Sweet Lies 34

2.2K 69 32
                                    

34



I almost forgot about her text. Sinabihan nga pala niya kaming weekend siya dadating. Kung hindi pa tumawag sa amin si Betsy na dumating siya ay hindi muna kami uuwi mula sa Maxine's.

"Mama! Omg I missed you so much!"

Nakita ko si Vidette na tumakbo agad pagkababa sa Fresto. Teacher Loidel is standing in front of our gate. Napangiti ako habang kinakalas ang aking seatbelt.

Bababa na rin sana ako nang marinig kong malalim na suminghap si Vince. Napalingon ako. Kung hindi ako nagkakamali, ang ganyang ekspresyon ng mukha ay nagsasaad ng kaba. Napailing ako.

"Baba ka rin, a? Ipapakilala kita sa kanya." Ngumiti ako sa kanya.

"Wala akong takas... I wasn't ready enough for this, though."

Diretso ang kanyang tingin sa direksyon ni Teacher Loidel, Debbie, at Vidette na ngayon ay nagku-kwentuhan na yata. Isang beses uli siyang suminghap.

"Relax... Mabait iyan si Teacher Loidel. Hindi ba kinu-kwento ko siya sa'yo?"

Bumaling siya sa akin at pinilit niyang ngumiti. Ganoon ba talaga? Kailangan ba talagang kabahan? Gusto ko tuloy siyang tawanan ngayon dahil halatang kabado siya.

"Sabay na tayong bumaba," dugtong ko. Tumango siya sa akin.

I can't believe he can still look cute, handsome and all by just being nervous. I mean... how can someone do that? Naging biased yata ang nasa itaas nang ginawa niya ang lalaking ito.

Pagkababa namin ng kanyang kotse ay napabaling agad sina Vidette. Nilingon ko si Vince, napakagat ako sa labi para magpigil ng ngiti nang mahalata kong lumunok siya ng isang beses. Gusto ko talagang tumawa dahil sa pinapakita niya.

"Cher..."

Sinalubong ko siya ng yakap. I missed her so much I could just hug her all night tonight.

"Ginagabi na yata lagi ang mga dalaga ko, a?"

Kumalas siya sa akin. She held both of my cheeks and gave me a sweet smile. How thirsty I was for those smiles. Naibsan lahat ng pagka-miss ko sa kanya sa loob ng maraming buwan.

"Hay nako, ma. Bad influence sa amin itong si Debbie," ani Vidette at pabirong inirapan si Debbie.

"Anong BI? Nako tita huwag kang maniwala dyan. Siya itong bad influence sa amin ni Paris."

Agad sinipat ni Vidette si Debbie sa braso. Humalakhak kami dahil doon. I couldn't ask for more right now. Kumpleto ang sources of happiness ko ngayong gabi.

Napabaling kami nang may tumikhim mula sa likuran. Sumulyap sa akin si Teacher Loidel at nagtaas ng kilay. Ngumisi ako sa kanya.

"Sino naman itong makisig na binata?"

"V-Vince. Vince Montemayor, Mrs. Uytingco..."

Naglahad siya ng kamay kay Teacher Loidel. Tinanggap naman niya iyon agad.

"Surprising. You know my surname?" gulat na tanong ni Teacher Loidel.

Lihim akong napangiti. Of course. Of course he knew. He's been asking about Teacher Loidel and how he would deal with her.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon