Matapos ang kanilang klase ay naghiwa-hiwalay na muna sila at nagsama-sama ang magkakagrupo upang mag-lunch.
Una nating alamin ang pinag-uusapan ng mga habulin ng Chicks! Ang D' Gwapings.
"Paano ba iyan mga pare? Mukhang magiging masaya ang bakasyon natin ah?" Wika ni Ethan na tumatayong lider sa kanilang grupo.
"Mukha nga, tsaka maaari nating gawin ang mga bagay na ating gugustuhin!" Wika ni Karlo habang nakapamulsa ang mga kamay.
Sila'y patungo sa canteen upang mag-lunch nga ba? Pero mukhang hindi sila doon magpupunta.
"Ano kayang mga pakulo ang naisip gawin ni Agatha para mag-enjoy tayo roon?" Wika ni Jake sabay upo sa kaniyang pwesto ng makarating sila sa kanilang tambayan.
Ang kanilang tambayan ay isang lumang silid na hindi na ginagamit. Kaya medyo maalikabok ito at hindi man lang nila ito maisipang linisin.
"Speaking of Agatha, kamusta na nga pala kayo nun dude?" Tanong ni Ramil kay Ethan sabay labas ng limang bote ng C2.
"Ah iyon ba? Ganun pa rin, malanding ugnayan pa rin haha!" Wika ni Ethan sabay kuha ng isang C2 tsaka ito tinungga.
"Aba, mukhang kabet pa rin pala ang role mo pards kasi hindi pa sila naghihiwalay ng boyfriend niya tapos ikaw iniwan mo ang girlfriend mo para sa kaniya." Wika naman ni Mark sabay sindi ng sigarilyo.
"Gago! Anong kabet pinagsasasabi mo riyan? Hindi ko pinangarap na maging kabet noh! Kaya tiyak maghihiwalay din sila, sabi niya eh!" Wika ni Ethan sabay laklak sa kaniyang iniinom.
"Oh dahan-dahan lang pare baka malasing ka niyan at maamoy ka pa ng prof natin mamaya." Awat ni Jake kay Ethan na mukhang problemado.
"Kating-kati na kasi ako eh! Gusto ko ng maghiwalay sila ng boyfriend niya ng maangkin ko na siya!" Pasigaw na wika ni Ethan sabay hagis ng bote ng C2 sa may pader.
"Hindi pa ba sapat ang pag-pPDA niyo kapag magkasama kayo?" Wika ni Mark habang nakatalikod dito.
Matagal nang hindi panatag ang loob nilang dalawa sa isa't isa kaya madalas silang dalawa ang nagbabangayan tuwing sila'y nakukwentuhan.
"Inggit pala itong gagong ito eh! MakipagPDA ka rin kung gusto mo! Hindi yung pinapakialam mo yung gusto ko!" Wika ni Ethan na nangagalaiti na at nais ng sapakin si Mark. Kung hindi siya pinigilan ni Ramil at Karlo, tiyak na nagsapakan na naman yung dalawang ito.
Sa kabilang dako, masayang nagtutugtugan ang Mp3 ng klase roon sa may park.
"Hay, ang ganda talaga ng musika sa katawan. Nakakawala ng stress!" Wika ni Abi habang nagpupunas ng kaniyang pawis.
"Oo nga, pero excited na talaga ako sa Summer Outing natin!" Wika ni Mia na kulang na lang eh pati tainga ay pumalakpak sa sobrang tuwa.
"Mukhang magiging malaya ka ngayon sa strict parents mo Aaron haha!" Wika ni Dion na tinutuya ang kaibigan.
"Loko! Masyado lang silang concern sa akin kaya sila ganun." Wika ni Aaron na sumasabay pa sa beat ang paa sa tugtog na naririnig.
"Ano kaya itsura ng pupuntahan natin? Sana makapaglaro tayo roon ng hide and seek." Wika ni Josh na mahilig sa mga larong pambata.
"Hide and seek? Isip bata lang ang peg?" Wika ni Abi na nakakunot ang noo habang kinakabisa ang bagong kantang kaniyang nalaman.
"Walang pakialaman ng trip Abi! Kaniya-kaniyang trip lang iyan!" Wika ni Josh na halos maasar na si Abi.
"Oh tama na iyang asaran na iyan, baka kayo pa ang magkatuluyan haha!" Hirit ni Aaron na nagpapanting sa tainga ni Abi.
"Hahaha, mangarap siya!" Wika ni Abi habang nakatirik paitaas ang kaniyang mga mata.
"Oh tama na iyan! Magpractice na ulit tayo!" Wika ni Mia na nakapagitna kina Abi at Josh.
"Jamming time!" Wika ni Dion at sinimulan ng kalabitin ang kwerdas ng kaniyang gitara.
Nagsimulang magkantahan ang D' Mp5 at masayang ninamnam ang bawat liriko ng kanta. Sa kabilang panig naman, alamin natin kung ang ang pinagkakaabalahan ng D' Nerdy.
"Tara party party tayo mamaya!" Wika ni Henry ng napakasigla.
"Anong party ka riyan? Nagawa mo na ba assignment natin?" Wika ni Xiara na hindi alam kung anong formula ba ang gagamitin sa kaniyang sinasagutan.
"Ahm, hindi pa! Pero malapit-lapit na." Wika ni Henry sabay sulat sa kaniyang papel.
"At kailan ka pa naging party people ha?" Tanong ni Nikka na nakataas pa ang kanang kilay.
"Siguro mamaya kapag natuloy tayo hehe!" Wika nito at tumawa pa na pawang nanunuya.
"Tara bilisan na natin para matapos na ito! Gusto ko ring maranas kung paano magparty kaya alam kong gusto niyo rin." Wika ni Tom na pinakaseryoso sa kanila.
"Iyan ang gusto namin!" Wika nilang lahat at tinapos na ang kanilang takdang aralin.
Hindi porket nerd na eh puro libro lang ang hawak at puro pag-aaral lang ang gustong gawin. Mayroon ding gustong ma-experience ang gawain ng isang normal at karaniwang kabataan.
BINABASA MO ANG
Alphabet of Death (Published)
HorrorAlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang iyong pinangangalagaan? Mag-ingat ka dahil ang letrang pinanghahawakan mo ay ang magiging sanhi ng k...