---
"I will never give up on her. I will spend the rest of my life proving that she deserves all the love in the world."
---Pagkatapos ng kanta at ako ay nagpasalamat na, agad kong pinagtanong kung nasaan si Gayle. Wala siya sa kitchen, at nagpatulong na rin ako para mahanap siya sa CR pero wala. Naiwan din niya phone niya dito sa table. Ibig sabihin ba bigla siyang umalis? Napanood niya ba kami ni Sam? Nasaan ka, Gayle? Heto na naman yung kaba at takot ko kapag nawawala siya sa paningin ko eh, yung bigla siyang nawawala.
Ang daming tanong sa isip ko kung bakit siya umalis, kung saan siya pumunta, kung bakit kailangan niyang iwan ang phone at bag niya. Walang'ya naman, Gayle, lagi mo akong pinag-aalala.
"Sir, may nakita pong babae sa labas baka siya po yung hinahanap niyo?" sabi sa akin ng waitress na napagtanungan ko na din. "Sa may papuntang parking lot po, Sir."
"Okay, salamat." agad akong lumabas dala yung mga gamit niya. Dahan-dahan akong lumapit at sinipat ko muna kung siya ba yun, at siya nga. Natagpuan ko na naman siyang nagmumukhang kawawa, para siyang basang sisiw. Hindi nga siya umiiyak ngayon pero parang mas malala yung kalagayan niya ngayon. Wala siyang lakas at ang lalalim ng kaniyang paghinga.
"Gayle, bakit, ano'ng problema?" puno ng pag-aalalang tanong ko. "Nahihilo ka?"
Hindi siya sumasagot. Hinayaan ko lang baka kasi nga nahihilo siya. Hinagod ko ang kaniyang likod at binigyan siya ng tubig na nasa bag niya at pampahid sa kaniyang ulo. Pero makalipas lang ang ilang sandali ay naririnig ko siyang humihikbi.
"Bakit ka naman umiiyak?" pinipilit ko siyang iayos ng upo para makita ko ang mukha niya. "Damn it, Gayle. Natatakot na ako sa'yo. Ano'ng nangyari sa'yo?"
Umiiling lang siya.
Binigyan ko pa siya ng ilang sandali para kumalma. Nasa tabi niya lang ako at hindi kumikibo habang marahan king hinahagod ang kaniyang likod. Ano kaya ang problema niya? Nabaliktad ba ang sitwasyon namin? Kinasusuklaman ba niya ako? Nasaksihan ba niya kami ni Sam? She hates me, ni hindi ko pa nga nalilinaw sa kaniya yung nagawa ko kanina, tapos nakagawa pa ako ng ikakasama ng damdamin niya.
Iniwan ko muna siya para puntahan si Heidi at malaman niya ang kalagayan ni Gayle at para na din masabi ang nangyari habang nasa kitchen sila. Kailangan ko ng matatalim niyang salita para mabatukan ang utak at damdamin ko. Nagtipon-tipon ulit sila sa mesa at nagmimiting. Kinausap ko na agad si Heidi at nalaman na nila kumanta kami ni Sam. Yung iba masaya, pero si Heidi ay nag-alala.
"Nasaan ngayon si Gayle? Ang tanga naman, pinsan! Bakit mo hinayaan na magsama kayo ni Sam at sa harap pa ni Gayle?!"
Parang may patalim na tumusok sa puso ko. Hindi ako nakapagsalita.
"So nasaan si Gayle?"
"Nasa labas. Nahihilo yata, nagsuka kasi siya. Pero tingin ko hindi lang yun yung dinaramdam niya."
"Balikan mo na siya. Sabihin at ipaliwanag mo sa kaniya ang lahat, pati na yung nakaraan ninyo nitong nakakaimbyernang babae na 'to at linawin mo na wala ka ng nararamdamang kahit ano. Ako nang bahala dito." sabi niya na may gigil kay Sam. Tatalikod na sana ako sa kaniya pero may pahabol pa siya. "I-secure mo yung feelings mo sa kaniya, kasi sensitive na yang damdamin ni Gayle, alam mo naman yung pinagdaanan niya 'di ba? But you chose to stay for her kaya panindigan mo. Gusto niya ng security at ayaw na niyang nasasaktan."
BINABASA MO ANG
The Status : Complicated
ChickLitThat SIMPLE status that changed everything COMPLICATED. "Ako man ay nagmukhang talunan sa harap nila at para sa iba, hindi naman plastik ang ugali ko na katulad nila."