Status #6 --- Road Trip

77 1 0
                                    



"I hate waiting. But if waiting means being able to be with you, I'll wait for as long as forever to be with you."



Imbes na magreview pa ako sa loob ng fifteen minutes ay lumabas na lang ako. Hindi rin ako makapagconcentrate, disturbed ang utak ko eh.

I checked the time,  limang minuto pa lang ang lumipas pero pakiramdam ko parang twenty minutes na kaya naisipan kong bumaba na lang.

"Saan ka pupunta?" tanong niya. Nasa pintuan siya ng kabilang klasrum nakasandal. 

Itinuro ko lang yung papuntang hagdan.

"Bakit hindi ka nagrereview?" he sounds concern but I disregard that thought.

"Bababa lang po ako." tatahakin ko na sana ang hagdan pero iniharang niya ang braso niya.

"Saglit lang. Bakit ang sungit mo?"

"Wala."

"Bakit nga...?"

"Umm.. excuse me po sir..." at may isang estudyante na sumingit.

"Yes?" at tumingin siya sa akin.

"Excuse, sir." sabi ko lang at bumaba na.


Hmpf!

Hmpf!

Hmpf!

Nakaka-INIS AH!!


Nagpalipas lang ako ng ilang sandali para kahit papaano ay relax ang pakiramdam ko at maayos akong makapag-quiz.

*breath in, breath out*

I check my watch again, and it's only about time for the quiz to start. Hindi ako nagmadaling umakyat para hindi ako hinihingal pagdating ko doon; and because of that, I am late for five minutes.

As I enter the classroom, I looked at him. He's giving me mad looks so I mouthed 'sorry'.

Babalikan ko sana yung upuan ko sa likod pero it was already occupied, and the only seat remaining was in front of him.

This. Is. Hell. This. Is. Awkward!

Madalas pa akong mapakamot ng ulo at matulala dahil nga hindi ako nakapagreview ng maayos. Madalas ko din siyang mahuli na tumitingin sa akin, nakaka-conscious tuloy.

Ang tagal pa ng oras. Gusto ko ng i-pass wala na kasi talaga akong mapiga sa utak ko, pero wala pang nag-pa-pass. Nakakahiya kayang mauna, lalo na sa lagay ng papel ko ngayon kaya huwag na lang muna.


"Time's up!" narinig kong sigaw kaya nagulat ako at nagising ako. Nakaidlip pala ako kakahintay. "Pass your papers and you're now dismissed."

"Mag-usap tayo huwag ka munang aalis." mabilis na sabi niya pagkapatong ko ng papel ko sa kanyang table. Kaya nagslouch ako at naghintay.

Naisip ko rin, baka may masabi itong mga kaklase ko kaya lumabas na muna ako at doon na lang siya hintayin. Mabuti ring magpahangin muna ako sa tapat ng bintana.

I closed my eyes, and relax until I felt a phone vibration in my bag. Pinapapasok na niya ako ulit.

Pumasok ako silently at umupo sa harapan niya, informally.

"What's your problem? Kanina ka pa masungit."

Ipinatong ko ang ulo ko sa desk at itinakip ang dalawa kong braso sa aking mukha.

The Status : ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon