54
Mamamatay na yata ako sa kahihiyan. Sa kagustuhan kong umalis na lang kanina ay sinalubong ko siya habang papalapit siya sa gazebo.
Balak ko sanang lampasan na lang siya at dumiretso sa exit ng Maxine's. Pero pagkakataon talaga, e. Kung tatraydurin ka ng pagkakataon, tatraydurin ka talaga niya.
"K-Kaya ko namang maglakad—"
"You're wounded. At malamang napilayan ka rin. Kung ibababa kita baka madagdagan."
Napayuko ako at napakagat sa ibabang labi. I'm such a stupid human being. Really, really, stupid.
Kung hindi sana ako nagpumilit magmadali, hindi sana ako madadapa. Hindi sana ako matatapilok at nakita ko sana iyong dinadaanan ko ng mas mabuti. Ayan tuloy!
Halos ayaw ko sanang humawak sa kanyang leeg ngunit iyon lang ang paraan para hindi ako mahulog sa pagkaka-karga niya.
Damn it. When we're close like this.
Gusto ko na lang takpan ang ilong ko. Pakiramdam ko mawawala ako sa huwisyo kapag naaamoy ko ang pabango niya.
Dito sa loob ng Maxine's restaurant siya pumasok. I wonder kung sino na ang nagpapatakbo nito ngayon gayong sa Baguio siya naka-base. He was even living in Korea for the past three years now.
Nagkatinginan kami sa mata nang ilapag niya ako sa isang cushioned chair. Una akong nag-iwas ng tingin.
Tahimik akong dumaing nang maramdaman ko ang sugat sa bandang tuhod at ang kirot sa paa. Baka nga napilayan ako. Now I'm regretting I wore these ripped jeans, too. Ang laki ng sugat ko sa tuhod.
Kumuha siya ng isa pang upuan at umupo sa aking harapan. Marahan niyang kinuha ang kanang paa ko. Ipinatong niya iyon sa kanyang hita. Umasim ang mukha ko dahil naramdaman ko ang kirot.
I think my ligaments are twisted. Ang tanga-tanga ko kasi talaga!
He took off my white sneakers. Umigting ang kanyang panga nang makita iyon.
"It's swelling." He stated. Kumunot ang noo niya.
Napakagat ako sa labi dahil kitang kita ko kung paano umalsa ang mga ugat sa paa ko. Halatang napwersa at namali ng bagsak.
"Hihilutin ko. Pagkatapos papahiran natin ng ointment."
Tumango ako sa kanya kahit ang kanyang buong atensyon ay nasa aking paa. Unti-unti niyang inikot iyon. Napapangiwi ako pero ramdam ko ang bahagyang pagkawala ng kirot. He's good at this. Marahan akong humuhugot ng malalalim na hininga.
Iniabot ng isang server ang box ng first aid sa kanya. Kinuha niya roon ang ointment at pinahiran ang paa ko. He massaged it again.
"Masyado ka bang nagmamadali sa pag-iwas? Ayaw mo ba talagang nasa malapit ako?" Biglaang sabi niya.
Tumigil siya sa paghilot. Nagkatinginan kaming dalawa. His eyes are full of emotions. Pinaghalong pagsusumamo, lungkot...
"K-Kasi may..."
Hindi ko mahanap ang susunod na salita. Napayuko ako. I looked at the floor instead. May pumipiga sa puso ko sa tuwing nakikita ko ang mga matang iyan.