Status #17 --- It's Official!

52 2 0
                                    



"Sometimes you can't let go of what's making you sad, because it was the only thing that's making you happy. Just one of the ironies of life!"



Damn!

And speaking of betraying, he's now calling me. I turned off my phone and fell asleep until the pilot announces that we're about to land.

I woke up my phone and dialed Marco's number, but he's not picking up.

At the waiting lounge, I saw my name written on a white board holding by I-don't-know-who. I approached him. Hindi sana ako lalapit kung "Gayle" lang ang nakalagay, eh "Gayle Amaryss Mendoza, 20" ang nakasulat kaya pinuntahan ko.

"Miss Gayle, ikaw na ba yan?" tanong niya.

"Ako nga ito pero, who are you?" for security purposes, I should know who he was.  

"Walter po, driver ni Sir Reyes at pinapunta po ako dito ni Sir Miguel para sunduin kayo."

"Salamat po, nasaan po ang kotse niyo?" nahihilo na ako at gusto ko nang matulog ulit.

"Ang dami niyo po palang dala, ako na bahala dito." gulat na sabi niya.

"Kay Miguel ang halos lahat ng 'yan, iniwan niya ako para mayroong mang-uuwi ng mga gamit niya." I roll my eyes.

 "'Yang puting Montero po ang sasakyan." nang pagkaturo niya ay dumiretso na ako doon at nahiga sa loob. Itinulog ko lang ang buong anim na oras na biyahe. Ang hina ng sikmura ko sa mga biyahe eh, lalo na't masama pa ang pakiramdam ko sa lahat ng nangyari.

Alas-otso na nang gisingin ako ni Walter para sabihin na malapit na kami sa aming bahay. Mabuti na lang at sinundo niya ako kung hindi baka hindi pa ako nakakauwi hanggang ngayon.


"Ate!" salubong sa akin ni bunso, at nagmano ako kay Mama.

"May malaking regalo ka sa kwarto mo. Ang ganda-ganda, pwedeng ako na magbukas?" excited na tanong ni Shyra habang sinasabayan akong umakyat sa taas.

"Bumalik ka na nga doon sa baba. Sa akin yung regalo na yun kaya ako ang magbubukas," iritadong sabi ko sa kanya bago ko pa man buksan ang pintuan ko. "Atsaka pagod ako kaya huwag mo akong kukulitin. Heto na lang ang pakialaman mo."

Iniabot ko sa kanya yung padala ni Maya at imbes na ibigay pa kay Miggy ay ipakain ko na lang sa kapatid ko at para hindi na mangulit pa.


Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang kahon, hindi naman gaanong kalaki. Mga dalawang-talampakan ang taas, parisukat at nababalot ng silver at white na papel at may pink pang ribbon. Napaka-elegante ng pagkakabalot.

Tinanong ko ang sarili ko kung kanino ba galing ito dahil walang nakalagay na papel o kahit nakasulat man lang.

"Hmmm..." humiga ako at patuoy pa ring nag-iisip kung sino ang magbibigay sa akin ng ganito kalaking regalo; at bigla ko namang naisip tawagan si Marco dahil baka naghihintay pa rin siya sa terminal.


He picked up, "Hi! Nasaan ka?"

"I'm sorry, bestfriend, hindi na ako pumunta'ng terminal."

"No worries. May sumundo sa akin, kakauwi ko lang."

"Yeah, I know." he knew, but how? "So, how about our dinner?"

The Status : ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon