"Loneliness is a choice. Being alone is good for everyone sometimes, and I'm feeling good right now. I am all alone now but I choose not to be lonely."
Being alone for me is a real challenge. My life has escalated quickly from being the spoiled, happy-go-lucky girl, and the girl-who-only-thinks-about nothing because she's dependent to self-nurturing and independent woman. Lalo na't pati yung laptop ko na nag-iisang pag-asa ko to communicate back to my family has gone. Nadagdagan tuloy challenge ko sa nag-iisa kong buhay. Nakakainis naman, hindi ba napansin nung magnanakaw na wala na akong kagamit-gamit, babawasan pa niya. Ang kapal ng face niya, makarma ka sana. Bleh.
All morning that day, I cursed the person who took my laptop, all day actually, kahit nasa labas ako at naglilibot, hindi pa rin nakakamove-on sa pagkawala ng laptop ko. Kung alam ko lang sana na mananakaw yun, hindi ko na sana iniwan yung cellphone ko para kahit papano ay may magamit akong pang-search at libangan. Kainis kang magnanakaw ka! Hayup.
And days after, I'm not move on yet. Ilang linggo lang akong nagkulong sa unit. Ayaw kong iwan itong iba ko oang gamit kasi baka may mawala ulit. Anyway para makalimutan ko kahit papaano yung nangyari, lumabas na ako ng bahay, and I made sure that all the doors and windows are locked; pumunta ako ng school para itanong kung may kailangan bang bilhin na uniform and books. They said yes, I bought the handbook they required from them, and also the uniform. Mahal yung uniform so I only bought one pair. Next thing I realized nasa isang mall na ako.
"What the ... ?! What am I doing here? 'Di bale na nga, maglilibot na lang ako." I just thought. After a while ng paglilibot, naisipan kong mag-grocery, because in just two days my class will start already. I bought instant goods, and snacks to go para may stock ako ng pagkain, and hygiene materials, and some spices I could use when cooking. Habang nasa pila na sa cash register, "Kaya pala dinala ako ng mga paa ko dito. I see." nasabi ko na naman sa sarili ko.
"Good afternoon ma'am. Box or plastic bag po?" bati at tanong ng cashier. She's with a smile but what I notice to her eyes was the opposite. Malungkot at pagod.
"Good afternoon din. Sa maliit na kahon nalang po. Salamat." at binawian ko siya ng masiglang ngiti. Pagmamagandang loob ko, para kahit papaano ay gumaan ang awra niya.
Lumipas ang ilang sandali ay napalingon ako sa monitor, seeing the prices of my goodies, P579.20, *tiiit*, P617.45, *tiiit*, P676.30, ... at tinignan ko yung natitira, may mga sabon, shampoo, at mga panlaba pa. Hala, naparami yata ang bili ko ng pagkain at mga inumin ah. To think na ilang buwan lang ako dito eh.
"Ah, miss..." I stop her for a while, "Paki-una na lang muna itong gatas at mg juice, tapos pakisunod na itong mga sabon." nabigala ako sa paghakot ng mga biscuit at crackers, chocolates at chirchirya.
"Okay po ma'am." sagot niya.
"Pasensya na." pagpapaumanhin ko dahil sa abala. Nasanay kasi ako na kasama si Mama maggrocery o kaya sina Ate at Shyra at kuha lang ng kuha ng kung ano ang gusto dahil dati bukod sa malaki ang budget sa grocery, ay magkakasama kami at madami kaming magsheshare sa pagkain. I miss them anyhow.
"Ma'am," tawag nung cashier, "isasama po ba yang iba?"
"Magkano na ba'ng total?" tanong ko.
"One-thousand, two-hundred sixty three, po." nagulat ako sa narinig ko, at natulala ako for a second.
"Uhh, hindi na. That's enough. Mag-isa ko lang kasi eh." I said and inabot na ang bayad sa kanya.
And now, I have a heavy box with me. I pushed it with the cart and called for a taxi to take me home.
BINABASA MO ANG
The Status : Complicated
ChickLitThat SIMPLE status that changed everything COMPLICATED. "Ako man ay nagmukhang talunan sa harap nila at para sa iba, hindi naman plastik ang ugali ko na katulad nila."