"Hindi ako makasarili, hindi ko lang kinayang magtiwala ulit kaya't nangyari ang lahat. Inisip ko lang naman ang sarili ko ngayon sapagkat simula't sapul pa lamang ay mas iniisip ko ang iba."
"Oh! My god." I burst out, and I didn't realize na nakatitig ako sa picture niya. "I didn't know that I'll miss you this much, Miggy... Kamusta ka na? Miss na kita, namimiss mo rin ba ako? Nag-aalala ka ba sa kalagayan ko ngayon? Do you have any regrets na hindi mo ako pinaglaban? Kasi ako nagsisisi na. Hindi ko naman ginustong lumayo sa'yo, it's the time and people surrounding us ang hindi sang-ayon. I really miss you, and... I still... need you." Nang maramdaman kong tumulo ang aking luha, bigla kong napagtanto na kailangan kong magpakatatag. At higit sa lahat, naalala ko si Jack at hindi ko maitatago itong mga katotohanan sa mahabang panahon, and also the fact that I'm still in love with Miggy.
Oh, speaking of Jack. I rush off at the nearest socket to connect the charger to the phone. I don't want to prolong these secrets to Jack, mabait kasi siya, and sincere kaya I really need to tell him the truth. I waited for the phone to have enough power to make a call. For the meanwhile, I'm practicing silently how to tell him and what words should I use para hindi siya masyadong masaktan at maging magkaibigan pa rin kami pero wala eh, lahat ng naiisip ko ay pwede pa ring makasakit sa kanya... Dahil masakit talaga ang paglihiman ka.
I check on the phone, "My God! Ang tagal magcharge." naiinip na ako at hindi mapakali. I'm still thinking about what to say to Jack. Jack... Jack, I'm so sorry.. And I was then awaken by the strong vibration on my bed.
"Hmm?" sagot ko, eyes are still close. "Sorry, wait lang... Nahihilo ako." Damn it! I'm not kidding. Sobrang sakit ng ulo ko, at para akong umiikot. What the hell happened? "AAAAAH!"
For now, I ended the call at humiga ulit ako ng maayos habang pinapakalma ang aking pagkahilo at unti-unting umuupo't sumasandal sa headboard ng kama habang nakapikit pa rin ang mga mata. Ano ba ito, biglang nagising o mali lang ang pagkakabangon?
After a while, when I'm feeling better now, I dialed Jack's number. And obviously nag-aalala siya, and saying things so much. "Huwag ka nang mag-alala, okay na ako..Nabigla lang siguro ng gising, sorry.."
"Sigurado ka ba diyan, Love, okay ka na? May meeting pa tayo mamaya para bukas." he said. And he's talking about the cooking exam. "Better get ready na, sunduin na kita to make sure that you're alright."
"Okay." short reply ko lang, and I started doing my daily routine. I took a bath first before eating breakfast to make me feel a little better. But unfortunately, I don't feel any better. Tinatamad akong pumasok, at ang bigat ng aking nararamdaman. Pakiramdam ko nga parang may kailangan akong gawin at hindi ito sa academy. Ayokong pumasok, and I have a feeling I shouldn't see Jack today. And I can't figure why. "AAAwww." sinusubukan kong alalahanin pero mas sumasakit ang ulo ko. Sa kabila ng sobrang pagsakit ng aking ulo ay sinubukan ko pa ring magbihis at kumain ng almusal, isang pirasong cracker lang.
I am ready to go and just about to wear my shoes but I stopped; I lay down for a second to breathe, "Damn. Tinatamad akong pumasok." sabi ko sa sarili ko at nagulat na naman ako sa katok sa aking pintuan. I open the door weakly.
"Hi." bati ko. "Sorry Jack ha, naabala ka pa."
"Ano ka ba? Okay lang, Love, basta ba para sa'yo I'll do anything. Binilhan na kita ng gamot at energy drink. Ready ka na ba?"
"Thanks Jack." sabi ko, at tinanggap ang kanyang mga ipinamili para sa akin. "Thank you... Pero I just want to stay at home muna. Nagprepare na ako pero hindi pa rin maganda pakiramdam ko eh, hindi nalang ako papasok. Give me notes na lang kung ano ang ipreprepare bukas."
Lumapit pa siya sa akin lalo at niyakap ako.
"Okay sige. Magpahinga ka. Puntahan ulit kita dito pagkatapos ng meeting, mga alas-siyete na siguro. At magdadala na rin ako ng hapunan para hindi ka na magluto. Magpahinga ka na lang, ha." He sincerely said and then he leave a kiss on my cheek, "Love you..." and finally leave my place.
He's so sweet. What am I gonna do to pay back the love he is giving me? How??! I don't know how to love. I am afraid.
Bumalik ako sa pagkakahiga pagkatapos inumin yung gamot para sa sakit ng ulo at ako'y nakatulog. Pagkagising ko akin nang narealize kung ano ba dapat ang aking gawin, pero nagtatalo ang aking isipan. I don't want to hurt Jack. Hindi bale nang ako ang mahirapan sa mga pagsisinungaling na ginagawa ko at tanggapin nalang ang mga consequences kaysa naman mawala si Jack sa akin nang nasasaktan ang damdamin. But... That's the consequence of the former. Damn it! So complicated.
I don't know what to do so lumabas ako at pumunta ng computer shop to take a chance to talk to Ate. I chose the computer shop opposite to the direction of the Academy, just to be not seen by Jack. And then I sat on the farthest part of the shop. I have an hour to talk to Ate.
I open my email and compose some message to her, she's not online but says she's active 3hours ago.
"Ate. Hello, kumusta na jan? Siya nga pala, I don't have a phone na and natangay pa yung laptop ko ng magnanakaw sa bago kong tinitirahan. Hindi ko na sasabihin kung saan coz I'm good here. Wala naman nangyaring masama sa akin, sa awa ng Diyos. Yun nga lang, may isa akong problema eh, NAMIMISS KO SIYA, sobra lalo na't nakakita ako ng picture niya. I want to hug him. Pakihug nga siya for me, just kidding. What should I do?
Anyway, I miss you, ang bahay, si Shyra, lahat kayo. Yeah, but I want to be here also. Bye, see you soon." I sent it to her. Tapos ilang seconds pa lang ang lumilipas she's online, at agad naman akong nag send ng request for a video call. I've been waiting for minutes for her to answer pero ayaw niya sagutin. Ilang beses ko pang inulit, mga tatlo na, at sa wakas, sa aking panlimang ulit, sinagot na niya.
"Hi Ate!" pambungad ko. "Akala ko di mo sasagutin eh."
"Bakit ka napatawag? Wala kasi ako sa bahay eh."
"Nasaan ka ba? Mukha namang nasa bahay ka eh, kaninong bahay yan?"
"Basta. So anong kailangan mo? Busy ako eh." after she said that, may tumatawag sa kanya, boses ng lalaki.
"Ate naman, kailangan ko ng makakausap. Please, kahit sabihan mo lang ako ng kahit anong wisdom thoughts. Ate..." nalulungkot ako, kasi siya lang yung matatakbuhan ko sa ngayon tapos tinatalikuran na niya ako.
"I'm sorry, Rysse. I can't, right now. May kailangan pa kaming gawin. Sa ibang araw na lang. Sorry." Ibinaba na niya, and I'm now staring at the monitor habang pinipigilan ang aking pag-iyak.
"Damn it! I hate you! Wala nang nagmamahal sa'yo, Gayle. Nag-iisa ka nalang, so gawin mo na lahat ng gusto mo. Wala nang may pakealam sa'yo eh. It's been all their fault kaya ka pala nagkakaganyan eh, you don't feel loved and cared." sabi ko sa sarili ko.
After a while of recovering, may thirty minutes remaining pa ako on my time, nag message lang ulit ako sa kanya telling how hurt I am, kung gaano ako ka-disappoint sa kanya sapagkat siya lang naman yung alam kong matatakbuhan ngayon, so i said I hate them, at hindi yung pagtrataydor na ginawa sa akin pala ang dahilan kaya ako umalis doon, sila pala ang dahilan, that they don't love me, they never cared for me, and i ended it with a thank you anyway.
Pagkasend ko nung message, may panibagong notification, Corin poked me and there's a message from her. I ignored it, and treated it as a spam. I also hide their profiles para hindi ko na makita ever they will have an updates. I feel relieve somehow after I did those. Haha 😈
With my remaining time, I searched Miggy's page. He haven't changed his displayed photo, and his pinned photo is still the same, our photo when he proposed to me to be his girlfriend. "Oh I miss you! I really do." sabi ko without hesitation whether where I am right now. Pakiramdam ko kasi I needed to say it out loud to release my frustration and deep sadness. But what I didn't expect was that someone behind me.
Bukod kay kuya na tagabantay ng shop, to warn me, ay may isa pang lalaki sa likod ko. And yes, it is Jack. He's glaring at me and at the monitor na bigla nang namatay, because of the timer. Tumayo na ako at naglakad papunta sa table ni kuya at nagbayad. Jack, kahit hindi ko na sinabihan, he followed me palabas. I can still feel his bad aura. Masama loob niya at hindi na ako magtataka kung bakit.
"Jack." I started. "I have something to tell you... I am sorry I shouldn't have done this pero hindi ko na napigilan eh. I should have stop you in the first place but I've done nothing. I'm so sorry."
I looked at him, and instead of seeing an angry face, I saw an uncertain look from him. I continued, "The man you saw in the internet, in the monitor earlier, to whom I said, if ever you heard it, was my ex, my first love, and I... Still... Love him." Naiiyak na ako pero walang luhang tumutulo. "Sorry talaga..."
"Ano bang pinagsasasabi mo? Lika nga dito." he pull me closer to him at niyakap niya ako. "Okay lang. Hindi naman ako galit eh, wala sa akin yun. Huwag ka ng malungkot. I love you."
I don't know if he's only saying that kasi nasa public kami, na kinokontrol lang niya yung galit niya or he's really serious na wala lang talaga sa kanya. Nevertheless, I still want him to know the truth so I push myself gently from him, "Hindi Jack eh, hindi mo naiintindihan. Mali na ito, mali na itong ginagawa ko sa'yo. I want you to know the truth. Please listen, and I will ask you a favor, please hate me as much as you can kapag nalaman mo na kasi I deserve it."
Nagtataka pa rin siya pero somehow, nagkaka-ideya na siya kung ano ang aking sasabihin. Kaya't huminga na ako ng malalim para ihanda rin ang aking sarili, at ang aking mga sasabihin. I was about to speak the first word until he stopped me.
"'Di ba may sakit ka? Bakit ka pa lumabas? I-uwi na lang muna kita para makapagpahinga ka na. Pagod lang yan. Tara na.." What the heck, Jack?! You are so nice, what in the hell I've done to you? You are so nice paano kita nagagawang lokohin? So right now, mas lalo kong kailangan nang sabihin ang katotohanan dahil matagal na kitang nasasaktan, at baka mapunta na ako sa impyerno nito. Habang nag-iisip hindi ko na namalayan na naglalakad na kami pauwi at akay-akay niya ako sapagkat para akong lantang gulay lalo na ang aking tuhod. "Bakit ka pa kasi lumabas? Ayan tuloy nabinat ka. Dapat pala binantayan na kita eh. Ang tigas ng ulo."
Lunod ako sa pag-iisip ng tungkol sa lahat-lahat kaya't hindi ko nalaman na huminto pala kami sa may botika, naka-ahon nalang akong muli nung inabutan niya ako ng tubig. Tinanggihan ko at agad akong nagpaalam sa kanya na mauuna na ako, hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin agad na akong tumakbo paalis. Tumakbo lang ako nang hindi na inisip kung saan ako pupunta, bahala na kung saan man ako dalhin ng aking mga paa. Pero sa sobrang hina ko, sa sobrang pagkahilo, hindi man lang ako nakalayo at naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa semento.
"Hi." bati niya. "Kumusta pakiramdam mo?" he's really a sincere man, and I'm stupid enough not to see it in the first place that I choose to tell a lie.
"Nasaan tayo?" nanghihinang tanong ko.
"Nasa Hospital Del Valle tayo." maikling sagot niya. Nagpahayag nalang ako na narinig ko siya at tumahimik na ako. "Gayle... Anong nangyari sa'yo? Bakit pinapabayaan mo sarili mo? Dehydrated ka at nadiagnosed na may ulcer ka. Kumakain ka naman diba?"
I turn my back at him carefully tapos umiling ako bilang sagot sa tanong niya. Lumipat siya, ngayon kaharap ko na naman siya. "Bakit nagpapabaya ka? May exam tayo bukas oh, baka bumagsak ka, hindi mo makukuha certificate mo."
With him lecturing me as if he is my dad, I felt guilty, and I deserve something more than this. And that I can't contain it, my tears fell helplessly. He left for a while para bumili ng cup noodles. So I came into a decision na dapat kanina ko pa ginawa bago ako mapunta dito sa ospital.
Inipon ko na ang aking lakas, at huminga ng pagkalalim. Tinawag ko siya, "Jack." Medyo kinapos pa ako ng hininga.
"Jack." agad siyang lumapit iniabot yung noodles. Kinuha ko ito at ipinatong sa lamesa. "Jack... I need you to leave." diretso at matigas kong sinabi. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata.
"Bakit naman? Walang magbabantay sa'yo dito."
"Please leave me now. Ayaw kong makita ka. I don't deserve you, your care, and most of all, your love. I'm so sorry, but I can't return all the favors that you gave me, especially the love that you made me feel. Please leave me now, I don't want to play the game with you anymore lalo pa na ako lang yung naglalaro. Pasensya na..."
Pinigilan ko na huwag umiyak pero si Jack, hindi niya napigilan. Nakatayo lang siya sa tapat ko at umiiyak; samantalang ako, nasasaktan ako habang tinitignan ko siya, sa totoo lang, habang naririnig ko yung mga hikbi niya.
"Jack, I'm sorry but I never loved you." my voice has cracked saying the last words. Sana hindi na niya napansin. "Umalis ka na please. Ayaw na kita makita! Iwanan mo na ako!"
Ayaw ko na siyang makita sapagkat ayaw ko na siyang lokohin, at nakikita siyang masaya habang niloloko ko siya. I hate this! Paano ba kasi ang nangyari at naging ganito ang lahat? Naging ganito ang buhay ko?!
"Gayle naman... How could you..."
"UMALIS KA NA!!!"
Umalis na siya. At pagkaalis niya, ako itong humagulgol sa iyak, yung kanina ko pang pinipigilang luha, umagos na't hindi ko na mapigilan. "I'm so sorry..." sinasabi ko sa sarili sa pagitan ng aking mga luha. I really can't stop these tears from falling, and I can't breathe properly. So I tried, but the more I try to stop crying, the more my heart hurts. Kaya umiyak lang ako hanggang sa mapagod at maubos ang luha.
*end of flashback*Early in the morning, Heidi came in to my room para tulungan akong makalabas na. I ask her kung saan galing yung pera na ipinambayad, I'm glad to hear na hindi galing sakanila. It came from my father na nanggaling dito to visit me. And then I ask again kung paano niya nalaman, she said na naghanap sila ng contact numbers sa mga gamit ko, at nakita nila yung papel na nasa wallet na naglalaman nga ng number ni Papa. So I guess, they already know the truth, that all of my life they knew was a total lie.
"Heidz, pasensya na kayo ha.." I sincerely apologized.
"No worries. Gets kita, girl. Napagdaanan ko na rin yan, trust issues, being emotionally drained, and depression.. We got you, Gayle. You can trust us."
"Salamat." sabi ko at may pumasok na nurse para alisin na ang aking suwero. "Nga pala, how's Jack? Pasensya na talaga ha."
"Huwag mo na siya alalahanin. Ako nang bahala dun."
"Thank you. Sobra."
"O siya, heto pala iluluto natin mamaya." inabot niya sa akin yung compilation ng recipes ng menu namin for the exam later.
"Paanong gagawin natin sa mga ito?"
"Hapon pa naman ang schedule natin so, kaya mo na siguro yan?"
Tumango ako pero alanganin.
At kasabay ng pagbabasa ko sa mga recipes ay kanyang isinasalaysay ang mga dapat at huwag dapat gawin sa cooking exam habang naglalakad kami palabas na ng hospital.
BINABASA MO ANG
The Status : Complicated
ChickLitThat SIMPLE status that changed everything COMPLICATED. "Ako man ay nagmukhang talunan sa harap nila at para sa iba, hindi naman plastik ang ugali ko na katulad nila."