Grace's POV
Natutuwa ako ngayon dahil kaakibat ng pagkawala ni Mae ay ang pagdating naman ng matagal ko ng pinapanalangin.
Yup, matagal ko ng minimithi na maabot at mapansin ni Jerome noon pa lang first year kami. Lahat na ng pagpapapansin ay ginawa ko malaman niya lang na nag-eexist ako.
Wala akong pakialam kung pagtawanan ako ng ibang tao dahil nagkakandarapa ako sa taong hindi naman ako gusto. Atleast, masaya ako dahil kahit papaano ay napapansin niya na ako.
Desperada na kung tatawagin. Ganun talaga, in love eh! Ewan ko ba kung bakit pa pinana ni kupido ang puso ko para mainlove sa taong ito.
Loko-loko, iyan ang salitang unang lalabas sa bibig ng bawat-isa kapag sinabi mo ang pangalang Jerome. Iyan ang salitang naglalarawan sa kaniya.
Friendly, at dahil doon, akala niya ako close na siya sa lahat at nagagawa niyangmagbiro kahit sa hindi niya kakilala. Haharut-harutin ka, bibiruin, at patatawanin.
Hindi siya gwapo na pinapantasya ng karamihan. Simple lang siyang makwela, pero para sa akin, asset niya ang semi-kalbo niyang buhok. Medyo mahangin minsan pero totoo naman ang lahat ng kaniyang binibitawan.
Hindi nga ako dapat napapabilang sa grupo nila dahil una sa lahat, hindi ako sanay magpatawa. Napabilang lang ako sa kanila dahil magaling akong mambara na parang si Vice Ganda.
Hindi ko nga lubos maisip na may pagkasweet din pala yung lalaking iyan. Pero ang pinakabest niyang ugali para sa akin ay ang pagiging Concern sa taong kakilala niya close man o hindi as long as magkakilala kayo, handa siyang damayan ka sa kung ano man ang pinagdaraanan mo.
Alam kong hindi ako yung tipo ng babae na paglalawayan ng mga lalaki. Tahimik ako pero nasa loob daw ang aking kulo. Tama sila, tawag nga sa akin ng Nanay ko ay Maldita dahil suwail din ako at mahilig magdabog. Sa bahay kasi, nasasanod lagi ang gusto ko.
"Now you know who I am, can I ask now who you are?" Tanong ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at patuloy na iniisip ang pagseselos ni Nikka sa paghoholding hands namin kanina ni Jerome. Kalakip nito, patuloy na naglalaro sa aking isipan kung sino nga ba talaga ang killer?
"Tok! Tok! Tok!" Katok sa labas ng aking pinto.
"Ahm, Pasok!" Wika ko habang sinusuklay ang aking buhok sa harap ng salamin.
"Hey, ano ba nangyayari sayo Grace at nagiging ganiyan ka?" Tanong ni Kian at pumasok sa loob ng aking kwarto papalapit sa akin.
"What do you mean Kian? Ganito na talaga ako dati pa! Ngayon mo lang ba nalaman? Pasensiya na kung hindi kita na-inform agad." Wika ko sabay harap sa kaniya habang ako'y nananatiling nakaupo at siya naman ay nakatayo sa harap ko at nakapameywang.
"Gumising ka nga sa katotohanan! Huwag ka na ngang makigulo sa dalawa! Hayaan mo na sila! Tanggapin mong hindi ikaw ang mahal ni Jerome!" Wika niya habang ipinagduduldulan sa aking mukha ang bawat katagang kaniyang binibitawan.
"Ayoko! Mahal ko si Jerome at hindi ko siya isusuko kay Nikka! Handa akong hamakin ang lahat, makamit lang ang aking inaasam-asam." Wika ko.
Close rin kami ni Kian. Siya ang tinuturing kong Kuya sa aming grupo at siya lagi ang umaayos ng lahat kapag may tensiyong namumuo sa aming samahan.
"Ganiyan ka na ba kabaliw kay Jerome! Gagawin mo ang lahat makuha lang siya? Maski ba pumatay ay kaya mong gawin maangkin lang siya?" Wika ni Kian na nanggagalaiti na sa galit.
BINABASA MO ANG
Alphabet of Death (Published)
HorrorAlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang iyong pinangangalagaan? Mag-ingat ka dahil ang letrang pinanghahawakan mo ay ang magiging sanhi ng k...