"I've done this thing, to move away from you, because I love you. I don't want to be a burden, I want to be not dependent on you. I will love myself, as I am, to love you too, as you are."
I've got a new number, kasi mag-iisang oras na akong naghihintay dito sa terminal eh wala pang dumarating na sundo ko. Wala pa si Papa.
"Ate?! Hoy, si Gayle ito. Bakit wala pa si Papa?! Kanina pa ako dito'ng naghihintay ay! Pakibigay number ni Papa, hindi mo man lang siya kinontak para sa akin?!" I'm too tired to make a scene here kaya wala akong magawa kahit inis na inis na ako, ang init-init pa. "Send mo na lang ah, wala ako ballpen na dala, send mo agad pagkababa ha."
Ibinaba ko na pero delayed yata, wala pa ring dumarating na message. Tumawag ako ulit, pero hindi na siya sumasagot..
Gutom na ako. Gusto ko nang kumain pero McDo lang ang pinakamalapit dito. McDo, ayaw ko sana pero I have no choice, gutom na gutom na ako eh.
Pumasok ako with my two bags, normal lang naman siguro madaming bitbit dito, malapit kaya ito sa terminal, no big deal, ayt?
"Good morning ma'am." bati ng security guard, "Mag-isa lang kayo ma'am? Tulungan ko na kayo."
"Salamat po." maikling sagot ko. At nang makaupo na ako, "Hoy, anong ginagawa mo? Bitawan mo nga yan?!" agad kong hinitak sa kanya yung mga bag ko.
Shit! "Sorry po.. Sorry.. Hindi ko po sinasadya kuya guard. Pasensya na po."magbibigay paumanhin ko.
Nakaka-b#$%!#^! Akala ko kasi si Miggy ulit eh, damn it! Bwisit naman kasi eh! Ito ang mahirap eh, when you became so attached to a person, when everything around you was all about him, and then you broke up, ikaw yung mahihirapan. Lahat ng nasa paligid mo akala mo kasama mo pa siya. Ang hirap magsimula ng panibagong "wala-siya."
"Ate?!" I called her again. "Nahihirapan pa rin ako, nakikita ko pa rin siya.. Pakikontak na si Papa para masundo na ako dito, please.. Baka mas malala pa ang mangyari sa akin dito, baka mapaaway na ako. Please Ate, please.."
"Relax ka lang Rysse, hingang malalim, buga ng malakas, kaya mo yan. Malapit na si Papa."
"Pakisabi nandito ako sa McDo malapit lang sa terminal.."
"Okay sige, ingat ka diyan. Huwag kang masyadong mag-isip, malayo ka na, hindi ka na masusundan nun. Smiiiile." I smiled like an idiot and then ended the call, I'm really hungry.
Nag-aalangan akong iniwan ang aking mga gamit sa table upang makapag-order ng makakain, sapagkat ang tagal pang dumating ni Papa.
"Hello ma'am, what's your order?"
"Uhm, sorry." Nag-iimagine na naman ako. "Chicken sandwich meal and apple pie."
"How about yor drinks Ma'am?"
"Orange juice, please."
"Dessert, ma'am? Sundae or McFlurry?"
"NO!"
"Okay, I'm sorry ma'am. One-hundred and seventeen pesos po lahat."
Inabutan ko siya ng dalawang daan at nag-sorry na rin sa kanya. I didn't mean to raise my voice like that, nabigla lang ako sa narinig ko, dahil hindi ko iyon nagustuhan.
Bumalik ako sa aking table at salamat sa Diyos dahil kumpleto pa ang mga bag ko. But then my phone rang.
"Hello? Opo, ako nga po ito. Saan na kayo? Nandito pa rin po ako sa McDo, kumakain pa lang po. Sige po, Pa, I'll wait here... I miss you, Pa."
BINABASA MO ANG
The Status : Complicated
ChickLitThat SIMPLE status that changed everything COMPLICATED. "Ako man ay nagmukhang talunan sa harap nila at para sa iba, hindi naman plastik ang ugali ko na katulad nila."