"Don't be wary about others. You are alone in this world. Live just for yourself."
Nauna na akong umalis sa canteen at iniwan nang mag-isa si Nico sapagkat patapos na sila Corin sa kanilang exam at oras ko naman para sumalang.
Alas-onse hanggang ala-una ang exam ko sa Law, kaya't eksakto ito para sa kukunin kong special exam.
"Oy! Gayle." bati ni Hany na nakasalubong ako sa bukana ng restroom. "Nakita mo ba si Nicole?"
"Ah, oo. Nasa canteen siya, kasama ko siya kanina."
"Sige, bye!"
Pumasok na siya sa loob at ako naman ay papunta nang classroom ko.
Habang naghihintay ng pagdating ng instructor ay chineck ko ang aking schedule ngayon. First exam starts at 7:00 am, Financial Management II; 9:00 am, Strategic Management, and 11:00 am, Business Law. So, I missed 2 exams today... Nawala sa isip ko yung StratMan. Kailangan ko rin palang kausapin si Prof. Narciso. Mahirap pa naman siyang kausapin.
The papers are here already and it is shorter than the quiz last time. I hope this is easier also.
On my halfway on the test, may case example which involves my father's name and it is about not abiding on the contract. Sumikip ang paghinga ko, at naging blangko ang utak ko. Wala na akong masagot sapagkat naiisip ko yung nangyari kagabi. Yung pag-alis ni Papa, yung paghagulgol ni Mama, at yung dahilan kung bakit. Nakakadurog ng puso, Pa. Bakit ngayon pa?!
"Pass your papers now in five..." Sir Attorney starts to count down.
I passed my paper unfinished. This is not a good timing for me to take exams, ang dami kong naiisip but I don't want to complicate my schedules and to chase my Prof's and instructors to give me a special examination. Isang malaking abala pa iyon sa akin at sa kanila.
Pero para sa dalawa kong namissed ay kailangan kong maghabol at makiusap sa kanila, which I am not good at.
"Sir, hindi po ako nakapag-exam kanina." maikling sabi ko kay Sir Bacani.
"Sa akin din kanina, wala ka!" singit naman ni Prof. Narciso na papaupo palang sa kaniyang table.
"Opo, sir. Nalate po kasi ako ng gising eh." kinakabahan na excuse ko, I'm thinking to say other excuse but the truth came out.
"Next time don't be late, I will not accept excuses again." seryosong sabi ni Sir Bacani sabay abot ng test paper.
"Sorry po sir."
"Isabay mo na ito, para hindi ka na pabalik-balik." at iniabot din ni Prof. Narciso ang test paper niya sa akin.
Gusto ko pa sanang tanggihan at ibalik sa kanya pero nakita ko na daw eh at may ideya na ako kaya hindi niya na tinanggap.
I took the exam at the library where special examinees are granted a table there and a proctor.
Una kong sinagutan yung exam na binigay ni Sir Bacani and it almost took all my brain juices, and I'm feeling drowsy; and my stomach starts to crumble. Nahihilo ako dahil sa antok, pagod o sa gutom? Nakakastress! At pati mga pangalan na ginagamit nila ay nagpapaalala kina Mama at Papa. Gusto kong burahin yung pangalan, at pakiramdam ko parang gusto ko ring kusutin yung papel dahil sa inis.
Natapos ko na, at nung isunod ko na yung binigay ni Prof. Narciso ay parang wala akong masagutan, wala akong alam sa mga sinasabi dito. Nagtwi-twist na ang mga letra at hindi ko maintindihan. Nagpahinga muna ako ng ilang minuto at muling bumalik sa pagsagot, ngunit ganun pa rin. Is this just me or is it really words from other dimension itong mga nababasa ko?
BINABASA MO ANG
The Status : Complicated
ChickLitThat SIMPLE status that changed everything COMPLICATED. "Ako man ay nagmukhang talunan sa harap nila at para sa iba, hindi naman plastik ang ugali ko na katulad nila."