"Mag-umpisa man ng sobrang sama ang araw mo, basta huwag kang magpaapekto tumuloy ka lang malay mo nasa dulo ang kagandahan nito."
.I don't know how long this drive will take but I am so anxious. As long as I am in an air-conditioned car, I'll have a car-sickness. So when Heidi starts the car, I opened my window and closed my eyes. May makakausap naman si Heidi sa biyahe tapos nandiyan naman si Jack kaya itutulog ko na lang ang buong biyahe para hindi ako mahilo at magsuka.
Hindi pa man ganun kahaba ang naging biyahe sa tingin ko pero naririnig ko silang tatlo na nagbabangayan. Tagos sa ingay ng mga kantang pinakikinggan ko ang mga boses nila. Kinalabit ko si Jack at bahagyang lumapit sa kaniya. "Ano'ng pinag-aawayan niyo?" tanong ko sa kaniya; tapos narinig ko naman si Sam, "Eh hindi nagtatagal yung lamig ng aircon dito sa loob eh, lumalabas lang..bakit kasi nakabukas yang isang bintana?!" pagrereklamo niya with a sass, pero imbes na ma-imbyerna ako sa pinakita niyang ugali ay mas nahiya ako dahil ako ang may kagustuhan na ibukas ang bintana sa tabi ko. So without hesitation and with my instinct, itself, I reach for the button to close it all the way up but Jack stopped me half way.
"Hindi mo siya kailangang sundin, hayaan mo lang na ibukas yan."
"Okay na ako.." simpleng sagot ko sa kaniyang pag-aalala, at humingi na rin ako ng pasensya kay Sam at Heidi. Naalala ko din yung mga dala kong pagkain kaya't iniabot ko ito sa kanila.
"Ikaw, ano gusto mong kainin?" mahinahon na tanong ni Jack sa akin. Umiling lang ako bilang sagot. "Kendi?" na-excite ako sa narinig ko. Ayokong kumain ng kahit ano pero nakakaramdam na ako ng gutom eh. Isa rin sana sa dadaanan ko sa tindahan yun kanina pero naalibadbadran ako sa presensya ni Jack kaya nawala sa isip ko. Kinuha ko kaagad yung iniabot niya. "Sigurado ka, oks ka lang?" tumango lang ako at muling pumikit na.
---
Nakatulog na naman ako at nagising na ng nakasandal ako kay Jack na diretso lang na nakatingin sa harap.
"Nagpaalam ka ba kay daddy, insan?" rinig kong tanong ni Heidz kay Jack dahil bahagya kong hininaan ang volume ng music player ko. "Ano sinabi mo? Saan ang paalam mo?"
"Wala akong sinabi, huwag kang mag-alala." sagot naman niya.
Naguiguilty ako sa ginagawa kong pakikinig pero gusto ko itong posisyon ko kaya nagtatalo ang sarili ko kung aayos na ba ako ng upo o hindi. Namiss ko kasi siya at hindi ko naramdaman yung lambing niya kanina pero ayoko rin namang ipahalata na namiss ko nga siya; at may posibilidad na mahal ko na siya baka kasi bigla siyang tumigil sa pagsuyo sa akin. Dahil baka kaoag ipakita ko nang mahal ko siya ay mawala na yung paglalambing niya sa akin.
Nangangawit na ako at malamang ay pati na rin siya kaya't umayos na ako ng upo, at nagsorry sa kaniya.
"Gising ka, Gayle?" tanong ni Heidz.
"Kakagising lang." sagot ko. "Malayo pa ba tayo? Asan na pala sila Robert?"
"Wala bang nakasunod sa atin?"
Lumingon kami ng sabay ni Jack sa likod, at sabay ding sumagot ng wala.
Sa magkabilang direksyon kami lumingon, siya sa kaniyang kaliwa at ako naman ay sa aking kanan, kaya't nagkasalubong ang aming mukha at halos magkadikit na. Pansamantalang tumigil ang ikot ng mundo ko dahil nung tinignan ko siya sa kaniyang mga mata ay napatulala na lang ako. I felt that he is guilty and sorry, and that he is sincere. I did not move, but just close my eyes, right then, I feel his lips touch the top of my head. Just like what I am expecting, but what I am not expecting are the words he is saying,
BINABASA MO ANG
The Status : Complicated
ChickLitThat SIMPLE status that changed everything COMPLICATED. "Ako man ay nagmukhang talunan sa harap nila at para sa iba, hindi naman plastik ang ugali ko na katulad nila."