Chapter 66

178K 4K 971
                                    

Xiara's POV

Nakakatuwa naman dahil umaayon sa akin ang tadhana. Konting push na lang at maisasagawa ko na talaga siya. Ngayon pang hawak ko na silang lahat sa leeg, tiyak na hindi na sila makakawala pa. Haha!

Ang sarap panuorin kanina ni Ginny na tumataghoy sa sakit na kaniyang tinatamasa. Parang musikang tumutunog sa aking isipan ang bawat halinghing niya. Nakakaawa lang siya dahil sa kalunos-lunos niyang sinapit. Haha!

Papunta na ako sa silid ng mga biktima ko ng maalala kong hindi na nila malalaman na patay na sina Ginny at Karlo. Hindi nila makikita ang labi ng dalawa kaya kailangan, ako mismo ang magdalawa nito sa kanila. Nag-isip ako ng paraan kung papaano.

Brain blast!

"Ang talino mo talaga Xiara! Wala kang kupas!" Sambit ko sa aking sarili matapos kong makaisip ng ideya.

Dali-dali kong tinungo ang bangkay ni Ginny. Syempre, take a pic! Selfie with her, haha!

Kinaladkad ko ang katawan ni Ginny palapit sa hagdan kaya mas lalong kumalat ang kanyang dugo sa sahig. Isinandal ko siya sa railings. Natutuwa ako kasi mukha pa siyang model kahit na binaboy ko na siya. Haha! Ang sama ko ba? Well, matagal na. Haha!

"Oh my Ginny, nakakatuwa ka talaga. Kahit sa huling yugto ng iyong buhay ay nakangiti ka pa rin. Masaya ka pa yata dahil pinatay kita. Haha!" Sambit ko habang hinahaplos ang maamo niyang mukha.

"Talagang hinawakan mo yung kidney mo bago ka mamatay noh? Sabagay, mahal din iyan kapag naibenta. Kainin ko na lang kaya? Haha!" Sambit ko habang inaayos ang kaniyang buhok. Kailangan niyang maging maayos sa photoshoot.

"Charot! Haha! Baka pagmultuhan mo pa ako." Dugting ko sabay kuha ng cellphone ko sa aking bulsa.

"Ready for selfie Ginny? Bibilang ako ah? 1..2..3.. click!" Pahayag ko sabay ngiti na mapang-unsyami.

"Naks! Ang ganda natin dito bestfriend! Pero mas maganda ako, haha!" Wika ko sabay dila sa kaniya.

Dilat lang siya at nakangiti sa picture habang hawak-hawak niya ang kaniyang kidney. Mukha siyang manikang duguan. Haha! Sayang lang at walang signal dito. Hindi ko tuloy mapost yung picture natin sa Instagram haha. Pang halloween lang ang peg mo Ginny.

Pagtayo ko, napansin ko ang wakwak niyang tiyan. Para bang binalahura ng isang aswang. Halos kita na ang lahat ng kaniyang lamang loob. Ngayon ko lang napagtanto na kadiri pala ang ginawa ko.

Sa pagpapatuloy ng pagseselfie ko, tinungo ko naman ang second floor para magselfie with Karlo.

Habang binabagtas ko ang hagdan paakyat, nakaramdam ako ng panlalamig. Para bang may nakasunod sa likuran ko.

"Hay, si ate Helga lang siguro ito." Sambit ko habang umaakyat ng nakayuko.

Nang makarating na ako sa dulo ng hagdan, napatigil ako ng bumungad sa akin ang mga paa na duguan. Nanlaki ang mata ko sa takot dahil tiyak kong hindi ito si ate Helga o si ate Ethel. May ibang kaluluwang napadpad dito!

Napakabilis ng tibok ng aking puso. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng takot at panginginig. Ayoko sanang masilayan ang kaluluwang nasa harapan ko. Pero pag-angat ko ng aking ulo, wala na siya.

"Argh! Natakot ako dun! Sino ang multong ito?" Pahayag ko sa aking sarili matapos ang makapanindig balahibong iyon. Nakahawak lang ang kanang kamay ko sa aking dibdib habang dumadagundong ang aking puso sa kaba.

Inisip kong guni-guni lang ang lahat. Ipinagpatuloy ko ang pagbagtas sa daan patungong kwarto nito.

Pagdating ko sa pintuan, nakatalon naman ako bigla sa gulat. Nakalimutan kong inihagis ko nga pala ang ulo niya kanina kay Ginny. Kaya heto, binulaga niya ako.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon