Status #25 --- She's So Fragile

26 1 0
                                    

"The reason behind my happiness is the same reason behind my sadness; and that is why I am so torn,  I'm confused to what I am,  and to who I am. I cannot!"


Matapos akong ilabas sa ospital ay nakapagpahinga pa ako ng ilang oras sa bahay nila Heidi, na... na kung saan din pansamatalanag nanunuluyan si Jack. There will  be nothing more awkwardness than this; my whole body, soul and spirit are going crazy for this situation. I really really really want to go home at doon nalang ako sa boarding house ko magpahinga pero ayaw nila, more on ayaw ni Heidi lang pala.

"Heidz," tawag ko sakanya habang ako ay nakaupo sa kanyang kama, at siya naman ay naghahanap ng maayos na maisusuot mamaya, "Uwi na lang ako... Kasi maghahanda rin ako ng isusuot ko; tsaka kukuha rin ako ng utensils na pwede natin gamitin mamaya."

"Hay nako Gayle, no more excuses. We have it all, tsaka pati yung isusuot mo handa na. Yun nga lang, sapatos at medyas ang wala."

"Uwi na ako." Pagpupumilit ko. "Daanan niyo na lang ako sa boarding house. Sige na..."

At ekasaktong bago niya ako sabunutan sa aking pagpupumilit, ay may kumaktok sa kanyang pintuan.

"Swerte mo." sabi niya, sabay irap pero may kasamang ngiti.

Habang binubuksan at sasalubungin niya yung kumatok ay tumayo na ako  mula sa pagkakahiga upang sana ay mag-ayos para makauwi pero bigla naman niyang hinila yung buhok ko mula sa likod. "A-a-araaaaay ko naman! Grabe ka parang mag-siCR lang eh." palusot ko.

"Ah. Sorry naman, akala ko kasi tatakas ka." Kamot-ulo niyang sagot. "O kumpleto na pala ang susuotin mo eh." at hinagis niya sa akin ang sapatos at medyas na binanggit niyang kulang.

Tinignan ko ito at hindi ito yung akin, talaga bang kailangan na huwag akong umuwi para bilhan pa nila ako ng bagong pares ng mga sapatos at medyas? Tinignan ko si Heidi na may mga nagtatanong at nagtatakang mga tingin.

"Para sayo yan. Huwag ka ng magtaka dahil hindi naman kami pwedeng pumasok sa boarding house mo ng basta-basta kaya inutusan ko na lang si Jack na bumili. Isuot mo nga tignan natin kung kasya."  yung kaninang plain lang na nagsasalitang Heidi ay biglang naging excited. Sinuot ko naman ito, aba, sakto naman, saktong-sakto. Never kong nabanggit ang size ng paa ko kay Jack pero siya itong madalas pumansin na maliit ang paa ko para sa aking edad.

"Oh kumpleto ka na, tara na't maghanda ka na para maaga tayong makapagpa-attendance." sabi ni Heidi sabay hagis sa akin ng tuwalya. "Jaaaack!"

Napakunot ako ng noo.

"Gayle, iisa lang banyo ko dito sa kwarto eh, kung okay lang dun ka nalang maligo sa baba o pwede rin dun sa kwarto ni Jack?"

Bago ako makasagot ay pumasok ulit si Jack sa kwarto, "Bakit na naman?!"

"Samahan mo si Gayle sa baba para makaligo na, pati ikaw na rin." Uminit yung tenga ko sa aking narinig. "Siyempre sa magkahiwalay na banyo... Sige na!"

Lumapit sa akin si Jack, dahan-dahan sa aking paningin, at bumibilis yung tibok ng puso ko. "Tara?" aya niya sabay abot ng kanyang kamay; hindi ko ito kinuha sapagkat kailangan kong kunin ang iba ko pang gamit. At ng maayos ko ang lahat ay sinundan ko na siya sa kanyang kwarto.

I can understand Heidi to be okay with all of my lies, but Jack. I took him for granted, pretended to loved him and lied to him so many times and he still okay at it. It's not right. I hate myself, he needs to hate me. I need to see that he hates me so that I can feel bad, so bad, that I could hate myself so much and then feel so sorry for myself; para malaman ko kung may pakiramdam pa ba ako, na mahal ko pa rin ba ang sarili ko at kung may karapatan pa ba akong magmahal ng iba sa susunod. I need this para matauhan ako.

The Status : ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon