Status #23 --- She Stronger

29 1 0
                                    



"Kahit anuman ang pagsubok na dumating sa akin, ipagpapatuloy ko pa rin itong plano ko, itong pangarap ko. I will make this dream my reality, kahit gaano man katagal ang panahon na aking gugugulin."



Sa gulat ko, nabalikwas ako sa pagkakahiga kaya't bumangon na lang ako at naghugas ng mukha.

Grabe ka, Gayle. Anong klaseng panaginip 'yon?! Traydor ka. May paluwas-luwas ka pang nalalaman, siya rin pala ang laman ng panaginip mo!

"AAARGGGH!!!" sabunot ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin at pinagmamasadan yung stressed kong mukha, pero hindi mo rin mawari kung ano nga ba sapagkat parang may halong saya pa rin sa aking aura. "P****mas naman Amarysse, kailan ka makakamove on niyan?! AAAAAH! I can't deal with this! I don't know how to deal with this mess."

With one last shout at paalala sa sarili, I finally gone out off the bathroom and keep myself busy with my planner and portfolio at my small dining table until I fall asleep. Again.

I just knew that I fell asleep here when Papa has arrived and woke me up.

"Pa? Ano po ginagawa niyo dito? Hindi kayo natuloy sa flight ninyo?"

"I cancelled it. I forgot some errands here, and they just sent me a message to vacate this place coz they're planning to renovate it asap."

"Ganun po ba? Ngayon na daw po ba?"

"Kung pwede daw, mas gusto nila. I cancelled my flight just to help you pack up, my dear, coz I really need to be there." halatang nagmamadali si Papa coz while he's saying that, inilalabas na niya yung mga kahon.

We started getting our things on the boxes lalo na yung mga bagong bili ni Papa na gamit for me. This is a waste of time and effort for me kasi I just stayed the night, just unpacked my bags, and now I'm packing them again. What a nice trip this is for me.

"Pa?" tawag ko kay papa mula sa kwarto nang matapos ko na ulit i-impake ang mga damit ko. "Ito pong mga libro niyo dito sa shelf, saang kahon ko po isasama?"

"Kung may magustuhan ka sa mga libro, kunin mo na pero yung iba sa isang kahon lang, ako na ang bahala."

Books, old journals, magazines at isang lumang photo album. Sorry pero pinakealaman ko yung photo album; it doesn't look like too old parang kasing edad lang ni papa and it contains college pictures. Him with his friends, so happy and real. Tapos big group of friends pa sila; pictures of them having a good time, doing their projects, and even ordinary days at school they look so happy. And it breaks me.

"Oh? May problema ba anak?" tanong niya at tinabihan ako sa pagkakaupo sa kama.

Isinagot ko yung usual na palusot, "Wala Pa, maalikabok lang po."

"Rysse naman, hindi mo na ako madadaan sa palusot. Ilang beses nang nasabi sa akin yan ng Mama mo." I laugh at that. "You miss your friends? College? O baka si Miguel?"

"Hindi po Pa. Neither of those." Sinarado ko na yung photo album at ibinigay kay Papa. "Nakaramdam lang po ako ng pagsisisi dahil I didn't choose wisely enough kung sino ang pakikisamahan ko dapat since I started college so this has happened to me." Itinuloy ko ang pag-aayos at muling nagsalita, "Tungkol naman po kay Miguel," napatigil ako sapagkat may kurot pa rin sa aking puso tuwing nababanggit ko ang pangalan niya. "Opo Pa, miss ko siya pero wala po eh, ayoko nang mahirapan so I broke up with him. And I'll try my best to forget him."

"Anak, huwag kang mag-alala. Ang isipin mo na lang lahat ng nangyayari sa buhay natin may dahilan at magtiwala tayo na ang lahat ng ito ay gagawin tayong mas matibay, matapang at matatag, lalo na ang tiwala natin sa sarili natin." niyakap ako ni Papa. "At tiwala ako na malalagpasan mo ito Rysse. Anak kaya kita!"

The Status : ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon