Status #15 --- Their Promise

44 1 0
                                    


"I wish I didn't care about anything. But I do care. I care about everything too much."



Two weeks na ang nakalipas, at one week na kaming diretsong magkasama. Kumpleto na kami as group of friends, naghihintayan tuwing kakain at tatambay, sumasama na ako para kahit papaano ay makabawi at makibalita na rin sa kanila; madalas na rin akong lumiban sa aking mga klase para lamang sumama at wala na akong ma-missed na balita. Balik-normal na kami, tawanan, kuwentuhan, at masaya lang.

 I always comfort them, because they broke down easily with petty problems. This is my worth as a friend. Kinausap ko na rin si Corin, but I never told them my problem. I never got a chance, no, I would have but I think, they're not ready to hear mine. Nevertheless, I'm fine, not totally but at least kaya ko naman nang tumawa. With them.

But everytime I was left alone, nararamdaman ko na parang may mali eh, ako lang ba ito o sadyang may itinatago sila sa akin? I am just over thinking things, I guess. And... I hope so...


"Hello." Bati ng isang estudyante. "Puwedeng makishare ng mesa?"

"Walang problema." maikling sagot ko at agad ding ibinalik ang aking tingin sa librong aking binabasa. Ngunit nakita ko pa rin sa ibabaw ng libro na may tinawag pa siyang kasama niya. Naupo sila sa tapat ko.

"Salamat ha." tumango lang ako bilang sagot, na animo'y nagtataray pero nakangiti. "Ikaw si Gayle, 'di ba?" tanong niya at ako naman ay tumigil muna sa pagbabasa at tumango ulit. "Edi, kaibigan mo sina Meann Gonzales, Hanilyn Dizon atsaka si Corin Yllana?"

Sasagot na sana ako ng "Oo, pati si Nicolette Nacpil." Pero biglang nagsalita yung kasama niya at may ibinulong. Medyo malakas ang pagkakabulong at hindi naman ganun kalapad ang mesa kaya't dinig na dinig ko.

"Hindi pare, ang alam ko magkakaibigan sila eh. Madalas ko nga silang nakakasalubong na magkakasama." pangongontra naman niya.

"Hindi pare," paninindigan naman nung bumulong. Lumingon muna siya sa akin at sumenyas ng 'excuse us'. "Hindi pare, hindi sila close. Siya yung kinukwento nila na backstabber, kuripot at madaya. Kaya imposibleng magkaibigan sila."

"Sigurado ka ba diyan, Philip? Mukha naman siyang mabait ah."

Patuloy pa rin silang nagbubulungan animo'y walang tao sa harapan nila, para silang mga babae kung makapagchismisan. At ang higit pa, nasa library kami.

"Sigurado ako p're siya yun. Paulit-ulit pa nga nilang kinukwento eh, dahil paulit-ulit daw niyang ginagawa yung mga yun kahit pinagsasabihan na siya."

Ayaw ko sanang makinig pero ang lakas ng bulungan nila, kaya't hindi ko na lang ito binibigyang pansin. Baka naman kasi ibang tao yung tinutukoy nila. Imposible kasi na manggaling sa mga kaibigan ko yung mga salitang kagaya nun, wala naman akong ginawa sa kanila, nililibre ko pa nga sila, kinakausap ko naman na sila at binibigyan ko sila ng halaga. Hindi ako yan.

"Ano daw bang pangalan nung kuripot at madaya na yun? Baka kamukha niya lang, p're."

"Ang kulit naman ng lahi mo, siya nga yun sabi eh. Gayle Mendoza ang pangalan."

And that is literally a breaking news! My shoulders went down and tears are starting to form on the corner of my eyes but I hold them back up. I'm breathing heavily, I can't speak, and it looks like the whole ceiling fell down on me. But I want to speak, I want to be strong and pretend I didn't hear anything.

"Uhm, excuse me lang ha, this is my table. Could you just, please, find another seat?" I managed. "As in, now na?!"

I hope that was strong enough to blow them. Wala silang karapatan para sirain ang pagkakaibigan namin. At... Hindi ako naging handa sa narinig ko... Ang sakit!

The Status : ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon