"Sometimes the most beautiful surprises are also the most horrific surprises."
"Gayle, hurry up. I'm gonna be late." natatarantang sigaw ni Miggy mula sa taas. Ang hindi niya alam ay nandito na ako sa kanilang sala at naghihintay na sa kanya.
Ginising ko siya pero inabot pa ng halos isang oras at saka siya tuluyan nang bumangon. Alas siyete ang umpisa ng pagbibigay-salamat na misa sa university kaya labis siyang nagmamadali.
Pumanhik uli ako para tignan kung tapos na ba siyang magbihis at mag-ayos.
"Hey Miggy, tapos ka na ba?" sabi ko sa likod ng pinto.
Binuksan niya ito, "Oh, hindi ka na magbibihis?" pertaining to the clothes he'll lend me para makasama ako sa kanya. Well, I'm with my clothes last night. "Can you?"
"Hindi na. Mas kailangan ka nila doon, uuwi na lang ako dahil marami pa akong kailangang i-research eh." paliwanag ko habang itinutupi ang sleeves ng kaniyang polo. "Tapos i-re-rewrite ko pa yung pinapagawang worksheet ni Sir Bacani at baka hanapin na niya bukas."
I'm done with his polo so I sat down in his bed, still waiting for him to be done.
In all fairness, matagal siyang magbihis ah, at habang ako ay nasa baba napansin kong puro maid lang ang nandoon; wala ba siyang ibang kasama dito, sa laki nitong bahay na'to ah.
"Let's go." pahayag niya pagkalabas ng bathroom at agad din naman akong napatayo. "Grab the cookies, kainin natin sa daan, sayang."
Kinuha ko yung tirang cookies pati na rin yung mga bote ng gatas at tubig para maitapon na sa trashcan at sinundan ko na siyang bumaba.
"Kakainin pa natin itong cookies?" kunot-noo kong tanong. "Eh, natuluan mo kaya ng laway ito kagabi." sabi ko at natawa. Samantalang nagsalubong naman ang mga kilay niya.
"Aba, ganun pala ah. Edi itapon mo na lang yan at kukuha na lang ako ng bago." Hala, uminit ang kanyang ulo at akmang kukuha nga ng panibagong kahon.
"Nagbibiro lang ako Miggy, pwede pa ito. Huwag ka ng kumuha, hindi mo naman abot eh."
"Inaasar mo talaga ako ah." Naglakad siya papunta sa aking pwesto at ako lang ay napapikit sa kanyang handang gawin sa akin.
"Aaww..." he pinched my nose, halos gusto niyang tanggalin. "Sorry na..."
"The next time you'll annoy me, I'll do something worse than that." pagbabanta niya pero may kasabay na kindat. "Anyway, gusto mo ba mag-uwi ng bagong box ng cookies para sa bunso mong kapatid? What is her name?"
"Ah, si Shyra. Actually, hindi namin siya bunso eh, anak siya ni Ate tapos hindi pinanagutan." sabi ko but eventually, at some point I was blocked by my own thoughts regarding to what I said that he could take it the wrong way; na baka akala niya'y may gusto akong iparating sa kanya.
"Sige, iuwian ko siya ng cookies." I immediately followed.
He took a bite on a cookie at muli siyang kumuha ng isa pang box sa mataas na cabinet at kinailangan niya pa ngang tumuntong sa step-ladder para maabot.
"Sino kasama mo dito sa bahay? Napansin ko kasi na walang tao sa ibang kwarto eh. Mag-isa mo dito?"
"Hindi. May tatlo akong kasamang maid." saad niya at bumaba na sa counter pagkakuha ng kahon. I smiled. "Bakit ka nangingiti?"
"Wala. Tapos sino pa'ng kasama mo dito?"
"Sila lang... sa ngayon dahil parents ko, nasa business trip sa Dubai last month pa, si Ate, kaka-migrate lang last December sa Italy; at yung dalawa ko namang kapatid na babae din ay sa Manila naisipang mag-aral."
BINABASA MO ANG
The Status : Complicated
ChickLitThat SIMPLE status that changed everything COMPLICATED. "Ako man ay nagmukhang talunan sa harap nila at para sa iba, hindi naman plastik ang ugali ko na katulad nila."