"It is funny how sometimes the people you'd take a bullet for, are the ones behind the trigger."
"HELLO?!" pasigaw kong sabi.
Oops. It was Miggy. "I'm sorry. Papunta pa lang ako'ng venue. Nakakainis kasi eh! I've waited for them here at school tapos nalaman ko na lang na nandyan na pala sila without informing me! Kainis. Sorry ulit ha. Okay... Malapit na rin ako, bye~!"
Though it was my love, hindi pa rin naalis yung inis ko. Nakakainis kasi talaga eh, gutom pa ako! Argh~!
"Beh! Sa dulo kami nakaupo ha, bandang likuran. Wait you here!" text ni Corin. They should guide me, or they could've wait me outside, or anyone of them.
"Pahintay na lang ako sa may entrance, kahit sino sa inyo. Ok lang ba?" i-re-reply ko sana pero biglang may text din si Miggy kaya I cancelled it.
"Hintayin kita sa may left side ng hall."
Bumaba na ako ng tricycle at dumiretso sa left side ng hall at nakita ko nga si Miggy na tulalang nakasandal sa poste ng arko.
Lumingon muna ako sa paligid bago ako tuluyang lumapit sa kanya.
"Hi." I greet him and he hugs me. "Okay, let go. Baka may makakita sa atin dito."
"I just want you to feel all right before anything else." and he let me go. "Bakit kasi masungit ka na naman?"
"Wala. Nainis lang ako sa mga kaibigan ko kasi ang usapan sa school kami maghihintayan at sabay-sabay pa kami sana magbre-breakfast bago mag-seminar pero nauna na sila dito at tingin ko nagsikain na rin sila." paliwanag ko sa kanya na medyo mainit pa ang aking ulo. "Samantalang ako, nandoon at gutom na naghihintay sa kanila."
He holds my hand and drags me to follow him.
"Intindihin mo na lang sila, baka naisip lang nilang dumiretso na dito para hindi masyadong maabala."
"Hindi nga sila naabala, eh paano naman ako?!" singhal ko na nagpatigil sa amin sa paglalakad. "Ako na lang kasi lagi ang umiintindi sa kanila eh.. Paano naman ako, sino ang iintindi sa akin, sino ang makikinig sa akin??!"
He handed me a sandwich and an in-can cold coffee. Nakarating na pala kami sa isang canteen.
"Worry no more, I'm beside you and I can listen to you whenever, whatever and however would that be. You have me Gayle... Forever."
I slightly punch him in his arms and smiled widely.
"Thank you. You never fail to make me feel better. Medyo nahihiya na ako, ah."
"I'm doing this because I love to. Kaya wala ka dapat ikahiya."
"Hindi ka ba magsasawa?"
"Nope. Forever nga 'di ba?"
"Forever."
And a ring from my phone interrupted us from our sweet moment. I answered it.
"Hinahanap na nila ako sa loob. Hindi pa daw nag-i-start yung seminar eh." sabi ko. "Punta na tayo doon, at hahayaan ko na lang din silang magpaliwanag sa akin."
"Tama." and he put a little kiss at the back of my hand. "Tara na, tatawagan ko pa yung speaker."
Hinanap ko kung saan sila nakaupo at pinuntahan ko na sila.
"Oh, nandito ka na. Bakit ang tagal mo?" tanong ni Corin. Hindi ako sumagot, umupo muna ako sa tabi niya at ni Meann.
BINABASA MO ANG
The Status : Complicated
ChickLitThat SIMPLE status that changed everything COMPLICATED. "Ako man ay nagmukhang talunan sa harap nila at para sa iba, hindi naman plastik ang ugali ko na katulad nila."