4
"Naku sayang talaga at hindi natin nameet iyong sinasabi ni Allan na Vince! Sayang!" ang aga-aga, iyan ang pambungad niya.
Tahimik akong nagka-kape dito sa veranda nang sumulpot siya sa gilid ko. Napataas ang kilay ko nang lumingon kung saan siya nakaupo.
"Malay mo sumama iyong sinasabi niyang Vince pagpunta natin sa condo nila," sagot ko bago sumimsim uli sa kape.
"This is your fault!" pabiro siyang umirap sa akin, "Saan ka ba kasi galing kagabi? Hinanap kita sa restaurant sa tabi ng bar no'ng nawala ka."
Kumunot ang noo ko, "Hindi ba sinabi ni Allan na nasa labas ako? I puffed one stick outside." Humarap ako sa kanya.
"Hindi," tumingala siya sa akin, "Pagbalik namin ni Debbie galing CR, tumawag si Allan sa kanya. Eh... nagtext daw iyong bestfriend ni Allan. Aemy? If I heard it right. Ayon... They needed to go kaya hindi na sila nakapagpaalam. Tapos hinanap kita sa restaurant sa kabila." Nagkibit-balikat siya.
"Ohh, okay— wait. Speaking of text... May kasalanan ka sa akin!" suddenly, Aldrev crossed my mind. At naalala kong binenta niya ako!
"Ano?" kumunot ang noo niya.
"Binigay mo number ko kay Aldrev!" singhal ko na naging dahilan ng biglang paghalakhak niya.
She even stood up and reached for the railings. Kumapit siya doon habang nakahawak sa kanyang tiyan.
"Oh my God, he texted you?" tumawa siya ulit.
"There is nothing funny, Vidette Cyrene. Bakit mo binigay number ko?" pabiro ko siyang kinurot sa tagiliran.
"Aray ko ah!" tuloy lang siya sa pagtawa, "Sorry na. Eh kasi naman!" humahalakhak pa rin siya, "Naawa ako sa kanya. Alam mo bang galing siya sa Rosewood kagabi?"
"What?" bumilog ang mga mata ko.
"Yes! And guess what? Nagdala siya ng food and flowers! You know... He's going to pull off the netflix and chill move with you. My God, my tummy hurts now," bahagya na siyang huminahon.
Naningkit ang mga mata ko, "Kaya mo binigay ang number ko dahil naawa ka? Edi sana ikaw na lang ang nagcomfort! Tsaka wala naman siyang sinabi sa text na— oh my, God."
Natigilan ako dahil naalala kong hindi ko na nga pala nagawang i-check ang cellphone ko kagabi. He probably texted me about that!
Agad kong binuksan ang mga unread messages at bumungad sa akin ang tatlong mensahe galing kay Aldrev.
Aldrev: I'm outside your building, Paris. I brought you guys food.
Aldrev: Are you busy? Ibibigay ko lang sana itong mga binili ko.
Aldrev: Alright. Maybe next time. :)
Agad nasapo ng palad ko ang noo ko. Nakaramdam ako ng guilt dahil sa hindi pagreply sa kanya kagabi. But he should have called me beforehand or what. Hindi iyong pumunta siya doon nang walang pasabi.
Bumalik ako sa veranda at naroon pa rin si Vidette na nangingiti-ngiti pa rin.
"Oh ano? Nagtext siya sa'yo?" salubong niya.
"You gave him my number and you didn't even tell him na umuwi tayo ng Pangasinan?" humalukipkip ako sa harap niya.
Nagkibit siya ng balikat, "Well you said you don't like him." humalakhak siya.