Status #20 --- That Status

53 4 1
                                    



"Some people are like clouds. When they are gone, 'It's a beautiful day!'"

I am really wondering whom it came from.. There are few people that I can think of but it is so much of an effort for them to do that. So much effort.

As of now, I am in front of my books hoping to find an answer... answer to the topic I need to research when Shyra suddenly popped in front of me.

"Woy!" I startled. "Bakit ka nanggugulat?" I closed the books and let her sit beside me.

"Why, bakit nakasimangot ka?" tanong ko sa aking limang taong gulang na pamangkin.

"Ate Gayle, sorry po dahil pinaki-alaman ko yung kahon."

She's about to cry so I wrap my arms around her and I try to calm her down.

"'Wag mo nang isipin yun. 'Wag ka nang umiyak, sige ka papangit ka niyan. Tumahan ka na sapagkat may pasalubong ako sa'yo." I said the last words giddily. Her eyes became bright and brighter when I held her the box of cookies that Miggy gave.

"Wow Ate saan naman galing ito? Mukhang imported."

"Tama ka diyan, galing kay Kuya Miggy yan. magbigay ka rin ha." Umalis na siya sa garahe at tumakbo na papuntang likod-bahay. Samantalang ako ay balik sa pagbabasa, kapag napagod na ay lumilipat ako ng pwesto upang magsulat naman at magcompute ng accounts.

Ilang oras ang makalipas ay natapos na rin ako sa pinapagawang worksheet at gumawa pa ako ng ilan upang paghahanda lamang; at kasalukuyan namang nakakalahati ko na ang paggagawa ng research nang magtawag si Ate na maghahapunan na.

"Sige 'Te sunod na ako!" Hapunan na, agad-agad? Hindi ko man lang namalayan ang tanghalian at meryenda. Sabagay, lunod ako sa mga gawain pati na rin sa pag-iisip tungkol sa lahat ng bagay.

Bago ako lumabas at maghapunan nagsend muna ako ng mensahe kina Corin, Hany, Meann at Nico. 

"Babes, musta outing? Papasok na ba kayo bukas? See you guys."

Pagpindot ko ng send button ay itong si Miggy naman ang tumatawag.

"Hello?" pagkasagot ko palang ngunit tinatawag na naman ako ni Ate upang makasabay na sa kanila sa pagkain. "I'm sorry tinatawag na ila ako upang kumain eh, tawag ka na lang ulit after thirty minutes. Bye, muwah!" Ibinaba ko na agad at tumakbo papunta sa likod.

"Tara na Rysse, umupo ka na." sabi ni Ate.

"Saglit lang 'te," pagpigil sa akin ni Rico. "Pakilagyan muna ito ng kanin, pati na rin ito." Pag-utos niya sa akin na i-refill ko yung serving bowl ng sabaw at kanin. Ang galing. -.-

Bumalik ako'ng bigat na bigat sa aking dala ngunit wala man lang lumapit upang tumulong kaya't muntikan ko ng maitapon ang sabaw sa kanila. Sayang.

Nag-umpisa na akong kumain. Ilang sandali ang lumipas ay isa-isa na silang nagsisi-alisan, mabuti na lang at nandito pa si Ate dahil binabantayan pa niya si Shyra para maubos ang kanyang kanin. I decided to talk to her while eating.

"Ate, naisip ko lang, bakit mag-isa lang ako sa garahe samantalang kayo nandito lahat sa likod?"

"Ako sana. Gusto kitang samahan pero ayaw ni Shyra do'n eh. Shyra, halika dito ubusin mo muna itong kanin mo bago yan!"

"Edi ikaw na lang."

"Hindi pwede eh." Shyra came in and Ate gave her the last bite on her plate.

"Bakit?"

"Kailangan niya ng magbabantay dito, kasi alam mo naman, mahirap patulugin nito at nagigising pa ng madaling araw. Ayaw ng naiistorbo ni Mama, 'di ba?"

The Status : ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon