"Selfie! To be able to have your selfie, you need a phone. To acquire a phone, you need money. To be able to have your money, you need a job, and of course, to work for it. To have a job, you need knowledge. You need to study. To be able to study, you need to eat healthy. Ta-daa! Simple steps, complicated life."
Pagkarating namin sa bahay ko ay agad naghanda ng makakain ni Heidi; samantalang si Jack ay todo asikaso sa akin.
"Gayle, may sulat oh." inabot niya sa akin ang papel na nakasuksok sa pintuan. "Sige, tulungan ko lang si Heidi."
Yung sulat ay galing sa isa kong katrabaho, si Jambi.
"Fren, nasaan ka na? Ilang araw ka ng absent ha. Baka matanggal ka na, paalala lang ni boss na part-timer ka lang, madali ka lang palitan pero naaawa siya sayo kaya bibigyan ka pa daw niya ng chance. Pasok ka bukas, puntahan mo siya. Tapos pala, kontakin mo ako kung okay ka lang. Alam mo na naman ang number ko."
Isa pa pala itong trabaho na to eh, ilang araw na ba akong absent... Sumatotal, mga lima na pala.. Panglima ngayon sapagkat hindi ako nakapag paalam."Gayle, may sulat ulit oh." sabi ni Jack at inabot sa akin yung envelope mula sa may kusina.
"Thanks." sabi ko lang at inusisa kung anuman ang nakasulat sa sobre. "Hmmm... "
Medyo makapal ang sobre. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang isa pang sobre na galing sa isang kilalang bangko. Naka-adress sa akin at may lamang ATM card. Nagtaka ako nung una pero naalala ko yung sinabi ni Papa, baka ito na yun; at binasa ko yung nakasamang sulat.
"Huwag ka namang magpabaya Amaryss. Tutukan mo na lang yang pag-aaral mo, at baka sobra kang napapagod sa trabaho mo. Ha, Amaryss? Kung di pa ko tinawagan ng mga kaibigan mo hindi ko malalaman na umalis ka dun sa bahay na tinuluyan ko. Wala ka pang cellphone, ano bang plano mo? Basta kahit ano pa yan, magsabi ka lang, tutulungan naman kita. Mag-ingat ka palagi, puntahan ulit kita sa susunod na buwan at sana naman makausap na kita. Gamitin mo itong allowance para sa cellphone, o kaya naman kung ayaw mo, ibili mo ng vitamins at pagkain. Ingat ka, anak! -Papa"
Shet. Ang lambing ni Papa ah. Paano niya nailagay ito dito? At mabuti na lang, hindi nanakaw.
I tried to stand pero agad lumapit si Jack para ako ay alalayan."Ang bilis pa sa alas kwatro, pinsan ah?" biro ni Heidi.
"Saan ka pupunta?" mahinang tanong naman ni Jack sa akin.
"Hindi naman ako pilay, Jack. Okay na ako." sabi ko at inialis ko nang dahan-dahan yung kamay niyang umalalay sa akin. "Hanapin ko lang sana yung cellphone mo.. May load pa ba yun? Yung pinagamit mo sa akin, itetext ko lang yung katrabaho ko."
"Baka nandyan sa bag ko." sagot naman ni Heidi. Agad namang kinuha ni Jack yung bag ni Heidi ngunit pinigilan ko ulit siya.
"Ako na lang ang maghahanap Jack. Okay lang ba?" Ibinigay naman niya yung bag.
"Pasensya na hindi ko maiwasang hindi mag-alala sayo eh. Baka mabinat ka pa, tapos may trabaho ka pa bukas kaya kailangan mong magpahinga talaga ngayon. Sorry na..."
"Okay na. Para kasing malubha ang sakit ko kung alalayan mo ako eh.. Eto ba yung phone?"
"Yan nga. Yun nga lang baka expire na load nyan. Check mo muna."
BINABASA MO ANG
The Status : Complicated
ChickLitThat SIMPLE status that changed everything COMPLICATED. "Ako man ay nagmukhang talunan sa harap nila at para sa iba, hindi naman plastik ang ugali ko na katulad nila."