58
Isinantabi ko na muna lahat ng iniisip ko tungkol sa huling tawag ni mama.
I want to just enjoy my stay here in Alaminos. I only have a week to spend time with Teacher Loidel and Vidette. Para na rin ayusin ang nakabinbing project sa Huffles.
Dinala ako nina Vidette sa farm nila sa Mabini. She showed how things work there. Kung paano siya natuto tungkol sa mga pananim. Kung kailan at kung saan pwedeng i-export, pati na rin kung paano itanim ang mga iyon.
Teacher Loidel and I spent time cooking. I'd love to bring her out but then she insisted to stay. Magluluto na lamang daw siya ng masarap na pagkain.
"Mas masarap magpaka-bondat kung si mama ang nagluto!"
Humalakhak kaming tatlo. Vidette's mouth is full with lengua. Si Teacher Loidel ay nilagyan pa ako sa plato ng panibagong ulam galing sa food counter. Hindi ako tumanggi at napangisi na lang ako.
I will surely miss them again once I go back to Korea. Sana ay sa susunod na pag-uwi ko rito, sina mama naman ang madala ko para makilala nila ng husto ang mga nakasama ko noong hindi ko pa sila nahahanap.
From V.E. : I'll pick you up at 4AM then? Para hindi pa traffic sa Marcos Highway. I love you.
Nabasa ko ang mensahe niya habang nasa multimedia room kami at nanonood ng pelikula. Umayos ako mula sa pagkakahilig.
Sumulyap ako kay Vidette at Debbie. They're both seriously watching.
Napakagat ako sa labi habang nagta-type ng ire-reply.
To V.E. : Alright. I love you, too.
Pinatay ko ang back light ng aking cellphone at bumalik sa pagkakahilig sa sofa. I didn't wait for a reply since I expect him to sleep early.
He's been busy these past three days. Kung ako ay inenjoy ang tatlong araw na kasama si Vidette at Teacher Loidel, siya ay naging abala sa mga negosyong naiwan.
Text at tawag lang ang naging daan para hindi kami gaanong mangulila sa isa't isa. God, I sound so mushy now.
Halos mapabalikwas ako nang umilaw at tumunog ang aking cellphone. Siniko pa ako ni Vidette dahil sumakto iyon sa linya ng bidang lalaki.
Umayos ako agad at binasa ang ang mga texts. Tatlong magkakasunod iyon.
From V.E. : No "I miss you"?
From V.E. : I sound like a college guy seeking for too much attention. I'm sorry.
From V.E. : Alright. Whatever. I miss you, Paris.
Napailing ako sa mga nabasa at pinigilan ang impit na tili. Kinuha ko ang unan sa aking gilid. I buried it into my stomach.
My intestines are moving wild, this is crazy.
To V.E. : Hahaha. You're cute. I miss you more, bunny.
Kahit hanggang sa pagtulog ay kung anu-anong pumupukol sa isip ko. Naiisip ko kung gaano ako kaswerte at pinagbigyan kami ng pagkakataon para sa isa pang tsansa.