"Ang mga ahas ay nasa gubat, o kaya nasa zoo lang pero bakit may mga nakakausap ako? Tsk! TRUST is the most expensive thing in the world. It can take years to earn, but just a matter of seconds to lose."
Sa aking pagtakbo nakalimutan ko na may klase pa pala ako. Late na kaya't naisipan ko na lang pumuntang tambayan, isang coffee shop, at doon magpahinga, mag-isip at huminahon. Nakakaloka itong mga kaibigan ko.
I ordered strawberry oreo frappe and a double chocolate cheesecake, and looked for a seat, big enough for five. 'Cause I know darating yung mga yun.
Napatakbo lang naman ako dahil nagulat ako. Nahiya ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya, umurong bigla ang dila ko at nainis din ako sa mga kaibigan ko. That was suppose to be our secret.
"Excuse me, heto na po order niyo." sabi ni John. "Nag-iisa ka, nasaan mga barkada mo?"
"Thanks." sabi ko. "Susunod din yung mga yun" natawa siya at umalis na.
Paano kaya nila nalaman na nasa Multi -Purpose Hall ako?
At bakit kailangan nya pa akong takutin ng ganun para lang ipakita yung nakita niyang status ko?
At ano kaya iniisip niya ngayon at alam na niya na may crush ako sa kanya?
Paano niya nakita yun? Hindi ko siya "friend". Hindi ko siya "follower". Wala kaming "mutual friends" na close sa kanya. Unless, sa mga kaibigan ko lang din galing yun. Not impossible because it is only minutes ago when I deleted it.
Anyways, speaking of friends, andito na rin sila sa tambayan. At ang tahimik kong pag-iisip ay bigla nalang gumulo.
"Bastos ka naman beh, tinakbuhan mo yung tao!" Corin says as she sits in front of me.
"Tinanong namin siya kung saan galing yung screencapped na yun. Ayaw niya sabihin, confidential daw." Si Nico. Nicole for short. Common na daw kasi ang Niki eh, at umupo siya katabi ni Meann na tumabi naman sa akin.
"Huwag kang tumabi sa akin, d'yan ka na lang sa gitna." at lumipat naman siya without saying anything.
"Naisip ko lang, baka naman iniistalk ka niya using another account? Ayiiiie!!" Corin with kilig movement pa, dahil she had also a crush on him. "At in fairness beh, ang bango niya!" I smiled. I already know that -.-
"Or follower mo na siya di mo lang alam?" Meann, holding her phone asking for the new wifi password.
"Tama na yan! Oy, di ka pumasok. Madaya ka!" sigaw naman ni Hany na kagagaling lang sa bathroom at umupo sa tabi ni Corin.
Pansin nyo ba, ang dadaldal nila hindi ako hayaang magsalita at magpaliwanag at magtanong. I want to ask kung ano nangyari sa klase kanina, but I can't get a chance. At kakarating palang nila eh ang ingay na, nakakahiya sa ibang customers.
"Guys, huwag naman masyadong malakas ang mga boses. Mahiya kayo sa mga nag-aaral oh." sabi ko dahil kanina ko pa din tinitignan yung estudyante sa kabilang table.
"Eh di dapat sa library siya pumunta." Malakas na sabi ni Hany at mukhang narinig nung tinutukoy kong estudyante.
"Ssssh. Yang bibig mo talaga oh, walang sinasanto." pangangaral ni Corin.
"Beh, nandyan na siya. Narinig ka niya. Infairness ang ganda ng tindig niya." mahinang sabi naman ni Meann.
"Hey, miss." Sabi ni mister nerd, wearing an all white uniform. A medtech student from the other university. "Can you please tone down your voices? Hindi niyo naman nabili itong lugar eh. Respeto naman oh!"
BINABASA MO ANG
The Status : Complicated
ChickLitThat SIMPLE status that changed everything COMPLICATED. "Ako man ay nagmukhang talunan sa harap nila at para sa iba, hindi naman plastik ang ugali ko na katulad nila."