How It All Started

243 4 0
                                    



Just few days after my summer class:

5:30 a.m. nung maimulat ko ang aking mga mata. Ang aga, at ang dilim pa. Nasa body-clock ko pa ang magising ng maaga dahil araw-araw sa loob ng anim na linggo ay alas-syete ang pasok ko at kakaumpisa pa lang ng dalawang linggo kong bakasyon.

Nakamulat na ang mga mata pero sadyang nakahiga pa rin. Ayaw ko pang bumangon. Wala naman akong gagawin ngayon.

"BANGOOON NA KAYOOO!! Thea, Rysse, Shyra, Gio at Rico!" Naalimpungatan ako sa ingay ng aking Ina. Nakatulog na naman pala ako at mag-a-alas-nuebe na.

Nag-inat na ako at bumangon sa kama. Nag-bending ng kaunti sa harap ng salamin, nagsuklay, nag-exercise ng mukha.

"BANGON NA KAYOO! Aalis kami ng Papa niyo." sigaw na naman ng aming nanay. Grabe talaga 'tong si Mama, makasigaw wagas.

"Bangon na!" dagdag pa ni Papa na may katok sa bawat pinto namin.

Ayaw ko ng ganyan eh. Ayaw ko na sigaw ang sasalubong sa umaga ko, mas lalo akong tatamarin. Kikilos naman ako kung gusto ko, eh madalas nga ako lang yung anak na marunong magvoluntaryo eh. Yung apat kong kapatid, parang de remote control. At isa pa, I want to take this few days left to be my full-rest days, but as usual, I couldn't get what I want. I never get what I want!

Lumabas ako ng kwarto at bumaba pero deretso sa CR. Maingay eh. Sermon na naman ang almusal, halos araw-araw kapag bakasyon na. Kaya nga mas pinili kong mag-summer class eh, kahit pa na ayaw ko talaga. Napilitan lang mag-enrol kumbaga.

Akalain mo yun, sa ingay na ginawa nila Mama at Papa, ako lang ang nagising? Ang titibay ng mga kapatid ko ah.

"Rysse, ikaw na ba yang gising?" tanong ni Papa sa may pinto ng banyo.

Hindi ako sumagot.

"Ikaw na ang bahala dito sa bahay. Utusan mo mga kapatid mo, pati na rin yang Ate at Kuya mo ha. Aalis na kami."

Lumabas ako matapos ang ilang minuto at si Rico pa lang ang gising pero mahigpit na agad ang hawak sa kanyang smartphone at nakahilata pa sa sofa.

"Rico, magwalis ka man lang sana dyan sa sala bago ka tumunganga." utos ko nang medyo naiinis. 

Tumango lang siya.

Mas lalo akong nainis nung wala akong makitang almusal. Kanin lang pero walang ulam. Wala akong nagawa, nagluto ako; hindi lang para sa akin pero para sa lahat na din, nakakahiya naman kasi sa kanila, 'di ba?

Tinawag ko na sila upang kumain dahil lahat sila ay nasa sala na at nanunuod ng TV maliban kay Kuya at Ate na mahimbing pang natutulog.

Pagkatapos kumain, naglinis ako. Sa kusina, sa labas, pati na sa sala. Naghugas na rin ako ng pinggan. Kasi kahit na utusan mo sila, aabutin pa ng ilang oras bago sila kumilos kaya ako na lang. Kaya ko naman eh, pero nakakapagod din, kaya ko naman, nakakapagod din kaya! Oo, nakakapagod!

Matapos kong linisan ang bahay, umakyat ako sa kwarto ko at isinunod itong linisin. Magpapahinga na sana ako kaya lang madami akong nakitang bote at mga candy wrappers sa lamesa ko. Habang naglilinis, tumunog ang cellphone ko.

Nagtext si Mama, "Mga junakis ko, magluto kayo ng tanghalian. Gulay at isda yung nandyan sa ref."

"Group text. Sana isa man lang sa kanila ang magluto." sabi ko sa sarili ko habnag tinatapos ang pagtatapon ng mga bote.

Sa pagbaba ko, ganun pa rin ang pwesto nila sa sala, nadagdag lang si Ate. Samantalang sa kusina ay, madumi ulit, yung mga nahuling nag-almusal ay iniwan lang sa lababo ang mga pinagkainan at wala pang nakakapagluto maski na kanin man lang. *Hinga malalim at buga ng malakas*

The Status : ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon