"Keri lang! Kahit ano pa man ang mangyari sa akin, panghinaan man ako ng loob, madapa man ako ulit, masaktan, at madurog... Laban lang! Dahil darating ang isang araw na matatawa na lang ako at magiging proud sa aking sarili dahil hindi ako sumuko!"
Isa, dalawa, hindi, tatlong linggo ang dumaan nang makabili na ako ng sarili kong cellphone. Nagamit ko yung binigay ni Papa na pera dahil ipinilit niya. The truth is, sinamahan pa niya akong bumili.
At sa ika-apat na araw niyang pananatili dito sa aking tinutuluyan ay paalis na naman si Papa, pero imbes na didiretso siya'ng ibang bansa ay dadaan muna siya sa bahay namin, dun kila Mama. Kaya't pinauwi ko na lang yung ibang kahon. Gustuhin ko mang sumama pero may case study pa akong kailangang i-draft at may exam pa. Nagpaalam na si Papa, and I wish him good luck sa pagsuyo kay Mama.
"AAARHG!" limang oras na akong nakatitig sa aking mga handouts pero hindi ko pa rin naisasa-ulo ang mga ito. Mga termino na kailangan sa pagluluto, mga banyagang salita na hiniram para sa pagluluto at sa pagkain.
At sa anim na beses na akong nagpabalik-balik sa CR upang umihi at maghilamos ay hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa tamang momento para mag-aral. Kaya isinara ko na lang muna ang mga handouts at nagpatugtog. Sana pero may pitong messages ako galing kay Heidi at Ate Jambi.
Una hanggang lima ay galing kay Heidi.
"Girl! Ano gawa mo? Chill tayo dito sa bahay. Tara?"
"Gayle?"
"Huuuy. Tara na. Wala dito pinsan ko."
"Ipasundo nlang kita sa kanya. U want? Punta ka na dito."
"Gayle, Jack ito. Ok lang ba na sunduin kita para kay Heidi? Mapilit eh, pero kung ayaw mo, hindi na lang basta puntahan mo nlang siya sa bahay. Ingat ka."At yung dalawa kay Ate Jambi.
"Fren. Musta?"
"Okay na daw kay boss na subject mo yung TorchedKitchen sa case study mo. Lapit ka lang sa kaniya para sa mga data. Good luck"I said thanks to Ate Jambi and also to see her tomorrow. Pero wala daw siyang shift bukas pati Linggo, naka-leave siya.
And I texted Heidi next, I mean, Jack kasi I guess nasa kanya pa yung phone ni Heidz. "Hi. Do I really need to go there? Hmm, sige na nga do i have a choice? Punta na akong mag-isa dun. Thanks"
I prepped myself up, wore my pink low-cut converse, black shorts and black Palm Dreams shirt. Then I dial her other number.
"On the way na'ko. Wait, magkano pamasahe? Tricycle sinakyan ko eh. ... Eh akala ko minamadali mo akong pumunta jan eh. So magkano nga? ... Mabuti naman, naubos kaya pera ko sayo last time. Takaw mo eh. Sige na.. Sige na, abangan mo ko sa harap niyo. Malapit na sa arko. Sige..."
Good Heidi. Haha siya na raw magbabayad ng pamasahe ko. Eh kasi eight days ago ko lang sila nailibre at ang dami niyang demands, pumuntang arcade, manuod ng sine, magtambay sa food court, at pati madaanan naming street foods ay kaniyang pinapabili. At lagi niya akong tinuturo upang magbayad. Who am I to say no on that day to them at ako naman tung nagyaya sa kanilang lumabas. Nonetheless, nag-enjoy naman ako and at some point, nang maiwan kaming mag-isa ni Jack sa table sa food court ay nalinaw ko na sa kaniya, without any hesitation, ang aking buong storya. At okay, as usual, lang sa kaniya ang lahat at naiintindihan niya ako at tatanggapin niya kung ano man "kami" ngayon. And I said that I am so thankful for the both of them.
Pero nahihiya pa rin ako kay Jack, as much as I can, gusto ko pa rin munang iwasan siya at huwag muna akong maging komportable ulit sa kaniya. I don't have a reason for that pero, for myself na rin siguro.
BINABASA MO ANG
The Status : Complicated
ChickLitThat SIMPLE status that changed everything COMPLICATED. "Ako man ay nagmukhang talunan sa harap nila at para sa iba, hindi naman plastik ang ugali ko na katulad nila."