56
"Kung three years ka na sa Lunace Korea bilang model, bakit hindi man lang kita nakikita sa Gangnam?"
Nilingon niya ako at may katagalan siyang tumitig sa akin bago niya kinagat ang pang-ibabang labi. Bumaling uli siya sa daan. Humigpit ang kanyang hawak sa manibela.
"I hid."
"What?" Halos matawa ako.
"Nagtago ako. But I was all over the place. It's just that..." Kinapa niya ang palad ko at hinalikan iyon. "I didn't want you to see me. Broken and effed up. While you're happy and all..."
"Sino ba nagsabing masaya ako noon?"
"May nagsabi sa akin. Tsaka... Nakita ko rin. I've seen it. And I didn't want to spoil that happiness."
Kumunot ang noo ko sa kanya. Binawi ko ang aking kamay na hawak niya pa rin. Hinarap ko siya nang tuluyan ngunit diretso ang kanyang tingin sa daan.
"May nagsabi sa'yo? Sino?"
Hindi siya agad sumagot. Tila ba iniisip niyang mabuti kung sasagutin niya ba ang tanong ko o hindi.
"Wala... Hindi na importante."
"Anong—"
"Your phone's ringing."
Bahagya akong nataranta nang marinig ko nga na nagri-ring ang cellphone ko. Bumuga ako ng hangin bago iyon sinagot. It's Levence.
"Hello?"
"Paris. Where are you? You on your way? Meeting starts at ten. Huffle's representatives are here already. Ikaw na lang hinihintay."
"Yes. Yes, Levence. Malapit na. Give me ten minutes."
Naramdaman kong bumilis ang andar namin kaya hinawakan ko ang braso ni Vince. Sumulyap siya at agad akong umiling at kinunutan siya ng noo.
Nakuha niya naman agad. Humupa ang bilis ng takbo namin. Nang ibinaba ko ang tawag galing kay Levence ay sinipat ko siya sa braso.
"You seriously drive that fast when I'm your passenger? Nasa Harrison pa naman tayo! Jesus..."
Humalakhak siya at umiling.
"E, late ka na..."
"Kahit na." Damn, Montemayor.
Inabala ko ang sarili ko sa files na dadalhin ko sa taas ng Luminance. May bagong kliyente kami ngayon at sikat na brand ito ng kiddie apparel. It's Huffle.
Kahit pa nag-iwan na naman siya ng malaking tanong sa akin tungkol sa kanina ay pinilit ko na lang kalimutan ang mga narinig ko.
Sinong nakausap niya noon sa Korea at nagsabing masaya na ako? It's kind of bothering me.
Or maybe he's right... Maybe it doesn't matter anymore. Guguluhin ko na naman ang kasalukuyan. I need to stop bringing back past issues. What matters is that, we're here again. Kami na ulit. Masaya na uli kami.
"Text me when you're done. Nasa kabila lang ako."
Tumango ako sa kanya. Nasa labas na ako ng kotse ngunit bukas pa rin ang glass window.
"You sure you'll be fine? Baka tumagal iyong meeting. They'll present their products. I'll meet the Ad Teams, too."
"Andrion will be here. I'll be fine."