Status #33.33 --- Jack's III

15 1 0
                                    


---
"It's not that I don't care, I just want her to be strong, and learn from her own mistakes. I will never not love that girl."
---


Dalawang oras ang makalipas ay natapos na kami sa pagdidiskusyon tungkol sa finals pero hindi pa din siya dumadating. Hindi siya sumasagot, hindi rin nagtetext. Hindi ko na rin natiis na huwag magtanong kung nasaan ba siya. Napabuntong-hininga na lamang ako nang wala rin silang naibigay na sagot.

Tumigil na ako sa pagtext sa kaniya pero hindi ako tumigil na mag-alala. Alas-singko na, may isa pa akong natitirang klase, at classmate ko siya dito. Matapos kong palipasin ang buong araw na wala siya sa tabi ko; na mag-isa akong naglunch, mag-isa akong nagpalipas ng vacant-period, at mag-isang nag-iisip kung totoo yung nangyari sa amin kagabi, sana naman makasama ko na siya ngayon.

Pagkatapos ng klase ay diretsong uwi na ako. Hindi ako makapag-concentrate sa klase at wala akong kwenta ngayong araw sapagkat buong oras lang akong nag-abang sa kaniya sa pintuan. Hindi na naman siya dumating, hindi ko pa siya nakikita ngayong araw. Pagkarating ko sa bahay ay nakasalubong ko si Heidi na palabas ng gate.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Sa palengke, bibili ako ng mga gamit para sa props and design para sa mock restaurant natin. Sama ka?"

"Magdidilim na, bakit hindi na lang bukas?"

"Para makapag-umpisa agad tayo sa paggupit at pagfinalize ng designs bukas ng umaga."

"Wala ka bang makakasama?"

"Meron. Yung mga girls tsaka si Robert."

"Kasama si Gayle?"

"Hindi eh. Busy siya, nagrerevise ng book report para sa case study niya. Katatapos lang niya kaya magreport kanina. Biglaan, kaya siguro hindi siya nakapagpaalam sa atin."

May huminto ng tricycle sa tapat namin.

"Hindi ka ba talaga sasama?"

"Nasaan ba si Gayle? Puntahan ko na lang siya baka sa kaniya ako makatulong."

"Hindi ba kayo nagkita sa school? Nasa library siya eh, may nagsabi lang sa akin bago ako umuwi. Baka nakauwi na rin yun ngayon. Sabihin mo na rin na magbigay ng oras bukas sa pagtulong para walang masabi yung iba. Okay?"

Tumango ako at pinaalis na niya yung tricycle.

Pumasok na ako at tinanong yung kasambahay kung may luto ng hapunan. Dadalhan ko siya. Hindi pa daw tapos pero malapit na. Habang naghihintay ay nag-ayos muna ako, naligo at nagsuot ng maayos-ayos na pambahay, at hinanap ko din yung libro tungkol sa pagsusulat ng thesis, at pati na rin yung laptop ko ay dinala ko na din. Dating laptop ni Heidz ito eh.

Humiga muna ako, at ilang minuto ang lumipas ay tinatawag na ako ng kasambahay. Bumaba na ako at nakahanda na ang mga container para bitbitin. Nagpaalam na ako at nagcommute na lang papunta sa kaniya. Habang nasa daan ay sinubukan ko siyang tawagan, at nakahinga ako ng maluwag dahil sa pagsagot niya.

"Hey. Hello. Nasaan ka? Papunta ako ngayon sa apartment mo eh. Diyan ka na lang, may dala akong pwede mong gamitin. Huwag ka nang pupunta sa computer shop."

The Status : ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon