat ako dahil tanghaling-tapat ay marami ng tao dito. Karamihan ay mga estudyante galing sa iba't ibang school.

"Enjoy mo lang Mia ok?" Wika niya habang nasa counter kami. Um-order siya ng inumin namin pero hindi ko alam ang tawag doon.

"Inumin mo na, masarap iyan. Try mo dali." Pangungumbinsi niya sa akin habang nakatitig sa inumin na nasa aking harapan.

"Eh hindi alam ito? Pinasosyal lang?" Nakangiwi kong tanong.

"Yup, hindi ba may problema ka? That's the reason kung bakit kita dinala dito." Wika niya na nakakatatlong shot na nito.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon