Sweet Lies 47

2.3K 66 32
                                    

47



"Julia Parisha? Hello? You there? Gwaen chanh-a yo?"

Natauhan ako sa pagkakahalumbaba nang iwinagayway ni Yumi ang kanyang kamay sa harap mismo ng aking mukha.

Napaayos ako ng upo. Tumango ako sa kanya bago bumuga ng hangin.

"What is wrong with you? We came here all the way from Busan. You asked us to pick you up and now look at you."

Nagtaas siya ng dalawang kilay. Naghihintay sa isasagot ko ngunit wala talaga. Pinapunta ko lang sila rito sa Seoul dahil gusto kong umalis sa apat na sulok ng opisina ko.

"Do you want to go somewhere? I can drive."

Humilig si Miko sa mesa. Hindi ko pa rin alam kung anong nangyayari sa akin. Blangkong ekspresyon ang isinukli ko sa kanila.

"Come on... Paris. What? Tell me. Eversince the runway show happened two weeks ago, you've been like a zombie walking around Gangnam. You barely talk. What's wrong?"

Nakahalukipkip na si Yumi sa aking harap. Miko is already puckering his eyebrows.

Napakagat ako sa labi. Buntong hininga ang naisagot ko. Yumi immediately rolled her eyes.

"God, Paris. We've known you for three long years and the last time I checked, you've been like this only once. At nagka-ganyan ka lang noon dahil— Omo!"

Naningkit ang mga mata niya sa akin. Now I know I can't lie.

Bukod kay Vidette ay si Yumi na yata ang pangalawang nakakakilala sa akin mula utak hanggang bituka.

Napailing ako at napayuko. Humugot ako ng malalim na hininga.

"Could it be..." I heard Miko. Nag-angat ako ng tingin.

Lalo ring naningkit ang kanyang mga mata at palipat-lipat iyon sa akin at kay Yumi.

I almost forgot, Miko also knew about Vince and the whole story why we ended.

"Don't you lie to us, Julia Parisha Cua. Is this about your fucknut ex-boyfriend?"

Gusto kong matawa dahil para bang masasabunutan niya ako kapag hindi ako umamin.

I pursed my lips.

"Remember that masked model who danced with me at the show?" I released air.

Literal na nanlaki ang mga mata ni Yumi sa akin. Bahagya pa niyang nasipat ang mesa. Sumulyap ako kay Miko at naabutan siyang nakangiwi.

"That's the Asian model I was telling you! The one I saw backstage! Omo! Why!? Did he get your number? Is he hitting on you?"

"Tss... I'll just order." Sumingit si Miko bago pa ako nakasagot.

Napabaling kami sa kanya. Kumunot ang noo ni Yumi ngunit bago pa niya ito masinghalan dahil sa pagsingit ay tumayo na ito papunta sa counter. Sinundan namin siya ng tingin.

"Weirdo," bulong-bulong ni Yumi habang nakatingin pa rin sa naglalakad na si Miko.

Napairap ako sa kawalan at napailing.

Mabuti pa silang dalawa. Walang komplikasyon. Tanging ang mga damdamin lang nilang takot umamin ang pumipigil.

"Now you! Tell me!" gulat akong napabaling sa kanya nang bigla niya akong hinarap.

Tumaas ang dalawa nitong kilay.

"His voice." I had to release air again. "His voice sounded like my ex's." I wrinkled my lips.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon