Hello readers! Chineck ko ang "overview" nitong story na ito kagabi at nakita kong nasa 10+ unique accounts ang nagbabasa nito each day. Salamat sa inyo at sa tiwala na matatapos ko 'tong second story ko. Vote niyo rin para mas kiligin ako. Haha. 'Di rin siya nawawala sa ranking tulad ng Sweet Serendipity. Push lang para sa ekonomiya! You guys inspire me. //virtualhuggg
19
"Who would have thought? Sino ang mag-aakalang dito sa El Pezcador magbabakasyon ang mga higanteng 'yon?" iritang sabi ni Vidette.
Pabalik-balik siya ng lakad sa kwarto namin. Halos sabunutan niya ang sarili niya.
Napabuntong hininga na lang ako. I cupped my cheeks. Tumitig ako sa wall painting.
Oo nga naman kasi, 'di ba? Sa dami ng resorts dito sa Northern Luzon, talagang dito pa? Kung saan kami naka-check in?
Pwede naman sila sa La Union. Mag-surfing sila sa San Juan. O kaya naman pag-sawaan nilang mag-pool party sa Thunderbird Resort. Bakit naman kasi dito pa?
"Cellphone mo. Si Aldrev na yata 'yan."
Naputol ang mga iniisip ko nang sabihin iyon ni Vidette. I jumped fast out of the bed. Kinuha ko ang cellphone sa side table.
"Hello?"
"Hello? Paris? Nasa lobby na ako. Debbie's here pero wala naman kayo."
"Uhm... Nandito pa kami sa room sandali."
"Oh okay. By the way... Guess what?" Halata sa kanyang boses ang excitement.
"Ha? W-What?" tanong ko.
Kahit alam ko naman kung tungkol saan ang "guess what" niya. He probably saw the Montemayor's already.
"Nandito sina Allan. Even Vince and his family." Bahagya siyang humalakhak. "Cool right? Nakasalubong na raw ni Debbie kanina. I haven't seen them yet, though. Hindi ko sila naabutan. Hindi pa ba kayo bababa? Naka-order na ako, e..."
Napalunok ako. I looked at Vidette.
Nakasalampak siya sa couch. She's massaging her temple.
I wonder why she's also not happy about the Montemayor's being here?
Kung ako kasi ang tatanungin, ayaw ko muna talagang makita ang Vince na iyon. Nahihiya ako at naiirita. Ewan. Iyong utang ko pa!
"U-Uhm... Susunod na kami. Be there in five. Magbibihis lang."
"Alright..."
Pinatay ko agad at lumapit kay Vidette. Kinalabit ko siya. I sat in front of her.
"Baba na tayo. Nasa resto na sila. Kakain na raw." Marahan ko siyang hinila.
"I'm not going down. Bumaba ka na. I'll eat later." Minulat niya ang mata niya. Her brows furrowed.
"Is it about... Ecker?" I pursed my lips.
"What?" Napaayos siya ng upo. "H-Hindi ah. Basta!" Tumayo siya at dumiretso sa pintuan ng cr. "Sige na bumaba ka na. Susunod ako." Sinara niya iyon.
Napabuntong hininga ako. Alright... Then I have no choice then.
Kung pwede ko lang tanggihan si Aldrev. Kung pwede lang talaga ay hindi rin ako lalabas.
......
"American breakfast for four. Ma'am... Sir," utas ng waiter.
Inilapag niya ang mga platter sa harap namin. Iba't ibang klase ng sausages at sandwiches. May fries at fried eggs.