Sa kabilang dako, magkakasama sina Agatha, Hannah, Xiara at Tin sa kwarto nila Agatha. Nagkatuwaan silang maglaro ng baraha.
"So ano girls? Lucky 9? Tong its? Pusoy? Pares-pares? 41? Pekwa? Ano lalaruin natin?" Tanong ni Agatha.
"Lucky 9 na lang para madali." Suhestiyon ni Xiara.
"Oo nga, tapos may. Consequence yung matatalo!" Pagsang-ayon naman ni Hannah.
"Deal!" Agree na silang lahat.
Si Agatha ang nagbalasa at taga-bigay ng baraha. Sa unang round, si Tin ang natalo. Si Xiara ang magpaparusa sa kaniya.
"So Tin, alam kong hindi ka kumakain ng gulay. Kaya ang ipapagawa ko sayo ay kainin mo ang okra ng hilaw." Wika ni Xiara at ipinakita ang dalawang okrang hilaw.
"Yown! Haha! Good luck sayo Tin!" Pagbibiro ni Hannah.
"But, with a twist." Dugtong ni Xiara.
"Anong twist naman ba iyan? OMG, I don't want to suffer please! Make it easy." Pagmamakaawa ni Tin.
"Madali lang ito, ikaw pa! Lalagyan lang natin ng chili powder yung okra noh!" Anito.
"Kailangang sundin yung ipinapagawa sayo kasi kung hindi, iinom ka ng isang tasang suka." Panunuya ni Agatha.
"I'll pass! I'll gonna inom na lang ng cup of vinegar kaysa kumain ng okra with chili powder." Wika niya.
"Okay!" Pahayag naman nung tatlo.
Kinuha ni Agatha ang isang tasa sa kusina at isang 1.5L na suka na iinumin ng kung sino man ang magpass sa dare. Nang makabalik ito sa kanilang silid, inabutan niya si Tin ng tasa na may suka.
"Kaya ko ito!" Wika ni Tin habang nakapikit at ininom niya ng diretso ang suka.
"Ehem ehem!" Nasamid si Tin ng maubos niya ito.
"Aba katindi mo! Kung ako sayo, yung okra na lang na may chili powder yung pinatos ko." Wika ni Xiara habang hinahagod ang likod ng kaibigan.
Noong sumunod na round, si Hannah naman yung talo at si Tin ang mag-uutos sa kaniya.
"Madali lang yung ipapagawa ko sayo. Kumain ka ng tutong with a twist." Wika ni Tin na nangingiti. Mukhang may naiisip na kalokohan.
"Ayan na naman po tayo sa twist na iyan. Haha! Ok sige. Anong twist naman iyan?" Tanong niya habang nakakunot ang kaniyang noo.
"Tumungtong ka sa may kama at ipagsisigawan mo na 'Pahinging tutong! Ako'y nagugutom!' At para naman maging masarap yung tutong, lalagyan natin ito ng toyo at mantika. Oh diba? Instant sabaw na ng adobo. Hehe!" Wika ni Tin.
"Kakayanin iyan! Hindi ko kayang uminom ng suka eh hehe." Aniya at tumayo na nga siya sa may kama at para makapagsimula na.
Naihanda na ni Tin ang lahat at siya'y nakaassist sa may gilid ni Hannah hawak ang platong naglalaman ng tutong na sinabawan ng toyo't mantika.
"Pahinging tutong! Ako'y nagugutom!" Sigaw niya at kinain ang tutong na may mantika't toyo.
"Hahaha! Ang sarap mo lang i-video Hannah." Wika ni Xiara.
"Tse! Nakakahiya ang ginawa ko. Atleast hindi KJ hehe." Segunda niya at nagpatuloy sila sa paglalaro.
Sa sumunod na round, si Agatha na ang paparusahan kaya tuwang-tuwa sila.
"Uy luka, kaya mo itong ipapagawa ko sayo kaya huwag kang masyadong kabahan." Ani ni Hannah na nakahalf smile.
"Naku, kilala kita. Alam ko yung mga ganiyang ngiti. Sana naman, kung ano iyang binabalak mo ay makaya ko." Anito.
"Naman! Kaya ang ipapagawa ko sayo ay lumuhod ka sa isang bilao na naglalaman ng asin habang kumakain ng sampalok. Hehe!" Buwelta niya.
"Hala! Katindi lang! Pero sige go! Hindi ako pwedeng sumuko. Si Agatha pa ba? Haha!" Pagmamalaki niya.
Inihanda na ni Hannah yung bilao na may lamang asin yung rock salt at naglabas ng sampalok mula sa kusina.
