Status #5 --- Eccentricity

87 1 0
                                    



"Eccentric is what I feel every time I am with you. It's like we already know each other very well, that I feel so contended."



Nag-eenjoy akong kumain kapag tahimik,  pero ngayon hindi. Nate-tense ako, awkward, kasi tahimik din siya at feeling ko lahat tuloy ng galaw ko pinapanuod niya; pati yung ingay ng pagnguya, feeling ko naririnig niya. Nakakahiya.

"Okay ka lang? Just relax, kumain ka lang." malambing na sabi niya. "I won't judge." and he smiles.

"Wala na kasing gravy."

pagkasabi ko pa lang nun ay agad siyang nagtawag ng service at humingi ng gravy.

"Mahilig ka sa gravy?"

"Sakto lang." sagot ko at dumating na yung pitsel ng gravy, nagpasalamat ako. "Nahawa lang sa mga kaibigan ko. Ginagawa nilang sabaw ito eh, kahit sa fries."

Nakita kong kumunot ang kaniyang noo sa kaniyang narinig.

Natawa ako.

"Ang weird ng mga kaibigan mo, weird ka rin siguro?"

I shrug. "Kailangan kasing makisama at sakyan ang trip nila para hindi masabihang KJ."

"You think so? Paano kung hindi mo na kayang makisabay sa kanila, are they gonna accept you as their friend?"

Napa-isip ako. Paano nga ba? Matagal ko na silang kaibigan lalo na si Corin at ramdam ko na tatagal pa ang pagkakaibigan namin kasi we almost share the same thoughts, and we could share to each other our likes and dislikes.

"Sa tingin ko, oo. Hindi man silang lahat ang makatanggap sa akin pero atlis may isa na kaya pa rin akong tanggapin."

"That's awesome. Finish your meal."

Tinignan ko tray niya, tapos na siyang kumain.

"Gusto mo ba ng dessert?" he asks. I'm  thinking. "Pie or sundae?"

"Sundae na lang po." nahihiyang sagot ko.

"Anong flavor ng syrup?" he asks again, and I'm phasing out.

Nakakapressure. Baka may personality test siya about flavors eh.

"Strawberry na lang." yan lang lagi ang unang flavor na naiisip ko pagdating sa flavors, bukod sa chocolate.

Tumayo na siya at inayos ang kanyang polo; and he excused himself.

Inikot ko ang ulo ko para masundan siya ng tingin, pero bigla ko rin ibinalik dahil nagtama ang mga mata namin. Nakakahiya. Nahuli niya ako; pero nahuli ko rin siya.

I grin.

He can't take his eyes off our table as well as my eyes off him, though I can't look at his eyes directly if he's with me.

I finish up my meal at pinaligpit ko na sa isang service crew. Pero imbes na linisin niya lang ay nakipag-usap pa siya sa akin. Nung nalaman niyang pumapasok kami sa iisang university ay sobra ang tuwa niya.

Pagkaalis nung service crew ay siya naman ang dumating dala ang dalawang sundae, at bumili din siya ng fries; at nagtanong, "Sino yun?"

"Hindi ko kilala, pero sa NLU din daw siya nag-aaral." paliwanag ko.
(*NLU=North Luzon University)

"Okay." we both exhale and keep quiet, "Hindi mo talaga kilala?"

Umiling lang ako.

"So kumusta pagiging Accountancy student mo?" bigla niyang tanong.

The Status : ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon