17
Sabi nila, hangga't maaari pigilan mong magsalita kung nananalaytay ang alak sa katawan mo. Or else, you'll make the worst speech you'll forever regret.
In my case, I already had that speech last night. And guess what? Hiyang hiya ako.
"Jeeez kung sana wala na akong bruises sa mukha at katawan! I should've come. Mavi-video kita sa kahihiyan mo!" Tawa pa rin siya nang tawa.
Yes, Vidette is back to her usual self. Medyo maayos na siya mula sa aksidenteng nangyari noong huling linggo. At ayan, nagagawa na niya akong tawanan.
"You're such a nice friend," I said in a sarcastic tone.
Inirapan ko siya at saka humilig uli sa couch. Narito kaming dalawa sa veranda. Ayaw ko na halos alalahanin kung anong nangyari sa amin ng Vince na iyon kagabi.
"Wala ka ba talagang maalala kagabi? That's Vince Montemayor right there! I mean... Come on! He drove you home two times already!"
"W-Wala. Wala akong maalala. I was too drunk."
Of course, Paris. You need to lie. Okay? Kaysa naman sa patuloy kang kantyawan ng bestfriend mo.
Tandang tanda ko lahat ng kahihiyang nasabi ko. Nalasing ako pero hindi sapat 'yon para hindi ko maalala ang mga nangyari kagabi.
Nag-walk out ako sa table. Sinigawan ko siya. Sinabi kong allergic ako sa kanya. Na hindi ko alam kung saan nanggaling. At hinatid pa niya ako. Nakakahiya!
Ewan ko ba. I don't even want to remember any bit of it anymore. Sana nga sinobrahan ko na lang iyong alak na nainom ko. Para nang sa gano'n, wala na lang akong maalala.
Kaysa naman sa naaalala ko nga, hiyang-hiya naman ako sa sarili ko sa tuwing naiisip ko. Hayyy, Julia Parisha! What have you done? Huh? Shame on you!
"Sorry yesterday. Hindi kita nasundo. Tumatawag ako sa'yo pero naka-off ang phone mo buong gabi. Were you busy?"
It's Aldrev. Sinundo niya ako mula sa FG pagkatapos ng trabaho. Kararating niya galing Maynila. He went straight here.
"Medyo lang." Sumulyap ako sa kanya. Diretso ang kanyang mata sa daan. "Lumabas kami kagabi ni Allan pagkatapos ng trabaho..."
"Talaga?" His eyebrows shot up. Tumango siya. "Kayong dalawa lang ni Allan?" dugtong niya.
"U-Uhh... Dalawa lang kami," halos mautal ako sa sagot ko. "Pero naki-table sa amin si Vince." Umiwas ako ng tingin.
"Vince?" utas niya. Parang may halong pagkagulat.
Nilingon ko uli siya at naabutan kong bahagyang nakakunot ang kilay niya. Napalunok ako. Umawang ang bibig ko.
I was about to answer but then something inside me dribbled. Kumunot ang noo ko nang may kumirot doon. Hindi ko alam kung para saan.
I pursed my lips before answering. "Yes. Vince. But he's... He's with someone. A girl actually. So apat kaming nasa table." Nag-iwas ako ng tingin.
Huminga ako nang malalim at pinilit kong kalmahin ang loob ko. This is bad. It's bad, isn't it? Hindi ko maintindihan pero ayaw kong kumpirmahin sa sarili ko. It's wrong.
"A girl?" I saw him glanced from my peripheral view. "His girfriend?"
"I... have no idea." I shrugged. "They're sweet, though."