"Ahhh! Ang sakit!" Daing niya ng lumuhod sa may asin. Parang dinidikdik ang kaniyang laman sa tuhod.
"Aaaaasim!" Sigaw niya ng kagatin niya ang sampalok. Napangiwi siya sa asim ng sampalok.
Makalipas ang limang minuto, natapos na rin ang parusa ni Agatha. Nagpatuloy sila sa paglalaro at si Xiara naman ang natalo.
"Oh sis, you can do it! Susuportahan kita!" Pangeengganyo ni Tin sa kaibigan.
"Thanks Tin!" Aniya.
"Natalo ka rin sa wakas! Haha! Ngayon patas na tayong apat. Ako ang excited sa ipapagawa ko sayo eh." Wika ni Agatha.
"Uy, alam kong pinahirapan ka ni Hannah kaya huwag mo namang ibunton sa akin iyang hinanakit mo haha!" Pagbibiro ni Xiara rito.
"Hindi naman sa ganun, ang ipapagawa ko lang naman ay papainumin kita ng tatlong tasang kape." Anito.
"With a twist right? Hay, ano naman kaya ang nasa isip mo?" Pagtatanong niya rito.
"Imbis na asukal, asin ang ilalagay natin sa kape. Oh diba? Masyadong kakaiba? Hehe!" Aniya.
"Naku, kung ako sayo friend, I'll gonna take the suka na lang. Tubig alat nga hindi mo mainom kape pa kaya?" Suhestiyon ni Tin.
"Wow ah, combination na mapait at maalat. Baka naman magkasakit si Xiara sa bato niyan?" Wika ni Hannah.
"Oh sige, isang tasa na lang. It's up to you Xiara kung ano ang pipiliin mo." Wika niya.
"Subukan natin. Masyado kang mahilig s experiment Agatha ah. Sana naman, pwedeng may back up na gatas para hindi masyadong hard okay lang ba?" Anito.
"Okay payag kami."
Taimtim na nagdarasal si Xiara na nakaraos siya. Pagkatapos noon, tinungga niya ng straight ang kape. Hindi niya ininda ang alat nito at tsaka uminom ng gatas.
"Ang alat lang! Para bang gumuguhit sa lalamunan! Haha!" Biro niya ng magawa ang dare.
"Tok tok tok!" Tunog ng katok sa pinto.
"Agatha, natagpuan na yung bangkay kanina ni Josh sa CR ng kwarto nila Ginny. Yung kay Grace na lang yung hindi pa nahahanap." Wika ni Karlo.
"Okay sige, tutulong na kami sa paghahanap." Wika ni Agatha at itinigil na nila ang kanilang paglalaro at nag-ayos na.
"Hala, alas-sais na pala tayo natapos. Ang tagal pala nating naglalaro." Wika ni Xiara habang naglalagay ng pulbos sa mukha.
"Kaya nga eh, hindi na natin napansin yung oras. Masyado tayong nag-enjoy." Wika ni Hannah na nagpupusod ng buhok.
May naisip na kalokohan si Agatha na pangbiro sa kaniyang kasama. Naisip niyang ihagis kay Xiara ang laruang ipis na ipinangtatakot niya kay Hannah.
"Xiara!" Tawag niya dito. Lumingon naman ito at tsaka niya inihagis yung hawak niya.
"Aah! Ipis!" Sigaw nito at nagtatalon sa takot. Sa sobrang pagkakawag, nasagi niya ang kabinet nina Hannah at Agatha kaya bigla itong bumukas.
"Aahhhh!" Sigaw nilang apat ng biglang bumagsak mula sa sahig ang katawan ni Grace na matagal na nilang hinahanap.
Napaiyak si Xiara sa sobrang takot sa ipis at sa nakita niya ngayon. Nilapitan siya ni Agatha habang tinawag nina Tin at Hannah yung iba.
"Sorry Xiara kung tinakot kita, hindi ko naman alam na malakas ang takot mo sa ipis eh." Pang-aalo niya rito.
Umiyak lang si Xiara hanggang sa dumating ang kanilang ibang kasamahan.
Nang makarecover na si Xiara, pinatawad niya naman agad si Agatha at nagkabati sila. Ang pinagtataka ng lahat, bakit napunta ang bangkay ni Grace sa kabinet nina Agatha at Hannah.
BINABASA MO ANG
Alphabet of Death (Published)
HorrorAlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang iyong pinangangalagaan? Mag-ingat ka dahil ang letrang pinanghahawakan mo ay ang magiging sanhi ng k...