37
Isang buwan na mula nang araw-araw akong binabaliw ng isip ko tungkol sa nakaraan ni Vince kay Aemy.
Medyo nahiya ako sa sarili ko. Hindi ko naman dapat pagselosan si Aemy pero unconsciously, nangyayari na lang.
I'm refusing to make his past with Aemy make me bitter.
Hinding-hindi ko na pauunlakan lahat ng pagseselos na walang basehan.
"Lapit na birthday mo. You're feeling twenty-two na. Gosh, you're so old."
Humagikhik si Vidette kasama si Debbie. They're here to pester my day. Wala raw sila parehong ginagawa kaya't naisipan nilang bumisita rito sa FG.
"Anong balak mo? Second week ng October iyon 'di ba? Hmm... Boy hunt! Sa BGC tayo!"
Eksayted si Debbie sa gilid ko. Sinipat siya agad ni Vidette. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.
"Anong boy hunt? Baka gusto mong ikaw ang i-hunt ni Vince kapag nalaman niya iyang plano mo? Teka?" Natigilan si Vidette. Hinarap niya ang direksyon ko. "Alam ba ni Vince na birthday mo na? Next week na iyon..."
Umiling ako kasabay ng isang buntong hininga.
"Wala siyang alam tungkol sa birthday ko—"
"Sinong may birthday, 'te?"
Biglang iniluwa ng pintuan si Allan. Sabay-sabay namin siyang nilingon. Napahawak ako sa aking dibdib.
"Allan!" Debbie and Vidette said in unison.
Tumayo sila sa pagkakaupo at sinalubong si Allan ng yakap at beso.
"O, eh ano na? Sinong may birhday?" tanong uli ni Allan.
"Ang nag-iinarte mong co-manager! Birthday na niya next week."
Si Vidette ang sumagot para sa akin. I just rolled my eyes and continued working on some paperworks.
"Naku girl! We need to throw you off a party! Saan ba? Ano bang balak?" umupo si Allan sa harap ng aking mesa.
Nag-angat ako ng tingin ngunit nagkibit-balikat lang ako.
I don't know. I don't have any plans for it. For the last three years, I didn't really celebrate my birthday.
Sinusurpresa ako ni Vidette ng cake at candles noon tuwing 12 midnight ng birthday ko ngunit pagkatapos noon, balik reyalidad.
When I turned 18, that was the last time I exerted efforts for my birthday. Hindi ko naman kailangan ng okasyon para doon. Masaya na ako sa tuwing naaalala ng mga malalapit na tao sa buhay ko.
"Wala ka pa rin bang balak mag-celebrate? May nadagdag na circle of friends mo, oh?"
She didn't drop the topic yet. Nasa kotse na kaming dalawa pauwi ngayon ngunit iyon pa rin ang sinasabi niya.
"I don't know, Vidette. Basta iyong bilin ko, huwag mong sasabihin kay Vince. You know him. At alam kong alam mo ang pwede niyang maisip gawin kapag nalaman niya. I don't want him to make an effort for this. Busy siya ngayon."
"Paano kung nalaman niya—"
"Hindi niya malalaman kung walang magsasabi. Lalo ka na. You can't stop your mouth sometimes."
Pabiro akong umirap sa kanya. Ngumiwi siya sa akin.
"Oo na, boss. Baka mamaya sungitan mo ako uli. Parang last week noong may PMS ka."