"Oh. I was a bitch, and I don't care. I. Don't. Care. Shit, I care. Eh kasi naman, most of the time I don't know how I feel, but when I do you're not ready to listen."
The next day, Sunday, I woke up early for a jog to the beach; pero naaliw ako sa aking pag-iisa kaya inabutan na ako ng dapit-hapon para bumalik sa bahay.
Napili kong sa beach pumunta dahil malamig, malapit ka sa natural na kalikasan, at... Gusto kong malunod. Malunod sa mga bagay na tumatakbo sa aking isip upang sa aking pag-ahon ay maiiwan na ito sa ilalim ng dagat. Ganun pa man, naliwanagan na ako sa mga nangyari, ngunit hindi ko maisip kung ano ang gagawin. Napapa-buntung-hininga na lamang ako.
"Ryss! Nasaan ka nang buong araw? Umuwi ka ba kagabi?" salubong ni Ate sa akin na parang nag-aabang talaga sa aking pagdating at nakapameywang pa.
"Sorry 'Te. Nasa beach lang ako, nagjogging nung umaga tapos nakatulog ako."
"Eh kagabi, nasaan ka?"
"Sa ospital. Pinuntahan ko si Marco, naadmit yung girlfriend niya."
"Anong oras ka umuwi?"
"Alas dos?"
"Okay, sige. Last question,"
"Ate naman! Ang dami mong tanong, hindi na ba ako pwedeng pumasok dito sa bahay? Kailangan pa ng mahabang interogasyon eh." pagsusungit ko. At lumabas na lang ulit ako ng gate.
Matapos ang ilang minutong paglalakad ay nakaramdam ako ng pagod kaya naupo muna ako sa isang plantbox. Sakto din naman ang pagdaan nitong nagtitinda ng buko juice.
"Manong, pabili nga po."
"Wala na, ija. Ubos na."
"Ganun po ba?" sabi ko at nanlumo na lang. "Pati ba naman ikaw manong, hindi mo ako pagbibigyan? Pati buko juice ipinagkakait na sa akin?!"
Lumapit siya akin at pinapatahan ako. "Hindi naman sa ganun, ubos na talaga eh. Alam mo, kung ano man yang pinaghuhugutan mo lilipas din yan. Kailangan mo lang maging masaya palagi, huwag isipin ang mga negatibo. Hayaan mo lang yang mga nang-aapi sa'yo, ang mahalaga ingatan mo ang sarili mo. Maging positibo ka lang palagi. Ngitian mo lang sila, tawanan mo naman ang problema."
May pinaghuhugutan din siya. Sinubukan kong ngumiti pero pakiramdam ko parang napunit lang yung labi ko.
"Isa pa, ija, baka init lang ng katawan yang nararamdaman mo. Maligo ka kaya muna?"
I raised my arm and smelled myself.
"Hehe. Siguro nga po, sige po salamat. Ingat po kayo."
"Makapagsabi na maligo ako, siya rin dapat!"
Bumalik na ako sa bahay, at gaya ng dati nasa sala silang lahat at si kuya Gio naman ang nasa kusina. Tahimik akong pumanhik sa aking kwarto at nagtagal sa banyo. Nagbabad ako sa malamig na tubig at unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa naramdaman kong lumulutang na ang aking katawan sa tubig.
Nagising na lamang ako sa maraming malakas na katok. Binilisan kong umahon, nagsuot lamang ng bath throbe at binuksan na ang pinto.
"Bakit 'te? Pakibilisan na lang at magbibihis pa ako." nakaharap na ako sa cabinet habang nagsasalita.
"Okay, uhm, may bisita ka. Heto siya oh."
"OHMYGAHD! Ate, bakit hindi mo agad sinabi. Sa baba na lang." and then I banged the door close.
Naghanap ako ng damit na maayos-ayos, isang maluwang at manipis na cotton long-sleeved at pajama na pinutol hanggang tuhod at agad nang lumabas.
"Gayle." tawag niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Status : Complicated
ChickLitThat SIMPLE status that changed everything COMPLICATED. "Ako man ay nagmukhang talunan sa harap nila at para sa iba, hindi naman plastik ang ugali ko na katulad nila."