"The reality is where our heart is. And our heart may be go insane, and that is just an acceptable response to reality.""Hi Love, good morning!" mga unang salitang narinig ko sa aking pag-iinat mula sa pagkakatulog. "Babangon ka na ba? Huwag muna, gusto pa kitang makatabi."
It's past five in the morning. And it is too early yet to think dramatically and to comprehend what I just did last night. "Good morning. Bakit ka nandito?"
We are too close, and facing each other on my single size bed. He simply responds, "Bakit, bawal ba my love?" while caressing my cheeks.
"Bakit ka nandito sa kama ko?! Chumachansing ka eh." I ask him annoyed.
"Hindi, Love.. Kakalipat ko nga lang eh. Baka ikaw ang chumachansing sa akin kagabi?"
"Hindi. Baliw." pauna kong sagot at umayos ng upo, "Lasing ka kagabi, natikman ko nga yung alak sa labi mo nang maraming beses, nalalasing na rin ako kaya I stopped it tapos sinabi mong nagugutom ka. Ipinagluluto na kita ng noodles pero nahilo ka at nagsuka; I cleaned you up at pinilit kitang kumain. Hindi ka pa nakakadalawang subo pero ayaw mo na at bigla ka nang natulog."
"So pinaliguan mo ako kagabi?" nakakalokong tanong niya na may nakakalokong ngiti rin.
"NO." sagot ko sabay irap. Tapos akmang babangon na.
"Uy, bakit iniiwasan mo na naman ako? Akala ko okay na tayo." pagpipigil niya sa akin na may kasama pang nakakalokong mga ngiti.
"Isa pa! Isa pa, sige!" pagbabanta ko. Nakakairita kasi yung ngiti niya.
"Ano? Isa pang kiss, gusto mo?" Aahmmpf! Nang-aasar talaga siya.
"Uy, teka lang." this time seryoso na siya sa pagtigil sa akin at sinabayan niya ng yakap na nagmula sa aking likod, at may binulong. "Sorry na. Natutuwa lang kasi ako na okay na tayo at, alam mo na, na..."
"Na tinanggap na kita, at bumabawi ako ng mga halik sa'yo kagabi." pagtutuloy ko sa kaniyang hindi matapos-tapos na pahayag. "Alam ko, nakakatuwa. Pero hindi ka ba nagtataka na in just a snap, biglang nagbago ang isip ko, at hindi ka ba natatakot na baka nabigla lang ako, na baka hindi ako sigurado sa naging desisyon ko at iwan kita at saktan kita ulit? Hindi ka ba nangangamba?"
Naramdaman kong mas lalong humigpit ang kaniyang yakap at ipinatong ang kaniyang ulo sa aking balikat.
"Jack naman. Ano? Kasi ako, natatakot ako. Ayaw rin naman kitang saktan ulit, ayaw ko nang niloloko kita pero naguguluhan pa rin ako. Hindi ko alam kung tama ito, na baka nga nabigla lang ako, na baka nadala lang tayo ng bugso ng ating mga damdamin kagabi dahil nga, nakainom ka, at naamoy ko yung alcohol sa'yo. Jack!"
"Ano ka ba, tumahimik ka lang muna. Magpakiramdaman tayong dalawa. Humarap ka sa akin at idikit mo yang tenga mo dito sa dibdib ko. Pakinggan mo lang."
Kahit hindi ako humarap ay nararamdaman ko na yung tibok ng puso niya. Ang lakas ng kabog, pero ramdam ko rin yung gentleness at sincerity niya mas lalo na nung pilit niya akong iharap sa kaniya.
"Oo na, Jack. Ikaw sigurado ka na sa nararamdaman mo, at ito ang gusto mo; pero paano ako? Hindi ko alam kung ano ang gusto ko. Hindi ako sigurado. Basta ang ayaw ko lang ay ang lokohin ka ulit, at lokohin ang sarili ko."
BINABASA MO ANG
The Status : Complicated
ChickLitThat SIMPLE status that changed everything COMPLICATED. "Ako man ay nagmukhang talunan sa harap nila at para sa iba, hindi naman plastik ang ugali ko na katulad nila."