"I really can't think of anything at this moment; I just want to excuse myself from this too damn good reality -- a reality that is becoming a nightmare for me."
Three days after that incident nandito pa rin ako sa kwarto ko, that means sa garahe pa. Hindi pa ako bumabalik sa school; hindi pa ako lumalabas ng bahay; at hindi na din nagbubukas ng cellphone at ng social media. Ayaw kong kumilos, kasi baka sa paggalaw ko madudurog na ako; baka kasi sa susunod na galaw ko may malaman na naman ako na hindi ko na kayanin. Hindi ko alam kung ano ang tamang gawin, kung ano ang mga dapat sabihin kung wala rin namang makikinig sa akin, kung puro mali na lang ang nakikita nila sa akin.
"Rysse?" pang-ilang tawag na ni Ate ngayong araw mula sa pinto. "Rysse? May naghahanap sa'yo."
Lumapit ako sa pinto at sinilip kung sino yun. Napangisi na lang ako sa nakita ko, yung apat na "kaibigan" ko.
"Gusto ka lang daw nilang makausap. Rysse?"
"Beh! Labas ka na."
"Dala namin yung pasalubong galing Alaminos."
"BEH!"
"Gayle! Lumabas ka na parang awa mo na."
Scrap those words, girls! I don't want to see their faces anymore, neither to hear their voices. Nakakadiri.
"Ate?" kumatok ako mula sa loob. "Pauwiin mo na sila, wala ako sa mood makipagplastikan.. este makipag-usap pala. At HUWAG mong tanggapin yung pasalubong ha. Mas kailangan nila yan. Isa pa, sabihin mo may sakit ako, malala at hindi rin nila ako makakausap ng maayos." sulat ko sa maliit na papel at nilusot sa siwang ng pinto. Sumilip ulit ako, at yun na nga, umalis na sila; pero tinanggap pa rin ni Ate yung mga "pasalubong".
Pinapasok ko si Ate at inagaw sa kanya yung mga pasalubong at idiniretso sa basurahan. Mean na kung mean basta ayaw ko na sa kanila.
"Bakit ka nagkakaganyan? Akala ko bestfriends mo sila?"
"Ha ha." I gave her a sarcastic laugh. "Bestfriends?! Bestfriends nila mukha nila, ang paplastik kaya nila."
"Mukha naman silang mabait ah. Binilhan ka nga nila ng pasalubong 'diba?"
"Ah, basta! Plastik sila. Sa susunod na pumunta pa sila dito, paalisin mo nalang sila agad."
"Okay okay." pagsuko ni Ate, "Basta Rysse, nandito lang kami nila Mama para tulungan ka sa mga problema mo."
"Okay, salamat Ate."
I never thought na isasama niya si Mama. Kasi base sa nakikita ko, invisible ako kay Mama eh, bale yung mga kamalian lang ang visible sa kaniya. So I rolled my eyes; nasaan na ba kasi si Papa?
Bumalik ako sa pagkakahiga at isinaksak ang earphones with a random songs on a list in my iPod na bigay ni Papa on my 18th birthday. Namimiss ko na si Papa. Sana isinama mo na lang ako para hindi ko na naranasan itong klaseng sakit na nararamdaman ko ngayon, yung klase ng pagtatraydor na ginagawa sa akin. Masakit Pa, sana isinama mo nalang ako.
"Anak," boses ni Papa. "Oh Rysse, bakit ka umiiyak?"
"Ikaw kasi Pa, iniwan mo ako. Sana isinama mo ako sa pinuntahan mo para buo pa rin ako hanggang ngayon."
"Sino ba nang-aapi sa'yo?"
"Madami Pa, pati si Mama."
"Intindihin mo na lang si Mama mo, alagaan mo na lang siya para sa akin ha."
"Aalis ka na naman? Kakabalik mo lang, Papa. Saan ka na naman po pupunta?"
"PAPAAAA!"
"Pa!" *hikbi* "Pa... panaginip lang pala." *hikbi* oh my god! *hikbi* Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, bigla na lang akong natawa kahit gusto ko pang umiyak. Nakakabaliw, ano ba 'to! I guess I need fresh air.
BINABASA MO ANG
The Status : Complicated
ChickLitThat SIMPLE status that changed everything COMPLICATED. "Ako man ay nagmukhang talunan sa harap nila at para sa iba, hindi naman plastik ang ugali ko na katulad nila."