15
Ilang segundo pa akong tumunganga. Kunot-noo kong pinanood na mawala sa pangingin ko ang Dodge niya.
What was that? Did he really mean to say I look good on my dress?
After saying I have black circles under my eyes? At sinabi pa niya iyon nang sobrang late na!
"You one weird guy..." bulong ko sa sarili ko. I shook my head.
Magpapasya na sana akong pumasok nang may bumusina uli sa likuran ko. Agad ko iyon nilingon.
"Aldrev?" utas ko.
Kasabay no'n ang pagbaba niya sa kanyang Focus. He looks so worried. Dumiretso siya sa kinatatayuan ko.
"Paris."
"S-Sorry kung—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang agad niya akong niyapos. Mahigpit. Sa gulat ko ay hindi ko iyon nasuklian.
"I was so worried!" Kumalas siya. Nasa magkabilang balikat ko ang mga kamay niya. "Hindi na kita naabutan sa ospital. Good thing Ecker was still there. Sinabi niya sa akin na umuwi ka na."
Kumunot ang noo ko.
Kilala niya rin ba si Ecker? Well that's not impossible. Sa liit ng mundo, talagang hindi iyon imposible.
"You know Ecker?" I asked. Para makasigurado lang.
"Yea. I know him. We're college schoolmates." Hinila niya ako uli para sa isa pang yakap. "Pinag-alala mo ako." He kissed my forehead.
May kaunting ilang na umagos sa akin kaya't bahagya ko siyang naitulak.
I'm still blaming the dress I'm wearing. It's thin and kinda tight. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako pumayag na ito ang gamitin ko.
"I'm okay..." Ngumiti ako. "Ikaw naman. Hindi ako ang naaksidente. Si Vidette. You don't need to worry about—"
He shut my mouth using his thumb. Ipinatong niya iyon sa aking bibig. Naitikom ko iyon agad.
"I'm always worried whenever you're not around. Hindi mo iyon maaalis sa akin. Okay?" mahinahon niyang sabi.
I gave him a weak smile. Tumango ako sa kanya.
"Nag-commute ka ba pauwi? Hindi ko na natanong kay Ecker sa sobrang pagmamadali."
Napalunok ako sa tanong niya. I don't know? Will I tell him the truth?
Na si Vince ang kasama ko mula nang umalis ako sa Maxine's? That he drove me home?
"I uh... Was with Vince."
"Vince?" Kumunot ang noo niya.
"Yea well... Naabutan kasi niya ako sa—"
"Oh right. Right. Naabutan ka niya sa hospital. Magpinsan nga pala si Ecker at Vince."
I was trying to swallow the lump on my throat but I couldn't. Anong meron, Paris?