Chapter 61

150K 3.8K 655
                                    

Arianne's POV

Hindi ako makapaniwala na kaharap ko ngayon ang bestfriend ko. Ang laki talaga ng kasalanan ko sa kaniya. Wala man lang akong ginawa para tulungan siya noong nasa binggit siya ng kamatayan. Marahil mas pinairal ko ang aking galit that time.

Kung maaari lang sanang ibalik ang oras, sana noon palang ay pinatawad ko na siya dahil wala naman talaga siyang kasalanan sa akin. Nagmahal lang siya.

Naalala ko pa noong panahon na iyon. Yung masayang salu-salo ay napalitan ng kapighatian ng may dumating na unos na naglagay sa peligro ng aming mga buhay.

"Nandito na tayo! Sana i-enjoy niyo lang ang Christmas party natin." Pahayag ni Agatha pagkarating namin sa pagdarausan ng aming Christmas party na magkakaklase.

Hindi ko maalala kung ano ang pangalan nung lugar basta bundok siya. Maganda yung lugar tapos tahimik. Wala ka ngang makikitang tao sa paligid eh. Ang mas nagpaganda pa sa lugar ay yung mataas na talon. Mababaw lang siya hanggang tuhod, pwede ka talagang maligo at magtampisaw.

"Ganito ang masarap na pasyalan. Tahimik! Wala talagang iistorbo sayo." Bungad ni Ramil.

Napagdesisyunan namin na mag-overnight doon kaya may dala kaming mga tent. Pinaghandaan talaga namin yung araw na iyon para mag-enjoy kaming lahat.

Magkakahiwalay ng tent ang D'Kenkoys, D'Gwapings, D'Gorgeous, D'Sossys, D'Nerdys, at D'Mp5. Wala akong maipipintas dahil successful naman kasi talaga. Nag-enjoy kami ng sobra. Ka-grupo pa namin si Ethel noon kahit na galit ako sa kaniya.

Kinaumagahan, aalis na sana kami dahil napansin nga naming masama na ang lagay ng panahon. Dahil matitigas ang ulo ng mga kaklase ko, nagtampisaw pa sila sa talon. Naisin ko man na sila'y pigilan, wala eh. Mga batil talaga.

That time, si Xiara ay may sakit kaya nasa tent lang siya. Inaalagaan siya ni Ginny. Ako inaayos ko na ang mga gamit namin. Si Agatha, Ethan, Mark, Ethel, Kian, Hannah, Adrian, Ramil, Joan, Dion, Karlo, Mae, Mia at Joshua ay ligayang-ligaya sa pagtatampisaw. Para silang mga bata na naghaharutan.

Sina Tom, Henry at Nikka naman ay nagliligpit na rin ng gamit. Hindi nagpaawat si Jerome sa pambubuska kay Nikka kaya si Grace ay irita sa isang sulok na nanunuod lang. Si Abi ay busy sa pakikipagtawagan sa kung sino man, halatang in-love ang babaita haha. Habang sina Aaron, Tin at Jake naman ay nag-aayos ng gamit sa aming sasakyan.

Nagulat na lang kami ng biglang umulan ng malakas. Sa isang iglap lang, biglang tumaas ang tubig sa may talon. Ang aking mga kaklase ay pawang mga nalulunod na. Wala kaming magawa dahil hindi naman kasi sanay lumanggoy at mabilis ang pagragasa ng tubig.

Sina Ethan, Mark at Ramil ay nakaahon kaagad dahil malapit lang siya sa gilid. Unti-unting inaanod ang aking mga kaklase. Wala kaming magawa kung hindi tumaghoy. Si Agatha ay tumama ang ulo sa may bato, mabuti na lang at nahila ni Ramil ang buhok niya kaya nailigtas nila ito.

Si Joan at Dion ay matindi ang kapit sa nakausling bato. Konting-konti na lang at makakabitaw na sila. Mabuti na lang, magaling lumanggoy si Ethel kaya sinagip niya yung dalawa. Patuloy pa rin kami sa pagpapanic. Si Karlo at Mae naman ay nakahawak sa may sanga ng puno. To the rescue sina Ethan at Mark at hinagisan nila ito ng lubid kaya nakaahon din sila kaagad.

Si Mia at Hannah ay hindi naman matagpuan. Nawalan din yata sila ng malay. Si Joshua ay lumulutang dahil sanay naman siyang lumanggoy at nailigtas niya si Adrian. Patuloy pa rin sa paglanggoy at pagsisid si Ethel para hanapin ang iba naming kasamahan. Hindi siya nagpatinag kahit na malakas ang agos. Determinado talaga siyang mailigtas ang mga kaklase namin.

Natagpuan niya si Kian at Hannah na magkaholding hands pa sa ilalim ng tubig. Sila'y nawalan ng malay kaya kaagad niyang iniahon yung dalawa. Si Mia na lang ang hindi namin nakikita.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon