---
"I don't need any luxurious living, I just need my Gayle. I'll take care of her no matter what it takes."
---Matapos kong sabihin lahat ng gusto kong iparating sa kaniya ay naramdaman kong uminit dito sa loob ng sasakyan. Tumahimik din ang aming paligid, at walang gustong bumasag ng katahimikan. Ayoko nito, ayokong naririnig ang tibok ng sarili kong puso.
"Let's start over?" biglang tanong ko nang hindi na nag-isip para lang mabawasan ang katahimikan. Kaya binawi ko agad.
"Start over? Hindi naman pwede yun." sagot niya. Mabuti na lang. Nakahinga ako ng maluwag. "Ang mas maganda eh..." humarap na siya sa akin sa wakas at nakangiti pa. Bonus pa yung paglapit niya sa akin para abutin ang aking kamay. "Let's just start... Let's start to become lovers, and be over with only friends."
Hindi ko naintindihan agad ang kaniyang mga sinabi pero nung ngumiti siya at kumislap ang kaniyang mga mata ay akin nang naintindihan. Tama, tama ang aking narinig. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kaniyang kamay, parang ayaw kong bitawan habang nalalasing ako sa kaniyang mga tingin. Walang mapagsidlan ang aking kasiyahan. Yung puso ko na ang bilis ng tibok, yung sigaw na gustong kumawala at...mga bagay na hindi ko na kayang maipaliwanag pa ay aking nailabas nang mayakap ko siya ng mahigpit at nang bigyang daan niya ako para mahalikan siya ng madiin sa kaniyang labi. This is heaven, my Love!
Hindi ito ang unang pagkakataon na magtagpo ng ganito ang ming mga labi pero iba ang pakiramdam namin ngayon. Sa pagkakataong ito, itong bawat segundo na magkadikit ang aming mga labi ay walang ibang ibig sabihin kundi pag-ibig at rurok mg kasiyahan. Nararamdaman ko rin sa kaniyang bawat paghinga, at kumpas ng tibok ng kaniyang puso na sang-ayon at iisa ang nararamdaman namin ngayon. Itong mga halik namin ngayon ay kandado at selyado na kami ay opisyal na. This kiss is a security to our feelings, and a seal to my promise that will never be broken.
"Tama yung narinig ko, 'di ba?" agad kong tanong nang maghiwalay ang aming mga labi habang naghahabol ng hininga.
"Ano ba'ng narinig mo?" balik-tanong niya na may kasamang ngiti. Nginitian ko lang din siya at binigyan ng mabilis na halik sa labi.
"I love you, Gayle."
Ini-start ko na ang sasakyan at muling mahigpit na hinawakan ang kaniyang kamay.
"Oh." biglang sambit niya pagka-atras ko ng sasakyan. "Pansinin mo yung pangalan ng karinderya."
Huminto ako saglit at binasa. "Honey's Bakery and Carinderya... Ano'ng meron?"
"Hindi mo ba gets?" medyo iritadong tanong niya. Umiling ako; at muli kong pinaandar ang sasakyan sa direksyon na pabalik ng aming bayan. "Honey? Ba—kery? Bee–kery? Ho-ney-bee-kary... Slow, honeybee. Kainis ka."
Napangiti lang ako at pinisil ang kaniyang kamay. "Gets ko, gusto ko lang na ikaw ang magsabi."
"Sinungaling. Hindi mo yun gets, never mo kaya nagets ang mga joke ko." sabi niya at mas lumalayo sa akin, kung may ilalayo pa siya. Napapangiti at natutuwa ako sa kaniya sapagkat medyo maayos na amg pakiramdam niya.
Hinawakan ko lang ng mahigpit yung kamay niya gamit yung kanan kong kamay at nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho.
"Jack," mahinang tawag niya sa akin. "Uhh, first girlfriend mo ba si Samantha?"
BINABASA MO ANG
The Status : Complicated
ChickLitThat SIMPLE status that changed everything COMPLICATED. "Ako man ay nagmukhang talunan sa harap nila at para sa iba, hindi naman plastik ang ugali ko na katulad nila."