Chapter 13

258K 6.1K 915
                                    

Sa pagpapatuloy na kanilang paglalaro, biglang nagsalita si Mark.

"Kung sa tingin niyo ay malibog ako marahil na rin sa mga narinig niyo kanina, pwes, nagkakamali po kayong lahat." Wika nito habang hawak ang boteng kanilang pinaglalaruan.

"What do you mean? Hindi kita maintindihan." Wika ni Ginny na wari mo'y naguguluhan.

"Oo nga, ipaliwanag mo nga kasi ng maayos pare." Dugtong naman ni Josh.

"Nagsinungaling ako sa sagot ko kanina. Sa totoo niyan, virgin pa talaga ako, never been kiss, never been touch." Paliwanag nito.

"Aba, weak ka pala pare eh!" Wika ni Ethan.

"Ginagalang ko kasi ang mga babae hindi gaya ng usa diyan, sunggab lang nang sunggab." Birada nito.

"Ako ba pinapatamaan mo ah?" Wika ni Ethan na nakakuyom na ang mga kamao na nagbabadya ng manapak.

"Wala akong sinasabing pangalan dude, pero kung tinatamaan ka, wala akong magagawa." Wika nito habang kampanteng nakaupo sa kaniyang upuan.

"Aba, tarantado ka pala eh! Suntukan na lang oh! Purong-puro ka na sa akin hayop ka!" Nangagalaiting sigaw ni Ethan rito na naghihikahos na suntukin ito ngunit pinipigilan siya ng kaniyang mga kasama.

"Ethan ano ba? Maghunos-dili ka nga." Wika ni Hannah.

"Pare relax, hindi tayo nandito para magkagulo." Wika ni Ramil na pumipigil dito.

"Hindi na ako makapagtimpi pare eh! Talagang pinag-iinit niyan ang ulo ko." Wika ni Ethan na ngayon ay medyo mahinahon na.

"Eh paano pa niyan? Katabi niyang matulog sa kwarto at sa iisang kama ang babaeng mahal mo? Patience lang pare oh!" Wika nito sa kaibigan.

"Geh, pero kapag hindi na ako nakapagtimpi pa, pasensyahan na lang." Wika nito na nanlilisik ang mata sa lalaking katapat niya.

Bumalik na ang kapayapaan sa lugar na kanilang pinaglalaruan. Ngunit, hindi pa rin nawawala ang tensyong namamagitan kina Ethan at Mark.

Sa pag-ikot ng bote, ito ay huminto sa harap naman ngayon ni Tom.

"Okay Tom, Truth or Dare?" Matipid na tanong ni Mark.

"Dare na lang dude." Matipid din nitong sagot.

"Naku, nagdare ang bookworm ng klase. Bakit kaya?" Wika ni Aaron.

"Ayaw niya lang sigurong ma-interrogate kaya dare ang pinili niya." Wika naman ni Joan.

"Okay, pero bago ang lahat, ang iyong letra please." Mahinahong sambit nito.

"Letter N, gusto ko yung exciting dare talaga ah?" Shestiyon nito kay Mark.

"Your wish is my command kaya ang word ko sayo ay NOSE TO NOSE. Makipagnose to nose ka kay Dion. 10 seconds." Paliwanag nito.

"Pare, bakit pa napili mo? Pareho kaming lalaki!" Reklamo nito.

"Ayiee! Bromance! Haha!" Panunukso naman ni Xiara.

"Hay, no choice! Mas gusto ko pa naman sana sayo Fafa Mark eh kaso si Fafa Dion ang ipinartner mo sa akin pero okay lang naman hehe!" Wika nito na may halong ngiting papanloko at umaakting pa na para bading.

"Naku Tom, ayus-ayusin mo nga ang sarili mo! Hindi bagay sayo maging bading! Haha!" Wika naman ni Arianne.

Tanging ngiti lang ang naisukli ng dalawa sa isa't isa na ngayon ay nakatayo sa may gitna ng kanilang ginawang bilog.

"10 seconds lang ito Dion, don't worry, walang malisya ito haha." Wika ni Tom na unti-unting papalapit ang mukha sa mukha ni Dion.

"Oo nga eh, bilisan lang natin ah?" Wika ni Dion at nagtawanan muna sila bago maglapat ang kanilang mga ilong.

"Naku, kung hindi ko lang kilala yung dalawang ito, mapagkakamalan kong may relasyon talaga sila!" Wika ni Agatha.

"Ang sweet!" Wika naman ni Adrian na nagkakandaalumpihit sa katatawa.

Makalipas ang sampung segundo ay natapos din ang dare ni Tom. Tuwang-tuwa ang iba dahil parang mayroong chemistry ang dalawa.

Sa pagpapaikot ni Tom ng bote, ito naman ang tumigil ngayon sa harapan ni Aaron.

"Yow bro, truth or dare?" Wika niya.

"I'll just go doon sa truth. Pass muna ako sa dare hehe!" Wika nito.

"Geh, iyan ang gusto mo. Letter mo?" Tanong ni Tom.

"Letter M." Matipid nitong wika.

"Ang word ko sayo dahil parang ang tamlay mo ngayon ay MOVE ON. Nakamove-on ka na nga ba?" Wika niya na mapang-usisa.

"Oo, nakamove-on na ako. Past is past kaya hindi ko na dapat pang balikan yung nakaraan. Kailangan kong mabuhay sa kasalukuyan." Wika nito.

"Eh kung gayon, bakit ka malungkot?" Tanong ni Henry.

"Ah, LQ kasi kami ng isa diyan. Ayaw akong pansinin hehe!" Aniya.

"Hoy, anong LQ ka riyan? Wala ngang tayo eh tapos LQ agad?" Litanya ni Tin.

"Ayun natumbok din. Tin ah, Aaron pala haha!" Wika ni Roxette.

"Hindi ko lubos na maisip na magkakaunawaan kayo." Dugtong naman ni Jake.

"Maayos din ito. Pakipot lang si Tin." Birada ni Aaron.

"Magtigil ka nga!" Iritadong wika ni Tin.

Nagpatuloy sila sa paglalaro at pinaikot na ni Aaron ang bote. Tumigil ito sa harapan ni Karlo.

"Ang Bagyo ng klase ang natapatan haha! Paano ba iyan Karlo, Truth or Dare?" Wika ni Aaron.

"Truth syempre! Malamang papahirapan mo ako kapag nagdare ako haha!" Wika nito habang humahalakhak pa.

"Aba, nabahag yata ang buntot mo?" Panguunsyami nito.

"Ako duwag?! Hindi noh! Pagod lang ako ngayon hehe!" Pagmamalaki nito.

"Paano ka naman mapapagod kung nakaupo ka lang diyan?" Tanong ni Ramil.

"Nakakangawit kaya sa puwitam kaya Truth muna ako." Pagpapaliwanag nito.

"Depende naman kung ano ang ibibigay ko sayo base sa hawak mong letra." Wika ni Aaron.

"Letter B, madali lang iyam kaya alam kong pahihirapan mo ako eh hehe!" Sambit nito.

"Sayang, BUKO pa naman ang naisip ko sayo sa dare. Pagbabalatin lang naman kita ng buko gamit ang mga ngipin mo haha!" Wika nito.

"Mabuti na lang nagtruth ako kundi, lagas ang mga ngipin ko haha! Nga pala, ano naman sa truth?" Aniya.

"BUKO pa rin. BUhay KO ang ibig sabihin. So, sino nga ba ang buhay mo dito?" Mapanguyam nitong tanong.

"Sa mga nandito, siguro ang masasabi kong BUhay KO ay walang iba kundi ang best friend ko. Lagi siyang nandiyan sa tabi ko eh." Wika niya.

"Wait, si Xiara?" Tanong ni Agatha.

"Yup, siya nga." Sagot nito.

"Ako? Bakit naman ako?" Tanong ni Xiara na naguguluhan.

"Ikaw kasi yung nasa tabi ko sa tuwing kailangan ko ng karamay lalo na't kakabreak lang namin ng girlfriend ko. Talagang hindi mo ako iniwan kaya importante ka para sa akin." Paliwanag nito.

"Ahhh, baka magkatuluyan pa kayo niyan hehe!" Pagbibiro ni Ethan sa dalawa.

"Pwede rin! Hehe!" Pagsang-ayon naman ni Karlo.

"Eh paano naman si Mae?" Tanong ni Grace.

"Uy Grace, hindi naman kami eh tsaka kung mahal niya talaga si Xiara, ade maggigive way ako." Wika ni Mae.

"No comment." Ayon kay Karlo.

Namayani na naman ang katahimikan sa kanilang kinaroroonan.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon